Chapter 1: Unang Kembot

63 5 2
                                    

Si Sarah ay nasa fourth year high school na nang lumipat ang pamilya n'ya sa Laguna kaya't doon na s'ya magpapatuloy ng pag-aaral.

Maganda si Sarah, chinita, maputi, maayos magbihis, maabilidad, matalino at higit sa lahat, isa s'yang babaeng bakla

Lumaki si Sarah sa dalawang nanay: Si Nanay ROBERT at si Nanay JUNJUN.
Sina Nanay Robert at Nanay Junjun ang tumayong magulang ni Sarah simula nang iniwan ito ng kanyang inang si Angela na dating beauty queen na kaibigan ng kanyang nanay-nanayan.
Kabubukas pa lamang ng bagong tayong parlor ng mga mudra ni Sarah sa Laguna kung saan na sila maninirahan. Unang araw rin ni Sarah sa bagong kung saan s'ya nag-transfer kaya't nagmamadali ang tatlo. Busy moment ng mga baklang nanay at babaeng baklang junaknak. Tarantang-taranta ang mga ito habang naghahanda si Sarah ng mga gamit n'yang dadalhin pagpasok.

"Nay Bert, maglulugay ba akiz ng haireret o magkukulotchina?" tanong nito sa payat na beki na aligaga sa pag-aayos ng mga gamot pangkulot at pangkulay ng buhok.

Sumagot si Nanay Robert. "Ambisyosang tadpole! Maglugaychina ka na lang! Magkukuloychai ka pa eh anong petsa na? Batang 'to naman!!!!! Oy, Junjun, ihatid mo na itong si bagets sa iskulembang at unya-unya ay more costumer na tayiz!

"Wag ka nang umaura sa paradahan ng borsikel para makabalik ka agad ditertavùrrr!"

"Push! Pushcart! Pust pins!!!! At wit mo kong ma-Junjun Junjunat hindi magandang pakinggan, Robert!" sagot naman ng matabang beking naka-pekpek shorts na paeang pang casual wear sa isang Miss Gay Pageant, si Nanay Junjun.

Nagbeso si Sarah kay Nanay Robert sabay dampot ng kanyang mga gamit para pumasok na sa school.

Bago makarating sa school ay napadaan ang sinasakyan nilang tricycle sa isang malalim na lubak kaya napataktak ang pwet ni Nanay Junjun sa inuupuan nitong bakal. "Aray ko naman, kuya! Dahan-dahan! Mahuhulog ang matris ko oi!!!" sigaw nito.

Pagbaba nila sa harap ng school ay nakita ni Saah ang dami ng mga estudyanteng nagmamadaling pumasok sa gate. Parang mga bubuyog ang ingay ng mga nagkukwentuhang bata.

Hinarang sila  ng guard dahil wala pang ID ang transferee na si Sarah. Agad namang sumagot si Nanay Junjun. "Manong guardo versoza, bago lang kami rito. Kaka-transfer lang ng junakis ko kaya wala pang ID ang bagets." Pumayag naman ang guardia at napakamot na lang ng ulo nang pakitaan ng legs ng beki.

Pagpasok sa bago n'yang school ay biglang kinabahan si Sarah na may halong excitement.

Habang naglalakad si Sarah at ang kanyang Nanay Junjun, nagbibilin ito sa anak-anakan na parang totoong nanay sa first day of school. "Hoy, Sarah, pagkalabas mo unya-unyang hapon, sa parlor ka dumiretchi da horsie at sabay-sabay na tayong jujuwi ha.

Nakarating na sila sa terminal ng tricycle. Pumasok sa loob ng sidecar ng tricycle si Sarah at sa likod naman ng motor si Nanay Junjun. Pag-ikot ni Nanay Junjun sa likod ay may estudyante na palang nakasakay sa back ride. Nagpa-sweet si Nanay Junjun na waring pinapasuod ang nakaupong estudyante sa bandang likuran na may bakal na upuan para makaupo ito sa malambot na parte pero dedma si bagets sa pagpapa-sweet ng beki. Napansin ni Nanay Junjun na gwapo naman ito kaya sumakay na lang ang pobreng bakla...sa bakal na parte ng upuan.

Sa loob-loob ni Nanay Junjun, "Ansakit sa waput nitey!!!! Hindi nakaka-beauty queen ha!!!!.

Habang naglalakad ay nagpa-practice ito ng pagpapakilala ng sarili sa Miss Gay na madalas salihan ng kanyang mga nanay-nanayan. "Good morning to all of you! Standing in front of you is a seventeen-year-old stunner who hails all the way from the beautiful life! But today, allow me to stand by the name ng prinsesang mahal na mahal ng lahat pero hate ni Miss Minchin, ang babaeng nagpatibok sa puso ni Rayber Cruz at Matteo Guidicelli, ang one ang only popstar royalty, ang babaeng galit sa patatas... SARAH... SARAH JANE GALLARDO. At bago ko lisanin ang apat na sulok ng silid-aralang ito, hayaan n'yo akong mag-iwan ng mga katagang ito, "Wag kang magpapatayo ng second floor kung wala ka namang first floor. I..... thank....you! Bow!"

Pumapalakpak si Nanay Junjun at akmang kokoronahan ang anak-anakan gamit lang ang kamay at imaginary korona.

"Nay, eto na ata ang room ko. Oh s'ya gora na. Keri ko na itiz!!!" pagtataboy ni Sarah na nakatingin sa mga kaklaseng nagulat sa hitsura ni Nanay Junjun.

Maingay ang buong klaseng magkakakilala na. Napatingin s'ya sa teacher na nakaupo sa harap. "Good morning, Ma'am! Ako po si Saaaaaa...." hindi pa natatapos ang pagbati ni Sarah ay sumagot na ang teacher na mukhang terror. "Sarah Jane Gallardo!?!?! Oh you must be the transferee from Mandaluyong. You may take the seat at the back. Settle your things and go back here so you can introduce yourself to your classmates."

Bago pa man makaupo si Sarah ay napansin n'ya sa kabilang upuan ang boylet na nakasabay nila sa tricycle. Tahimik itongnagbabasa ng libro. Kinausap n'ya ito palibhasa'y likas na chikadora si Sarah. "Huy, patabi ha? Waley namang nakajupo ditey." Sumagot lang ng senyas ng ulo ang bagong kaklase na tanda ng pagpayag na tumabi si Sarah sa kanya.

Nagpakilala na si Sarah sa klase at natuwa ang lahat sa paraan ng pagpapakilala nito kaya nagtawanan ang lahat na parang nasa comedy bar. Instant darling of the crowd si Sarah at kahit ang terror na teacher na si Mrs. M ay napapangiti. Pero ang kanyang bagong seatmate ay mukhang walang reaction.

Bumalik si Sarah sa upuan at nagpatuloyna ang klase. "Ok class, for the benefit of your new classmate, who volunteers to give her a short recap of what has already been discussed in the class?" tanong ni Mrs. M

Nagtaas ng kamay ang seatmate ni Sarah at agad naman itong tinawag ni Mrs. M. "Yes, Dianne. You may start giving us a recap."

Si Dianne Soriano ang top 1 sa klase. Nagsimula s'yang magsalita at tumahimik ang lahat. Habang nagsasalita si Dianne ay kinausap ni Sarah ang sarili. "Ayyyyy akala ko suplado, nerd pala si koyah. Pero in fairness kay koyah, medyo havey ang fez at mukhang borta rin. Yummy ng very light. "Wag na akong choosy bilang hindi naman ako masyadong pretty."

The Love StoryWhere stories live. Discover now