CHAPTER 14

757 24 4
                                    

HESTIA'S POV

BUMANGON na ako sa kama ko at nag-umpisa ng kumilos ng mabilis dahil ayokong mahuli sa Railway Park kaya alas siyete pa lamang ay gumising na ako para may palugid rin ako kahit papaano ng isang oras dahil medyo malayo layo rin ang Railway Park dito sa Mansyon.

Dumiretso na ko sa banyo upang maligo ngunit kinuha ko muna sa closet ko ang isang puting roba at isang malinis na hair towel bago pumasok sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lamang ako ng isang faded na lonta at isang peach na sleeve less na blouse na binili ni Ares noong nagpunta sya rito binili nya daw ito sa Maynila at isang peach na doll shoes at nagdala na lamang ako ng isang body bag bago ko inilagay ang mga pang ayos ko kasama na ang cellhphone ko.

Tinuyo ko ng blower ang buhok ko at naglagay ng light make up dahil hindi naman party ang pupuntahan ko kundi anak ko.

Kailangan simple,malinis at maayos ako sa harap ng anak ko dahil labis ko na syang kinasasabikan.

Nagspray ako ng strawberry flavor na perfume bago ko muling sinipat ang sarili ko at nagsuot ng wrist watch ko bago nagdesisyon na lumabas ng kwarto.

Pagkasara ko ng pinto ay nalanghap ko agad ang mabangong umagahan na nagmumula sa kusina kaya naman bumaba na ko dahil naramdaman ko na ang pagkalam ng sikmura ko.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si Thundz na mukang busy na busy sa pagluluto ng umagahan habang nakatalikod sya sa direksyon ko.

Mukang naramdaman naman nya ang presensya ko kaya naman napalingon sya dahil rinig nya siguro ang bawat yabag ko.

"Oh gayak ka na pala...Good morning"sabi nya at dahan dahan akong nilapitan habang suot pa nya ang apron at nagulat na lamang ako ng bigla nya akong halikan sa noo habang hawak ako sa magkabilang noo.

Natigilan naman ako sa ginawa nya dahil hindi ko inaasahan na gagawin nya sakin yun.

"G-good morning.."sabi ko ng makalayo na sya sakin at nagbaba ng tingin nakita ko naman ang mga ngiti nyang iyon na lagi nyang ipinapakita nya sakin.

"Oo nga pala..sakto tapos na rin itong niluluto ko pede ka ng magumagahan"sabi naman nya at hinila nya ako gamit ang kanang kamay ko at pinakita sakin ang nakaayos na pagkain dahil kanina ay mukang nagpeplating sya.

Ewan ko ba..para breakfast lang kailangan pa nakaplating.Naninibago lang ako sa kanya sakin lang sya naging ganito kaclose, I mean sa mag-iisang taon namin na pagsasama sa iisang bahay naging ganito sya sakin simula kahapon.

Hestia baka nag-aalala lang talaga sya sayo kaya ganan na lamang sya kabait sayo kaya wag mong bigyan ng kahulugan ang mga pinapakita nyang kabaitan sayo.

Kaya mahina kong na lang natampal ang kaliwang pisngi ko gamit ang kaliwang kamay ko.

"Huy!Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?Bakit sinasampal mo ang sarili mo?Hindi ka naman yata nakikinig sakin"sabi nya kaya naman napatanga na lamang ako.

"Ah..ano...w-wala.."sabi ko at nag-iwas ng tingin ng sa kanya at bigla na lamang syang napatawa ng mahina.

"Siguro napopogian ka na sakin noh?"sabi nya habang nakangisi kaya naman napatawa naman ako sa sinabi nya kaya naman nawala ang ngiti sa mukha nya at napasimangot.

"Hahahaha!A-ano bang sinasabi mo dyan hahaha!!"natatawa kong sabi nagulat na lamang ako ng kabigin nya ako palapit sa kanya.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?Pogi naman talaga ako ah?"sabi nya at isinugod nya palapit ang mukha nya sakin kaya naman napaurong naman ako ngunit hindi rin ganun kalayo dahil yakap nya ko sa bewang ko.

THE MISTAKEN BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon