CHAPTER 10

1K 31 3
                                    

A/n:Kyaahhh!! HAPPY 1K

THUNDER'S POV

"MISS ISANG ORDER NITO AT ISA NA RIN NITO"Sabi ko sa waitress habang tinuturo yung Menu kung saan pinipili ko na yung order,Nandito ako ngayon Canteen malapit dito sa Hospital kasalukuyan kong binibili ng pagkain si Hestia sana naman pag-akyat ko nandun na si Baby Fire.

Bago ako dumaan dito nagparecord na ako para sa birth certificate ni Baby Fire para pagnatapos na ang process ay maiuuwi ko na kasama ang baby namin.

Oh bakit?hindi ba pumayag naman si Hestia na kilalanin akong Ama ni Baby fire kaya hindi na rin siguro masama kung angkinin ko na ang bata na parang tunay na anak.

"Sige po Sir."sabi naman noong Waitress at nagiwan ito ng Stand na may number para malaman ng magseserve kung saan ibibigay yung order.

Naisipan kong kalikutin ang cellphone ko na ang hirap hirap pindutin.Second hand lang naman kasi ito binili ko ito sa Palengke sa wala na rin kasi akong pera kaya naman wala na rin sa isip ko yun basta ang importante nakakacontact naman kahit papaano.

Nang bigla naman itong tumunog kaya agad kong binuksan ang mensahe na natanggap ko.

'From:Tyang Flora

Hoy thunder kelan mo ba balak magpadala dito sa Probinsya?Aba ilang buwan ka ng hindi nagpapadala...nagkanda sakit sakit na ang Tyuhin mo.Tarantado ka talagang bata ka wala ka ng naitutulong sa amin matapos ka naming kupkupin gaganyan mo kami'

Wala sa sariling napabuntong hininga ako sa sinabi ni Tyang Flora.Ano pa nga ba?Lagi na lang nilang sinisingil ang pagkupkop nila sa akin noong namatay ang Inay.

Hindi ko na sana rereplyan ng biglang tumawag si Tyang Flora.Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko o hindi.Kasi baka kapag hindi naman ako nagpadala baka sugudin nila at manggulo pa si Tyang dito maghirap na lalo na't may sanggol pa sa mansyon.

Kaya wala sa sariling sinagot ko ang tawag.

"Hello Tyang Flora...kamusta na po kayo dyan?"sagot ko habang iniintay ang order ko.

"Hello?!Anong kamusta?!Makakain ba yan ha?!Bakit hindi ka pa nagpapadala dito?!Nagkanda sakit sakit na ang Tyuhin mo!!Ano kelan mo balak magpadala!"sigaw ni Tyang sa kabilang linya kaya naman medyo inilayo ko ang telepono ko sa tenga ko.

"T-tyang...pasensya na po...pero hindi pa po ako nasahod,wala pa po akong maipapadala sa inyo"sabi ko naman at narinig ko naman ang isang malakas na hampas.Tingin ko hinampas ni Tyang Flora ang lamesa.

"Anong pasensya!Anong wala!Hoy Thunder baka nakakalimutan mo...may trabaho ka dyan!Ano yun nagseserbisyo ka dyan pero wala kang sweldo kaya wag mo nga kaming gawing tanga!Baka nakakalimutan mo kami ang nag-aruga sayo ng mamatay ang nanay mo at iniwan kayo ng magaling mong Ama..wala kang utang na loob!"sabi naman ni Tyang.Hindi ko maiwasan na masaktan sa sinabi ni Tyang.Lagi nyang binabato sakin ang salitang utang na loob sa kanila.

"T-tyang...wala po kasi talaga akong sahod ngayong bwan"sabi ko naman.

"Tangna naman Thunder!Ano bang pumapasok dyan sa kokote mo!Ha?!Nasa Hospital ang Tyuhin mo...gumawa ka ng paraan!Kung pede nga lang manlalaki dito ng matandang mayaman ginawa ko na!Eh ptang*na puro dukha ang tao dito sa tingin mo mabubuhay kami dito ng Tyuhin mo!Ha?Thunder naiintindihan mo ba ako!"sabi naman ni Tyang Flora kaya wala sa sariling mapahawak ako sa sentido ko dahil sa kaunting pera na naitabi ko para sa kaarawan ko ay mapapabigay kay Tyang Flora.

"S-sige po Tyang magpapadala po ako---"hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ito sa kabilang linya.

"Magpapadala ka naman palang hay*p ka!Pinagmumura mo pa ako!Bilisan mo!"sabi ni Tyang magsasalita na sana ako upang humingi ng pasensya ngunit narinig ko na lang ang pagbaba ng tawag kaya naialis ko ang telepono ko na hawak ko at nilapag ko sa mesa.

THE MISTAKEN BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon