CHAPTER 11

1.1K 33 4
                                    

THUNDER'S POV

ISANG LINGGO.Isang linggo na rin ang nakalilipas na wala pa ring nagiging balita kay Baby Fire.Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makausap si Hestia.

Dalawang araw na kaming nakalabas ng Hospital at naghihintay ng tawag ng mga Pulis at Hospital kung ibinalik na ba ito kung nahanap na nila pero hanggang ngayon ay wala kaming nagiging balita.

Nag-aalala na ako kay Hestia...hindi na sya kumakain,tulala na lamang at kalaunan ay iiyak.

Nasasaktan ako para sa kanya dahil ako ang nahihirapan sa lagay nya lagi nyang sinasabi nyang okay lang sya pero iba ang sinasabi ng ginagawa nya.

Hanggang sa dumating na sa puntong nakaupo na sya sa bintana habang nakatanaw sa dagat malapit dito sa bahay.Halos atakihin ako noon sa puso dahil akala ko ay tatalon na sya roon at umiiyak na pala sya noon kaya wala sa sariling niyakap ko sya noon.

Nandito ako ngayon sa tabi nya habang sya ay nakatanaw sa papalubog na araw.

Nakatitig lang ako sa mukha nya halata na sa kanya ang pangungulila nya pero ang tanging alam ko lang ay maghintay ng maghintay kung kelan babalik ang anak namin.

Akala ko simula ng pagiging masaya na sya sa kabila ng nangyari sa kaniya ng Ama ni Baby Fire pero hindi pa din pala.Hindi nya deserve ang lahat ng ito naiintindihan ko sya dahil nagmahal lang sya..pero sa maling tao.

"H-hestia..."tawag ko sa kanya.Ngunit mukang malalim ang iniisip nya at hindi yata ako narinig kaya napabuntong hininga ako.

"Hestia.."tawag ko ulit sa kanya at hinawakan ko na sya sa braso kaya naman napatingin sya sakin at tinapunan ang tingin ang kamay ko na nakahawak sa braso nya.

"G-gusto mo na bang kumain?Tignan mo namumutla ka na"nag-aalala na sabi sa kanya ngunit umiling iling na lamang sya at wala ni isang salitang narinig sa kanya at muling tumingin sya roon sa papalubog na araw kaya napabuntong hininga ako.

"H-hestia..kailangan mong maging malakas...dahil hindi masisiyahan ang baby mo kapag ibinalik sya satin kapag ganyan ka"sabi ko at bigla na lamang pumatak ang luha nya.Kaya agad ko syang hinarap sakin.

"T-thunder...h-hirap na ko.."umiiyak na sabi nya kaya naman niyakap ko sya kaagad at isinandal ang mukha nya sa dibdib ko habang humahagulgol na sga ng iyak.

"T-thunder...ang sakit na"sabi nya habang patuloy na umiiyak.Habang hinahaplos ko ang buhok nya habang patuloy syang umiiyak.

"Sige iiyak mo lang yan,dahil kapag kinimkim mo yan mas lalo kang masasaktan...hayaan mong kusang mapagod ang mata mo,wag kang mag-alala mahahanap natin si Baby Fire,naiinitindihan mo"sabi ko sa kanya.Pilit kong pinapalakas ang loob nya kahit ako nasasaktan na rin.

Kasi kung makikita nyang mahina ako lalo syang mahihina at walang makakapitan maigi na yung hindi nya makita na nasasaktan ako dahil sa nakikita ko sa kanya pero titiisin ko yun kasi umaasa rin ako na babalik pa ang baby namin.

Kahit na hindi ko tunay na anak si Baby Fire,minahal ko sya na parang akin at patuloy kong mamahalin bilang anak ko.

"Thundz..kahit na mapagod ang mata ko pero ang puso hindi na napapagod na masaktan lalo na at anak ko pa yun...mawala ng lahat sakin,wag lang ang anak ko"sabi nya kaya naman tahimik lang akong nakikinig sa kanya kailangan nyang ilabas ito dahil baka dumating sa punto na mabaliw na sya kung paano nya aalisin ang sakit sa dibdib nya.

"Thundz...masama ba akong tao para ganituhin nila ako?Bakit naman pati anak ko?"at tumingala sakin at napatingin naman ako sa kanya na punong puno ng luha ang mga mata.

THE MISTAKEN BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon