A/N: SANA PO WAG KALIMUTANG BUMOTO AT MAGCOMMENT PARA GANAHAN PO AKONG MAGUD SALAMAT PO
THUNDER'S POV
9 MONTHS LATER..
"CONGRATULATION IT'S A BABY BOY!"
Sabi ng Doktora sa akin habang kalong kalong ko ang anak ni Hestia.Kasalukuyang nasa delivery Room si Hestia at walang malay dahil sa pagod na paglalabor.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ng makita ko na ang halos pinaghirapan nyang dalhin sa loob ng syam na buwan.
"Welcome to the world Young Man"sabi ko rito at hinalikan ito sa noo at pikit na pikit pa ang mga mata nito habang nakabalot ito sa puting Tela.
"Sir...excuse me pede ko po ba kayong makausap"lapit sakin ng isang Nurse at tumango tango naman ako at sinenyasan ako nito na sumunod rito kaya naman habang kalong ko ang baby ni Hestia ay proud akong naglalakad.
Dahil naalala ko yung mga time na kapag naglilihi si Hestia ng dis-oras ng gabi maalipungatan ako dahil sinusundot sundot nya ang pisngi ko para gisingin ako at habang hawak nya ang malaki nyang tyan habang nakanguso.
Kaya minsan natatawa na lang ako dahil para syang teddy bear kapag ganun sya.Kaya naman napapangiti ako.
Kaya wala sa sariling napangiti ako sa mga naalala ko.Makita ko lang ang anak ni Hestia ay worth it na lahat ng pagod at puyat ko dahil nagbunga ito ng maganda.
Isang malusog at gwapong bata.
Nakarating na kami ng Nurse sa nusery kung saan nilalagay ang bagong labor na baby at humarap sakin ang Nurse.
"Sir...akinana po muna si Baby para maicheck po sya ni Doc mamaya ihahatid na lang po namin sya sa Room ng asawa nyo kapag okay na"sabi naman noong Nurse at dahan dahan kong inabot sa kanya ang anak ni Hestia at nilagay sa parang transparent na lagayan ng baby kapag nursery at kahilera ang iba pang baby roon.
Hindi na rin bago sakin ang mapagkamalan akong asawa ni Hestia dahil sa loob ng syam na buwan ay ilang beses na ba kaming nakaEncounter na akala ay mag asawa kami.
Hindi na rin naman ako naiilang kapag ganun.Ano naman kung mapagkamalan ako atlis ako hindi ko iiwan si Hestia tulad ng ginawa noong Zeus na yun tapos manggugulo pa.
"Ah ganun ba.Sige salamat"sabi ko naman at lumabas na kami ng Nursery Room at pumunta na ako sa magiging kwarto ni Hestia sa Hospital upang ihatid na si Hestia doon.
Nag-intay muna ako ng Elevator para makapunta na ako 5th floor kung saan doon iaakyat si Hestia.
Nang may available na ay pumasok na ako sa loob at may nakasabay rin naman akong ilang pasyente at mga nurse at doctor na papunta rin sa papataas na Floor.
Nang makarating na ako sa 5th floor ay hinanap ko yung ROOM 103 para intayin na doon si Hestia na ihahatid na lamang dito.
Isang malinis at simpleng kwartong pang-Hospital ito at pribadong kwarto kung saan iisang pasyente lang ang nakalagay doon.
Pumasok na ako at pinatong ko na ang gamit ng bata at damit ni Hestia na inihanda na namin bago ang kabuwanan nya kaya nung nakaramdam na sya kanina ng hilab ng tyan ay agad agad ko ng kinuha ito.
Inayos ko ang ilang gamit namin ni Hestia hindi muna ako makakauwi ng Mansyon para mabantayan ko si Hestia mahirap na baka manggulo pa kung sakali yung Zeus na yun.
Habang inaayos ko yung mga gamit ay may mahinang katok naman ang umagaw ng atensyon ko at bumungad sakin ang mga Nurse at nandoon si Hestia na kasalukuyang tulog na tulog bakas sa mukha nya ang pagod dahil sa lalim ng mga hininga nito.