Chapter 15: Tamang hinala

5 1 0
                                    

Pagkatapos ng klase, dumiretso na si Sarah sa parlor para tumulong sa mga gawain doon.

"Ayyy taray! Ang aga umuwi ng bagets oh!" bati ni Nanay Robert.

Nagbeso si Sarah sa kanyang dalawang nanay-nanayan at dumiretso na sa upuan sa may counter ng parlor. Inilalapag ni Sarah ang bag n'ya nang maramdaman n'yang nagba-vibrate ang kanyang cellphone.

Kinuha ni Sarah ang cellphone n'ya sa loob ng bag n'ya.

"Hmmmmm, sino na naman kaya ito?" tanong ni Sarah sa sarili. "Aba, number lang! Wala sa phone book ko. Etona naman siguro ang mga scammer na huma-hanash na nanalo ako ng kung anik-anik sa raffle eh wala naman akong sinasalihang raffle."

Binitawan ni Sarah ang phone n'ya. Palagi na lang kasi s'yang nakaka-recieve ng mga text messeges na sinasabing nanalo raw s'ya at ayaw n'yang masayang na naman ang ilang segundo ng buhay n'ya roon.

Hinawakan ni Sarah ang tambo at nagwalis-walis ng mga nakakalat na buhok at kuko sa sahig.

"Kumusta, little girl?" tanong ni Nanay Junjun habang hinuhugasan ang buhok ng isang costumer.

"Little girl pa, nay?!?!? Antagal ko nang nireregla, mayamaya lola na ako eh, hahahaha!" sagot ni Sarah.

"Anong gusto mong palabasin? Na kahit kailan, hindi kami rereglahin ng Nanay Robert mo? Aba, bunganga mo naman!" pabirong sagot ni Nanay Junjun.

"Hoy Junjun, pagkatapos mo d'yan, bumili ka muna ng merienda nating tatlo at natotommy na akiz," utos ni Nanay Robert kay Nanay Junjun.

"Opo, Madamme! Makautos, wagas!" namaga ang nguso ni Nanay Junjun. Palagi na lang s'yang nauutusan.

Pagkatapos magwalis ni Sarah, bumalik na s'ya sa counter para umupo.

Inaatos ni Sarah ang mga babasahin at mga magazines na nasa ibabaw  ng counter nang mapansin na naman n'ya na walang tigil ang cellphone n'ya sa pag-vibrate.

"Ay, may emergency na ang scammer! Walang humpay magtext?" sa loob-loob ni Sarah.

Napansin ni Sarah na hindi pala text 'yon. May tumatawag na pala sa kanya.

"Heller?" sagot ni Sarah.

"Sarah?" boses ng isang lalaki na nasa kabilang linya.

"Hindi po ako si Sarah, si BECKY po ito," pabirong sagot ng dalaga sa kausap.

"Oh s'ya Becky, pakisabi kay Sarah, magbalat na s'ya ng patatas!" nagbiro rin ang lalaki sa kabilang linya.

"Hahahaha! sino ba 'to?" natawa si Sarah.

"Ahhhh, na-recieve mo ba 'yung flowers na ipinadala ko kaninang umaga?" tanong ng lalaki.

Agad namang nag-sink in kay Sarah na ai Justine ang nasa kabilang linya. Nagbago ang masayang mood ni Sarah.

"Hoy! Kaninong talakitok mo nakuha ang number ko?" sagot ni Sarah na nakataas ang kilay na para bang nasa harap lang n'ya ang kausap.

"Ahhh... ehhh... ipinagtanong ko. Sorry na. 'Wag ka nang magalit sa akin. Nag-sorry na rin ako kay Michael. Nakita ko s'ya kanina sa may talipapa eh," buong pagpapakumbabang pakiusap ni Justine sa kausap na dalaga.

"Tseh! Utot mo blue!!!" sigaw ni Sarah.

Tooooot tooooot tooooot tooooot! Naputol ang usapan.

Ibinaba na kasi ni Sarah ang tawag.

Muling nag-dial si Justine ng number ni Sarah pero busy na ang linya.

Mayamaya ay tinawagan ni Sarah ang kanyang best friend na si Michael. "Thank you for calling Aling Tansing's Bakeshop, ilang ensaymada  po ang oorderin ninyo?" malokong sagot ni Michael sa telepono.

"Sampung dosenang ensaymada! Samahan mo pa ng sampung dusenang putok! PAPUPUTUKIN KO ANG NGUSO mo, bakla!!! Bakit mo ibinigay kay Justine ang number ko?" inis na sagot ni Sarah sa best friend na nasa kabilang linya ng telepono.

Clueless si Michael. Wala itong ideya sa mga pinagsasabi ng dalaga.

