CHAPTER 9

908 27 0
                                    

ATHENA'S POV

"LAST POSE"sabi naman ng photographer at ng okay na ay agad na lumapit sakin ang P.A ko para ihatid ako sa aking Personal Dressing Room.

"Maam may tumatawag po"sabi naman nito at kinuha ko naman ang phone ko at hindi na nag-abala pang tignan kung sino ang tumawag.

"Yes?"sabi ko at naglakad na sa hallway habang nakasunod ang PA ko habang hawak nito ang Gucci ko.

"Maam..Si Thunder po ito."

"Hmm..bakit?May nangyari ba kay Hestia?"tanong ko sa kabilang linya madalas kasi natawag sakin si Thunder o si Hestia kapag may problema sa bahay.

"A-ahh...maam kasi po nanganak na si H-hestia..pinapatawagan nya po kasi ako sa inyo eh"

Halos manginig naman ang kamay ko.Finally nanganak na ang Future sister in law ko.kamusta na kaya ang pamangkin ko?Im so excited!Kyahh!

"Finally!Thank God?Nasan si Hestia i want to talk to her"natutuwang sabi ko at napatigil sa paglalakad.

"Hello Athena?"

"Ohhemmm...nanganak ka na?!!Finally ano bang Gender ng pamangkin ko?Ano bang pangalan?Napa-record na ba sa Hospital dyan?"tanong ko habang nakangiti parang nawala ang pagod ko sa narinig kong magandang balita.

"It's a baby boy..at sya ay si Fire Heuz.Paparecord na namin si Baby Fire dito sa Hospital"

Sabi naman ni Hestia sa kabilang linya.At nagpatuloy na ulit ako sa paglakad.Parang gusto ko na tuloy pumunta sa Palawan.Kaso mahirap na tulad ngayon busy ako sa Photoshoot after nito didiretso na ako sa kumpanya dahil ewan ko ba dun sa kapatid ko kung saan na nagsususuot pati mga papeles sa opisina natatamabak na.

"Omo!Parang gusto ko na tuloy buhatin ang pamangkin ko!Hihi..."

Natutuwang sabi ko.Salamat naman sa Diyos dahil ligtas ang mag-ina ng kapatid ko.

"Haha!Ganun?Oh sya kapag hindi ka na busy bumisita ka naman dito para makapagkwentuhan naman tayo.."

At natuwa naman ako sa sinabi ni Hestia sa idea na sinabi nya.

"Oo naman...kahit na hindi mo sabihin Hsstia pupunta ako dyan.Nalulungkot nga ako kasi ngayon ko na gustong pumunta kaso busy eh"

Nakangusong sabi ko.At natawa naman sya sa tinuran ko.

"Sus!Haha ano ka ba?Nakakataba naman ng puso yan nahiya naman ako bigla sayo."

Sabi naman ni Hestia sa kabilang linya.At nakarating na ako sa dressing room at pinagbuksan ako ng pintuan ng PA ko at pumasok na at sumunod naman ito sumalampak ako sa Sofa habang kausap pa rin si Hestia.

Close na nga talaga kami..at masaya na ako doon.

"Sus wag ka ng mahiya atska anyway pamangkin ko naman yan.Kaya wag ka ng mahiya pa dyan"

Sabi ko at pumitik kaya naman napatingin sakin ang PA ko na kasalukuyang nakaupo sa isang tabi.

'Coffee'

Walang tinig na sabi ko at tumango tango naman ito at inilapag ang Gucci ko sa center table at nagpunta sa Coffee maker upang gumawa ng Coffee ko.

"Hayy salamat talaga ha?Kung wala kayo ni Thunder siguro wala kami ni Fire dito"

Sabi naman nya kaya naman napangiti ako sa tinuran nya.

"Wala yun...atska ang tanging gagawin mo lang ay alagaan ang pamangkin ko at palakihin ito ng mabuting bata"

THE MISTAKEN BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon