Chapter 3: Si koyah at sina koyah

25 2 0
                                    

Nagising si Dianne sa tunog at pagkakalampagan ng mga bakal at sa nakakaindak na tugtugin. Gising na ang apat na kuya n'yang busy na sa pagbubuhat ng bakal sa kanilang sariling gym sa bahay.

Oo, apat ang mga kuya ni Dianne na puro gwapo, matitipuno at makikisig ang tindig. Lahat sila ay binata pa. Lahat sila ay masasarap! Kumbaga sa ulam, mapapa-unli rice ka!!!! Si Dianne ang bunso pero sa edad n'ya ay makikita nang nasa lahi nga nila ang pagkamacho.

Ang tatay ni Dianne ay isang pulis at ang nanay naman n'ya ay isang propesora ka college. Malaki ang bahay nila at halatang may kaya sa buhay.

Hindi pa makamulat ng mga mata si Dianne at makikitang nakapantulog pa ito. Naka-boxer shorts s'ya at nakasando. Palibhasa'y nasa bahay lang ang sarili nilang gym ay walang pakialam ang magkakapatid sa hitsura nila. Kung titingnan mo sila nang may malisya ay manginginig ang buong katawan mo na parang kunukuryente. Ganun sila kaya YUMMY!!!! PAK na PAK!!!!

Nagsimula nang mag-workout si Dianne. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na s'ya sa mga kuya n'yang mauunana sa banyo para maligo upang hindi s'ya ma-late sa school.

Pagkatapos maligo ni Dianne ay naka-towel lang itong lumabas sa banyo.... Nakatapis ang towel n'ya at kitang-kitang sa hitsura n'ya na kilabot s'ya ng kababaihan at pagnanasaan ng sangkabaklaan.

Sumalit mahiyain si Dianne sa kabila ng katalinuhan at looks n'ya. Lumaki s'yang nasasapawan at naikukumpara palagi sa kanyang mga kuya na pawang mga achievers din. Kinakain s'ya ng insecurities n'ya.

Direcho si Dianne sa kwarto n'ya. Makikitang lalaking-lalaki ang tema ng kwarto n'ya. Maraming poster ng mga magagarang kotse at puro mga Superman collections.

Nagbihis na si Dianne at nagpaalam na sa kanyang nanay at tatay na noon ay nasa hapag kainan.

"Hindi ka ba kakain, munting prinsipe?" pabirong tanong ng nanay n'ya. "Hindi na, Mama! Male-late na po ako. Baka ipatawag ka na naman sa school. Nakakahiya 'yun ahhhh, propesora ka pa naman," sagot ng nagmamadaling si Dianne.

Pero bago pa s'ya makalabas sa pintuan ng bahay nila ay bumalik s'ya agad sa hapag kainan. "Papa, baon ko po. Magta-tricycle na lang ako ulit. Hindi na kita mahihintay at sayang ang gas pag sumakay pa ako sa'yo. Perahin mo nalang," paglalambing n'ya sa amang kahit matigas na naka-unipormeng pampulis ay halatang mapagmahal na ama.

Pagdating ni Dianne sa school ay nandoon na si Sarah. Nakaupo sa upuan n'ya at nagre-retouch ang dalagita.

"Good morning, Sarah!" bati ni Dianne. "Taray!!! Hindi ka pa nakapag-effort magsuklay!" sagot ni Sarah. Nagtawanan ang dalawa.

"Uy, nauna ata ako sa'yo ah," sabi ni Sarah na feeling proud at early bird s'ya sa school ngayong umaga.

"Ahhhh, nag-workout pa kasi ako eh. Baka kasi i-bully na naman ako ng mga kuya ko. Ayaw nilang lampayatot ako eh," pagpapaliwanag ni Dianne.

"Ohhhhhh... Kaya naman pala borta ang lolo mo!!!" bulong ni Sarah sa sarili. "Ilan kayong magkakapatid?" tanong ni Sarah.

"Lima kami. Puro lalaki ang mga kapatid ko. Eto sila sa phone ko," sabay pakita ng kanilang picture sa kanyang telepono.

"Winnie the pooh!!! 'Yung totoo!?!?! Pandesal ang kinakain n'yo palagi 'noh? Puro pandesal sila, ahahhaha!!!" kinkilig na sabi ni Sarah na noon ay hindi maitago ang pagkamangha.

"Grabe ka naman. Ako rin naman ah. Hahahaha, bata pa nga lang ako kaya di pa masyadong developed ang muscles ko," pagbibida ni Dianne.

"Pakilala mo nga sa mga nanay kong mga koyah mo!!! Sure ako, malolokang tunay na tunay ang mga 'yun! Ganyan-ganyan ang bet nilang aurahan eh," paghahamon ni Sarah.

"Naku, di ba sabi mo, ang mga nanay-nanayan mo eh... Beki?!?!? Naku patay tayo d'yan. Takot sila sa beki eh," nag-aalinlangang sagot ni Dianne.

"Eh ikaw? Wag mong sabihing gaya-gaya, puto maya ka sa mga koyah mo???" curious na tanong ni Sarah.

Hindi na nakasagot si Dianne dahil biglangdumating si Mrs. M at nasa pintuan pa lang ay nagsi-sign of the cross na para makapagdasal ang klase.

The Love StoryWhere stories live. Discover now