"Ha? Anong sinasabi mo, day??? Nakita ko lang si Justine kanina sa talipapa! Nag-sorry lang 'yung tao sa inasal niya kahapon. Sabi ko naman, ok lang sa akin 'yun. Hindi naman ako kagandahan para magsikip-sikipan pa, eh lalaki nga 'yung lumalapit. Kumbaga sa manok, ayan na ang bigas, tutukain ko na lang!" sagot ni Michael.

"Eh paano nalaman ng kurimaw na 'yon ang number ko, 'teh? Tumawag at nagso-sorry pa rin sa akin. Juice colored!!! Saang yellow pages n'ya nakutkot ang number ko!?!?!?!?" tanong ni Sarah sa kausap habang nag-iisip din kung paano kaya nalaman ni Justine ang number n'ya.

"Ikaw, akala ko matalino ka, mahina ang ligic mo, girl! Ka-team s'ya ni Dianne. Malamang kinuha n'ya kay Dianne 'yun. Use your coconut shell!" pilisopong sagot ni Michael.

May FFFOINT ka d'yan, ateng. Teka lang," sagot ni Sarah sa kaibigan at agad ibinaba ang telepono para tawagan naman si Dianne.

Walang DIANNE sa phonebook ni Sarah.

"Ayyy... ilang buwan na kaming classmates, wala s'yang number sa akin? O baka nakuha ko na pero hindi ko lang nai-save? Juice colored, nag-uulyanin na ako!" inis na sabi ni Sarah sa sarili.

Nag-ring ang phone ni Sarah. Tumatawag ulit si Justine.

Walang choice si Sarah kundi ang sagutin ito. Gusto n'yang malaman kung sinong nagbigay ng number n'ya sa lalaking kinaiinisan n'ya.

"Hinding-hindi kita kakausapin hanggang hindi mo sinasabi sa akin kung sino ang nagbigay ng number ko sa'yong impaktito ka!" galit na sagot ni Sarah.

"Ok ok ok! Kay Dianne..." pero bago pa nakapagpatuloy sa pagsasalita sa Justine ay naputol na ang linya. Pinagbabaan na naman s'ya ni Sarah ng telepono.

                                 ***

Kinabukasan, sa classroom, hindi kinakausap ni Sarah si Dianne.

"Huy, himala! Anong nakain mo at tahimik ka d'yan?" tanong ni Dianne sa kaibigan.

No answer si Sarah.

"Ayyy... matapos kong ilibre sa tricycle, hindi na ako kakausapin? Grabe siya!" muling pangungulit ni Dianne.

Kinuha ni Sarah ang wallet n'ya, humugot ng bente pesos at iniabot kay Dianne.

"Ayan ang pamasahe mo! 'Yung sukli, sa'yo na!" sabay talikod ni Sarah at tumingin sa malayo.

Napaisip si Dianne.

"Oh ano naman yang ikinagagalit mo? May buwanang dalaw ka ata eh," natatawang biro ni Dianne.

"Bakit mo kasi ibinigay kay Justine ang number ko?" pagmamaktol ni Sarah.

"Ahahahahah! Naku, hindi ko ibinigay ang number mo ha? Naiwan ko kasi sa bench namin kahapon sa training 'yung phone ko. Pinakialaman n'ya siguro. Ayun, baka doon nakuha ni Justine ang number mo pero gindi ko ibinigay ha?" pagpapaliwanag ni Dianne.

Bumaba ang galit ni Sarah nang isang guhit. Bahagyang nakalma ang nagpupuyos niyang kabadtripan.

"Ikaw! Sanay na sanay kang iniiwan ang telepono mo kung saan-saan na lang!" paninisi ni Sarah sa kaibigan.

"Sorry naman. May training ng basketball eh. Alangan namang hawak ko 'yung phone ko?" paghingi ni Dianne ng paumanhin.

"Kung may training, eh bakit hindi naglalaro si Justine at nagawa n'yang halungkatin ang phonebook mo para hanapin ang number ko?" parang imbestigador na tanong ni Sarah.

"Syempre nagpa-sub s'ya sa isang ka-team namin kaya nakaupo s'ya," paliwanag ni Dianne.

Kumalma na si Sarah. Natanggap naman n'yang walang kasalanan si Dianne.

"TAMANG HINALA ka, bakla!" sabat ni Michael na bigla na lang sumulpot.

Kanina pa pala itong nakikinig sa dalawa dahil naka-relate s'ya kay Dianne sa pagbibintang ni Sarah. Napahiya tuloy si Sarah dahil sa inasal n'ya,

Ilang saglit lang ay dumating na si Mrs. M. Magsisimula na ang klase.

The Love StoryWhere stories live. Discover now