CHAPTER 6

1.3K 29 1
                                    

HESTIA'S POV

NAGISING na lamang ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko nakararamdam ako ng hilo.

'Baby..wag mo namang pahirapan si Mommy'

Hindi ko muna minulat ang mata ko dahil pakiramdam ko umiikot ang paningin ko sa sobrang hilo kaya napahawak ako sa ulo ko habang nakapikit.

Naramdaman ko na lang na parang hinahalukay ang tyan ko kaya agad akong tumakbo sa banyo at sumuka sa may sink.

At may humaplos sa likod ko hindi na ako nagaksaya ng panahon na tignan yun gusto ko ng maiyak sa sobrang hirap ng pagsusuka ko dahil tanging tubig lang iyon kaya naman halos mapahawak ako sa magkabilang side ng sink ng banyo at tinignan sa salamin si Thunder na hindi ko man lang namalayan

"Are you okay?"tanong nya sakin at tumango tango naman ako at nagmumumog na ako at naghilamos na rin habang sya ay iniwan ko sa banyo upang kumuha ng tuwalya sa Closet at nakita ko na nakaupo na sya sa kama ko.

"Tara kumain na tayo habang mainit pa yung fried rice"sabi nya sakin ngunit kibit balikat lang ang sagot ko sa kanya ewan ko bakit naiinis ako sa kanya ngayong araw na ito basta ayoko lang makita ang mukha nya.

Narinig ko naman ang yabag nya papalapit sakin habang nagpupunas ako ng mukha ngunit umiwas lang ako at nagpunta muna sa Terisita ng aking kwarto kung saan nakita ko kahapon si Zeus na nakaparada ang sasakyan nya at kita rin dito ang maliit na syudad ng Palawan at mangilan ngilang sasakyang dumadaan.

"Hey Hestia...galit ka pa rin ba sakin?Diba okay na tayo kahapon"at hinawakan nya ako sa balikat kaya naman napalingon ako sa kanya at hindi umimik at narinig ko ang malakas na buntong hininga nya at tumayo sa tabi ko na kasalukuyan rin syang nakatanaw.

"Kausapin mo naman ako...Hindi lang kasi ako sanay na ganyan ka katahimik"at humarap sya sa direksyon ko habang naka-cross arm.

"Ayaw kitang makita."sabi ko sa kanya na walang gana basta naiinis ako sa kanya kaya gusto ko syang umalis sa harap ko.Ewan ko kung bakit ayaw ko syang makita.

"H-ha?"nauutal na tanong nya kaya naman nagkibit balikat lang ako sa tinuran nya at pumasok na ulit ako sa kwarto ko at umupo sa make up area ng kwarto ko at umupo ako doon at sinuklay ang buhok ko naramdaman ko naman na nakatingin sya sakin at sinusundan ako.

"Ano ba!Umalis ka na sabi!"inis na singhal ko sa kanya ngunit para syang timang na nakatayo doon at nakatitig lang sakin.Ewan ko sa kanya!

Tumayo na ako pagkatapos kong ayusan ang sarili ko at isinampay ko muna sa upuan ang tuwalya ko at lalabas na sana ng bigla nya akong hawakan sa kamay at pinaharap sa kanya.

"Ano?!"inis na singhal ko sa kanya habang sya walang kaide-ideya kung bakit ako ganito sa kanya.Kaya naman mas lalong nadagdagan ang inis ko.

"Tapatin mo nga ako Hestia...Ano bang dahilan mo bakit ayaw mo kong makita?At galit ka sakin.Kasi hindi ko alam ang dahilan"sabi nya at hinawakan na ang dalawa kong kamay ipipiksi ko na sana ng higpitan nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Wala!"inis na sigaw ko sa kanya at pilit na kinakawala ang kamay ko sa kanya nagulat na lang ako ng kabigin nya ako palapit sa kanya at niyakap ako habang nakasandala ang mukha ko sa dibdib nya kaya naman rinig ko ang bilis ng pinitig ng puso nya.

"Diba nag-sorry na ako sayo kahapon bakit galit ka pa rin sakin?"malambing na sabi nya sakin at hinahapos ang buhok ko.

"Ewan!!"inis na sabi ko at narinig ko naman ang mahina nyang pagtawa at lumayo na sa yakap sakin at ginulo ang buhok na lagi nyang ginagawa sakin.

"Ansungit mo naman...pangit yata ang gising mo..gusto mo ba na nakasimangot si baby kapag naipanganak mo na?"sabi nya sakin na natatawa ngunit inirapan ko lang sya.

THE MISTAKEN BABYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon