HESTIA'S POV.
"HELLO SIR? Ready na po sya."sabi ng isang tinig ng babae.
Ramdam ko ang pag-ikot ng paligid ko at marahang pagsakit ng ulo ko at unti unting minulat ang mga mata ko.
Nagulat na lamang ako ng makita ko ang isang salamin na nakatutok sa harap ko kung saan kita ang buong ako na mula hanggang paa.
Napatingin ako sa suot ko kaya naman natigilan ako at napatitig sa sarili ko.
Nakasuot ako ng Trahe de boda at Nakaayos ang buhok ko na nakalugay na kulot ang dulo nito at may nakakabit na belo upang takpan ng kaunti ang aking mukha.
Wala sa sariling pumatak ang luha ko sa hindi ko malamang dahilan.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko at puno ng iba't ibang tanong ang utak ko...kung bakit?ano? ang dahilan bakit nakasuot ako ng ganito.
Malamang na ikakasal ako pero kanino? Ni hindi ko kilala kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.
"Maam ...wag po kayong umiyak baka po masira ang make up nyo"paalala sakin ng isang babae na halata namang make up artist at inalalayan akong tumayo sa kinahihigaan ko.
Ngunit hindi naging hadlang ang sita sakin ng make up artist para hindi tumila ang luhang pumapatak sa mga mata ko.
"Maam.Maari na daw po kayong tumayo naghihintay na po yung driver sa labas"paalala sakin nito at inalalayan akong tumayo sa kinauupuan ko ag wala sa sariling kinuha ko ang nakaoffer na kamay nito at dahan dahang tumayo.
Inalalayan pa ko nitong make up artist kung saan medyo inayos nya ang dulo ng aking trahe de boda na suot ko at unti unti ko ng binuksan ang pinto.
Bumaba ako sa hagdan at nakasunod pa sakin ang make up artist tinitignan ba kung may mali pa sa itsura at suot ko ngunit wala na itong naging puna.
Hindi nga nagkamali ang make up artist dahil naghihintay na doon ang isang white Cadillac kung saan may bulaklak ito sa unahan na tanda ng kasalan.
Walang imik kong tinanggap ang kamay ng lalaking driver na tingin ko ay nasa mid-30 ang edad at isinakay ako sa backseat at pagkasara ng pinto ay may ibinilin pa ang artist ngunit wala na roon ang isipin ko kundi parang lumilipad lang ako sa panahon na ito.
Maya maya lamang ay sumakay na ang driver sa driver seat nag-umpisa ng iandar ang sasakyan.
Nakatingin lamang ako sa pinaglalaruan kong mga daliri dahil wala akong ibang magawa dahil kagustuhan siguro ito ng criminal na kumuha sa anak ko.
Ito ba ang kapalit? Ang pagpapakasal sa taong hindi ko kilala ni wala akong idea dahil alam ko lang kinuha nya ang kaisa isang buhay ko---ang anak ko.
Kung ito man ang gusto ng taong yun tatanggapin ko basta ibalik nya sakin ang anak ko at sa oras na mahawakan ko na ito hindi ko na hahayaan na masaktan nya muli ito.
After siguro ng 10 minutes ay nakarating na kami sa isang Cathedral at sarado ang pintuan nito.
Hindi ako pamilyar sa lugar kung nasaan ako ngayon muka itong pinaghandaan dahil ang tanging makikita mo lamang sa paligid ay malalaking puno at red carpet at may mga balon pa ito.
Inalalayan ako ng driver na lumabas ng kotse at sinarhan ulit nito ang pinto.
"Congratulation po maam.Maaari na po kayong pumasok"nakangiting sabi ng driver gusto ko mang ngitian ito pero parang hindi ko kaya.
"s-salamat."tangi ko na lamang nasabi at dahan dahang hinakbang ang mga paa ko papasok sa simbahan.
Nang nasa tapat na ko ng pintuan ay nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko ito.
