CHAPTER 5

1.3K 32 2
                                    

HESTIA'S POV

NANDITO kami ngayon ni Thunder sa Ob-Gyne at kinukulit ko sya...

"Sigurado ka na ba na sasama ka sa loob?"tanong ko sa kanya at ewan ko ba parang masaya pa nga sya na kasama ko sya at hindi man lang naiilang.

"Oo naman..Ano ka ba?Atska ano namang masama?"tanong naman nya sakin kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"E-ehh kasi naman hindi mo naman ako dapat samahan sa ganito..Paano ka makakahanap ng girlfriend nyan ehh muka tayong mag-asawa sa lagay na ito"paliwanag naman ko naman sa kanya at natawa naman sya sa sinabi ko at sumandal sa waiting area na kinauupuan namin.

"Ayaw mo nun?Lagi mo na kong kasama sa lahat ng bagay..kasi wala akong girlfriend atska wala akong balak muna makipagrelasyon basta ako trabaho muna"sabi naman nya at ginala ang paningin sa mag-asawang dumadaan.

"Mmm sabagay..nga pala nasaan ang nanay mo?"tanong ko naman sa kanya at unti unting nawala ang ngiti nya.

"W-wala na sya kasama na sya ng Tatay at kapatid ko"kaya naman napatitig ako sa kanya at nakaramdam din ng tulad ng sa kanya.Wala na rin akong magulang.

"Parehas pala tayo wala na rin ang Mommy at Daddy ko noong 19 pa lang ako"sabi ko naman at napabuntong hininga.

"Diba ang hirap mabuhay lalo na kung nag-iisa ka?"tanong nya sakin at umalis na sa pagkakasandal at tinuon ang dalawa nyang palad sa mismong upuan para suport at tinignan ang paa nyang nilalaro laro nya.

"Oo sobra kung pati sarili mong Pamilya ang tatakwil sayo"sabi ko naman sa kanya at tumingin na sya sa gawi ko at inangat ang kamay nya at ginulo ang buhok ko.

"Dont worry nandito lang ako para maging pamilya mo at siguro kaya tayo pinagkita ng tadhana para punan natin ang mga pagkukulang ng nawala sa atin kahit na hindi tayo kumpleto sa lahat ng bagay pero may mga taong nakapaligid sayo---sa atin para ipaalala nila na hindi tayo nag-iisa"sabi naman nya sakin at gumaan naman ang loob ko sa sinabi nya.Sana nga hindi nya rin ako iwan tulad ng mga minahal ko.Na iniwan ako sa huli akala ko noon si Zeus na ang magiging pamilya ko pero iniwan din pala ako sa huli.

"Salamat Thunder...kahit na hindi pa kita masyadong kilala pinaparamdam mo sakin na bawat aksyon ko ay mahalaga para sayo"sabi ko naman sa kanya at napangiti naman sya sa sinabi ko at parehas kaming napalingon ng tawagin na ang numero namin at sabay kaming pumasok sa loob ng Ob-gyne.

"Magandang umaga mister at misis"sabi naman ng Doktora tatanggi pa sana ako ng hawakan ni Thunder ang kamay ko at alanganing ngumiti at umiling tanda na wag na at hayaan na lamang.

"Magandang umaga po"bati namin ni Thunder at agad na ikinumpas ng Doktora ang upuan sa tapat ng lamesa nito at umupo na kami.

"Buti at pumunta kayo dito sa agarang check up na itinawag sakin ni Ms.Athena tama ba ako?"sabi naman ni Doktora at tumango tango naman kami.

"Sumunod ka sakin"sabi naman ng doktora at iniwan na muna namin si Thunder sa opisina ni Doktora at pinahiga ako sa isang kama roon at katabi nito ang isang monitor at may ginamit na device at tinaas na nito ang palda ko at nakaramdam naman ako ng kakaiba.

Napatingin ako sa monitor at halos mapaluha ako sa sinabi ng Doktora dahil sa tuwa.

"That's your baby..Makikita mo naman.At malusog naman dahil sa heartbeat nito na healthy rin"at itinuro naman ng doktora ang isang maliit na bilog sa monitor wala sa sariling napahawak ako rito at hinaplos ang monitor.

Kung nandito kaya si Zeus?Masaya ba sya?Hindi rin.Dahil masaya na si Zeus sa pagbubuntis ni Minerva.

"Base sa pregnancy mo ay 3 weeks pregnant ka na Misis kaya naman hindi maiiwasan ang mga weird na pagkain"sabi ni Doktora na natatawa at inalis na ang device at iginaya na ako palabas at pinaupo roon katabi ko na ulit si Thunder.

THE MISTAKEN BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon