THUNDER'S POV
NAKAUWI na kami ni Hestia ngayon ay kasalukuyang hinuhugasan nya ang Manok dahil magluluto kami ng Kalderetang Manok.
Unti unti akong lumapit sa kanya at niyakap sya mula sa likod ramdam ko naman na nagulat sya sa ginawa ko.
"Hey g-ginulat mo naman ako..."sabi nya kaya naman napangiti ako at pinatong ang baba ko sa balikat nya.
"Sus...ano?Okay na ka na ba?"mahinang tanong ko sa kanya habang pinapanood ko kung paano nya linisin ang mga manok.
"O-oo naman...natakot lang ako kanina kasi akala ko mababangga na talaga ako..kaya salamat sayo ha?Kung wala ka doon siguro nabangga na ko"sabi nya kaya naman napangiti ako para sa sarili ko dahil hindi ko maipaliwanag kung gaano kagaan sa pakiramdam yung sinabi nya.
"Diba nga malakas ka sakin.." at mahal kita kaya hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo.
Medyo sumilip ako sa mukha nya at kita ko naman na nakangiti sya kaya naman napangiti ako.
Iniimagine ko habang yakap yakap kong ganito si Hestia tapos bigla na lang iiyak si Baby Fire na nasa dining area tapos bigla na lamang ako mapapakamot sa batok dahil nag-aatungal ang anak namin tapos sasabihin sakin ni Hestia 'Ikaw talaga bitawan mo na nga muna ako buhatin mo muna ang anak natin' tapos ako walang choice kundi si Baby Fire tapos-----
"Huy bitaw muna dyan at lulutuin ko lang ito hindi ako mamakakilos ng yakap mo ko..."natatawang sabi nya kaya naman medyo napapahiyang binitawan ko na sya.
"Naglalambing lang naman ako psh.."bulong ko sa sarili ko at aalis na sana ng kusina ng hawakan nya ako sa braso.
"Huy ano yang binubulong bulong mo dyan?Atska tignan mo..nakanguso ka pa.Diba tuturuan mo kong iluto nito"sabi nya sakin na natatawa kaya naman nagbaba ako ng tingin at walang pasabing hinawakan ang kamay nya.
"Im sorry na..."sabi ko na lang habang hawak ang kamay nya at gumanti naman sya kaya napatiim ang titig ko sa kanya.
'Ang ganda nya talaga...'
"Sus okay lang yun ano ka ba!haha Nagiging isip bata ka na din"sabi nya kaya naman napangiti ako sa sinabi nya.
'Gusto ko lang naman maglambing sayo kahit na nakakabakla man gagawin ko pa din'
"Malakas ka makaBI eh haha!"pang aasar ko sa kanya naramdaman ko naman ang pagpisil nya sa kamay ko at pasimpleng sinirang ako ng tingin.
Binitawan nya naman ako at lumapit na doon sa bowl na may lamang manok na hinuhugasan nya kanina.
"Wow ha?!Ako pa talaga sobra bang sama nung----"hindi nya na natuloy yung binubulong nya ng niyakap ko sya mula sa likod medyo napatalon pa sya ng konti kaya mahina akong napatawa
"Ito naman...nagbibiro lang naman ako atska gusto ko nga yung impluwensya mo sakin eh!"sabi ko pa at nakita ko naman ang paghaba ng nguso nya dahil nakaside view sya at nakapatong naman ang baba ko sa balikat nya.
"Tch"tanging usal nya kaya naisubsob ko na lang ang mukha ko sa likod nya.
"Anong nangyare sayo at panay ang yakap mo sakin?"tanong nya kaya naman naiangat ko ang mukha ko mula sa pagkakasubsob ng mukha ko doon.
"Sobra kasi akong natakot na mawala ka..."katulad na lang kanina.Akala ko mawawala ka na sakin.
"H-ha?A-ano bang s-sinasabi mo dyan?Atska bakit naman ako m-mawawala?"sabi nya habang inabot na ang chopping board at kitchen knife upang gayatin ang manok.
"Kasi akala ko mawawala ka na sakin kanina...h-hindi ko na kasi kaya"sabi ko sa mahinang boses na sapat para marinig nya naramdaman ko naman na natigilan sya sa sinabi ko kaya naman napasilip ako sa mukha nya na diretsong nakatitig sa ginagawa nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/119304878-288-k960761.jpg)