HESTIA'S POV
*FAST FORWARD 3 DAYS AGO*
ITO na ang araw ng pag-alis ko papunta ng Palawan kasalukuyan akong nag iintay ng flight go to Palawan habang katabi ko si Ares at kasama rin si Athena at si Hades na nakaakbay na ngayon kay Athena.
"Hey Hestia ingat ka doon ha?Ingatan mo din yang pamangkin ko"bilin sakin ni Athena at ngumiti naman ako sa tinuran nya kung ganito lang si Zeus masaya na siguro ako ngayon.
Pero impossible yun dahil mahal nya si Minerva kumpara sa akin na FB nya kaya kahit na akuin ni Zeus ang responsibilidad nya sa anak namin ay hindi pa din ako magiging masaya dahil nasa paligid lang nya si Minerva.Dahil napatunayan ko na rin yun.
"Oo naman maraming salamat ha? Sa pansamantalang pagpapatira mo sakin doon para sa kaligtasan narin ng baby ko"sabi ko naman sa kanya at ngumiti dahil nakakataba ng puso na kahit itinaboy ako palayo ni Zeus ay may pumalit naman na mga kaibigan ko na wag kong sukuan ang baby ko at mas mahalin ko pa ang sarili ko.
"Anu ka ba?Wala yun atska wag kang mag-alala patay sakin yang si Zeus sa sinabi nya sayo nung nasa Department Store kayo.Ewan ko ba sa kapatid ko na yan kung anong gamuya ang pinakain ng Minerva na yan bakit ganyan yan."sabi naman ni Athena kaya naman medyo natawa si Hades dahil diba nga magkaibigan si Hades at Zeus kaya hindi na ako magtataka sa reaksyon ni Hades.Naikwento ko rin kasi sa kanila ang nangyare nun at naging dahilan ng hindi namin pagtuloy sa pamimili ng Grocery dahil umiiyak ako nun kaya dumiretso na kami sa Starbucks at doon kinuwento lahat ni Ares kung bakit ako umiiyak noon.Kaya naman medyo natagalan rin ang alis ko dahil sa Landlord ng aking apartment dahil medyo busy na rin ako sa pagaayos ng kailangan ko.
"Haha hayaan mo na lang yun kaya ko din ito gagawin para sa ikatatahimik ng loob ko ayoko na muna umiyak dahil napapagod na rin ako at ayoko syempre pating mahirapan ang baby ko"sabi ko naman at hinaplos ang maliit ko pang tyan hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na may buhay na sa loob ng katawan ko.
"Good.Mamimiss kita..Pero I'll do my best para mabisita ko kayo ng baby mo.Hindi ako makakatulog kakaisip sayo at sa baby mo"sabi naman ni Ares at tinapik pa ako sa balikat at nagtayuan na kami ng tumunog na ang intercom ng Airport papuntang palawan.
"Mamimiss din kita Ares atska wag ka ring mag-alala may kasama naman ako doon yung Care Taker ng mansyon ni Athena"sabi ko naman kay Ares at sinuklian lang ako ng tipid na ngiti at tumingin naman ako sa gawi ni Athena na parang naluluhang nakatingin sakin at nakatayo na rin sila.
"Mamimiss kita Hestia pero susubukan namin kapag di na kami busy pupunta kami doon...Alagaan mo ang sarili mo wag kang mag-alala mabait si Thunder"sabi naman ni Athena at hindi ko inaasahan ay bigla nya na lang akong niyakap kaya naman napangiti ako dahil parang ayaw nya na akong pakawalan.
"Mamimiss kita Mrs.Future Zeus Cardova at si Little Zeus"sabi naman ni Athena at suminghot naman kaya tumulo na rin ang luha ko dahil hindi ko akalain sa loob na apat na araw naming nagkasama ng maayos ay magiging close kami ng ganito.Humiwalay rin kalaunan si Athena sa pagkakayakap sakin
"Ingat ka doon ha?Akong bahala kila Zeus"sabi naman ni Hades kaya naman medyo napatawa ako sa sinabi nya.Tinuruan kasi ako ni Athena na tawanan na lang ang bagay na nakakasakit sakin kasi pag mas lalo mong dinamdam ang sakit mas hinsmdi iyon nakakatulong sa sarili mo para hinsi ka masaktan sa isang tao o bagay na naging dahilan ng sakit.
"Oh sya una na ako galit na yung nagsasalita sa Intercom"biro ko pa at natawa naman sila at isa isa silang niyakap at saka ngumiti at nagbeso pa kami ni Athena bago ko tinulak ang maleta ko na naka lagay sa Cart.
"Alis na ko...Mag ingat kayo pag uwi ha?"sigaw na paalala ko sa kanila dahil malayo layo na rin ako at nakita ko naman napayakap si Athena kay Hades.
