Chapter 8: Happy day

6 1 0
                                    

Napasarap ang kwentuhan nina Sarah at Dianne samantalang si Nanay Junjun ay problemado pa rin sa pagkakalkal ng in-grown ni Ate Lina.

Napansin ni Sarah na bahagyang kumulimlim sa labas. Tumayo sandali ang dalaga at sinilip ang langit mula sa bubog sa salamin sa harap ng parlor.

"Hala! Makulimlim ang panahon at tila magkakaroon ng manaka-nakang pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat" sabi ni Sarah sa lahat na parang nag-uulat panahon sa telebisyon.

Hindi pa nakakabalik sa upuan si Sarah ay bumuhos na nga ang malalaking patak ng ulan.

"Hindi ba bumabaha sa subdivision na'to, Ate Lina?" tanong ni Nanay Robert sa noon ay busy sa pagbabasa ng magazine na si Ate Lina.

"Hindi naman. Mataas itong lugar natin, pero doon sa may kabilang barangay, naku, bumabaha talaga," sagot ni Ate Lina.

Nagtanong naman si Dianne, "Ate Lina, nagdala ka ba ng payong?"

"Aba eh, oo naman! Kaso sa laki kong ito, mukhang hindi tayo kasyang dalawa. Maghintay na tayo ng pagtila. Tutal, hindi pa rin naman tapos itong kuko ko," sagot ni Ate Lina.

Sinamantala ng lahat ang pagkakataon na makapagkwentuhan. Ilang minuto pa ay humupa na rin ang malakas na ulan.

"Ayan! Waley na ang julan!!!" sigaw ni Sarah.

"At tapos na rin ang kuko ni Madamme!" sagot ni Nanay Junjun na nagliligpit na ng mga nail polish na iba-ibang kulay.

"Atmakakauwi na rin kami ni Ate Lina. Naku, salamat po talaga sa oras ninyo... Uhhhhh, Tito Robert ag Tito Junjun," dagdag ni Dianne.

Nagkatinginan sina Nanay Robert at Nanay Junjun at sabay na nagsalita, "TITA na lang."

Nagtatawanan ang lahat habang inihahatid ni Sarah ang mga bisita sa pintuan ng parlor.

"Uy, Dianne, mag-ingat kayo ha? Pumili kayo ng maayos na tricycle. Maraminv kaskasero dito. Madulas pa naman ang daan. Baka mamaya madagdagan 'yang bali mo!" paalala ni Sarah.

"Sige, Sarah, maaga na lang tayong pumasok bukas para mapag-usapan natin ang gagawin natin," tagubilin naman ni Dianne sa kaibigan.

Nakatingin si Sarah kina Dianne at Ate Lina habang papalayo ang mga ito.

Hindi namamalayan ni Sarah na nakangiti s'ya at tila nagniningning ang mga mata.

Napaigtad ito nang biglang may kumurot sa tagiliran n'ya.

"Aray ko naman, Nanay Robert! Inaano ba kita???" sigaw nito.

"Aluhluhluhluhluh siya!!! Kinikilig ka! Bet mo 'yang si Dianne, 'noh? 'Wag kang tumanggi! Kilala kita! Ganyang-ganyan ang reaksyon mo pag makikita mo sina James Reid at Daniel Padilla sa TV!!!" panunukso ng kanyang Nanay Robert na sinundan naman ng malakas na tawa ni Nanay Junjun.

"Ayyy, kayong dalawa! Kahit kailan, andudumi ng mga utak ninyo! Paano ako magkaka-crush doon eh hindi n'yo ba napapansin?" sagot ni Sarah na namumula na sa hiya.

"Napansin ang aniiiiik?" sabay sagot ng dalawang beki.

"Ahhh... Uhhhh... Di bale na lang. Oo syempre, sino  pa ba ang magliligpit nitong mga kalat natin at ininuman nila? Eh di ako? Gagawin ko na bago n'yo ko utusan, hahahaha!" bawi ni Sarah.

In fairness sa lolo mo, mabango ang hininga, amoy lalaking lalaki ang katawan at ang ganda ng mukha sa malapitan... 'Yun nga lang, talagang parang naamoy ko na ang lansa n'ya. Mahinhin s'ya at parang OA anv pagka-gentelman naman! Ayyyyy hindi pwede ito... bulong ni Sarah sa sarili na parang nababaliw na habang ngumingiti-ngiti parin.

The Love StoryWhere stories live. Discover now