Chapter 10: The Class Activity

12 1 0
                                    

At dumating na nga ang pagkakataon nina Dianne at Sarah na mag-share ng mga pagkakakilanlan sa pamilya ng isa't-isa.

"Miss Gallardo, anong masasabi mo sa pamilya ni Mr. Dianne Soriano?" tanong ni Mrs. M kay Sarah.

"Ang Soriano family po ay masasabi kong isang pamilyang Pinoy na maihahalintulaf ko sa ulam na adobo. Kung ating iisipin, ang ulam na adobo ay pangkaraniwang pagkaing Pinoy na siksik sa lasa at mahal ng lahat ng Pilipino saan mang panig ng daigdig. Ganun din po ang pamilya nina Dianne. Pangkaraniwan sumalit kitang-kita ko po ang linamnam ng maayos na pag-aalaga at pagpapalaki ng kanilang magulang sa kanilang limang magkakapatid na puro lalaki. Bilang anak ng isang pulis at propesora, si Dianne po ay masasabi kong lumaking may maayos na disiplina at pagpapahalaga sa buhay. Ang kanilang bahay ay may sariling fitness gym na nagpapakita ng pagpapahalaga ng kanilang pamilya sa kalusugan. Kapansin-pansin din po sa balur... este bahay nina Dianne ang maraming medalya, certificates at mga trophies nilang magkakapatid. Ang mga 'yon ay patunay na may talino at talento sila. Alam po nating lahat na sa school, si Dianne ay larawan ng isang mabuting estudyante na nakapagbabalanse ng pag-aaral at extra-curricular activities..." nagpatuloy pa ang mga paglalahad ni Sarah na puro papuri sa kapareha sa activity na iyon. Sinundan ito ng masigabong palakpakan ng buong klase.

"Miss Gallardo, you are always a revelation to this class! Mahusay ang ginawa mong paglalahad ng iyong mga observation at mga impormasyong malaman mo tungkol sa iyong partner. Mahusay!" habang sinasabi ni Mrs. M ay bumabaling na ang kanyang tingin kay Dianne na noon ay bahagyang namumula dahil s mga pinagsasabi ni Sarah.

Tumayo si Dianne. Bahagyang inayos ang kanyang polo at napangiwi habang iniinda pa rin ang kanyang braso.

Bago ito humakbang ito humakbang papunta sa unahan ng klase ay nagtapon muna ito ng mabilis na tingin kay Sarah kasama ng isang matipid  na ngiti na tila pagpapasalamat sa magagandang sinabi ng dalaga tungkol sa kanya at sa kanyang pamilya.

Buntong hininga.

Bahagyanv kumabog ang dibdib ni Dianne.

"ROSAA. Si Sarah Jane Gallardo at ang kanyang pamilya ay isang mapulang rosas," pambungad ni Dianne.

Nagpatuloy ito sa sasabihin habang iniiwasang mainam na pagtama ng kanilang paningin ni Sarah.

"Ang rosas ay tanda ng pampapahalan, pag-ibig o pag-irog sa sinisinta. Ang buhay ni Sarah ay isang mapulang rosas na namumukadkad sa pagmamahalan at pag-aalaga ng hindi pangkaraniwang pamilya. May dalawang nanay si Sarah. Ang dalawang ito ay nagmamay-ari ng isang bagong parlor sa subdivision namin. Sila sina Nanay Robert at Nanay Junjun," pahayag ni Dianne na agad na sinundan ng bahagyang bulungan ng mga kaklase na nagtaka kung bakit dalawa ang nanay ni Sarah.

"Pwede ko bang sabihin lahat, Sarah?" tanong nito kay Sarah na noon ay nakangiti na sa kanya tanda na marahil ng pagsang-ayon nito na i-open sa klase ang kalagayan ng kanyang kanalakihang pamilya.

"Dalawang lalaking may pusong babae ang nagpalaki kay Sarah. Bata pa lang si Sarah nang inampon siya ng mga ito at hindi naman ito itinatago ni Sarah. Proud s'ya sa kanyang mga nanay.

Makikita natin ito sa kanyang pananalita, pag-aayos at pagkilos. Pero alam nating lahat na ang rosas na si Sarah ay matinik. Hindi sa paraang nakakasakit kundi sa pagiging competitive n'ya. Dala na marahahil ng paraan ng pagpapalaki at pagtataguyod sa kanya, naging madiskarte si Sarah, matalino at talaga namang masasabi nating balang araw ay magiging isang ganap na mayabong na rosas ang buhay nito," pagpapatuloy ni Dianne.

Slow clap ang ibinigay ni Mrs. M kay Dianne habang mabagal din itong naglalakad papunta sa unahan ng klase.

"Napakahusay!!! Very good! Very good kayong dalawa!" papuri ni Mrs. M na kaagad namang sinundan ng palakpakan ng mga kaklase.

Nakalingon ang buong klase kina Dianne at Sarah. Halatang hanga sila sa talino ng dalawa at sa galing ng mga ito sa pagsasalita sa harap ng klase.

Umapir si Sarah kay Dianne na iniwasan naman ni Dianne at sinagot ng tapik sa balikat ng dalaga dahil nakasemento pa rin ang bali nito sa braso.

"Congrats, partner ha! Ang galing mo palang magsalita ng diretsong tagalog eh, hindi 'yung pabakla-bakla," sabi ni Dianne sa kapartner na agad namang sumagot,

"Syempre, baka ma-award na naman ako ni Mrs. M, hahahaha! Congrats sa atin! Job well done!"

"Dahil d'yan, ililibre kita ng lunch maaya sa canteen! Ok ba 'yun, Sarah?" alok ni Dianne.

"Naku, may baon akong pagkain eh. Nagluluto na kasi ng ulam sina Nanay Robert bago sila pumasok sa parlor kaya pinababaunan na rin nila ako," sagot ni Sarah.

"Hmmmm... sige, sabayan mo na lang ako sa lunch. Ililibre na lang kita nh softdrinks nang makabawi naman ako sa mga pinagsasabi mo tungkol sakin," muling alok ni Dianne.

"Sige. Aarte pa ba akiz? Push mo 'yang libretas na 'yan!" sagot ni Sarah.

                                ***

Lunch.

Nakaupo si Sarah, nakalatag sa harap n'ya ang kanyang lunchbox  habang hinihintay si Dianne na noon ay pabalik na sa kanilang table mula sa pila ng bilihan ng pagkain sa canteen.

Habang inilalapag ni Dianne ang kanyang biniling pagkain at softdrinks na para sa kanila ni Sarah ay may parang mga bubuyig na nagbubulungan.

Bago pa man makalingon si Sarah ay alam n'ya na ang mga CHIKADING iyon. Ang mga chikadorang bading.

"Hayaan mo na sila, Sarah. Sanay na ako na mga 'yan, porke hindi ko sila pinapansin. Paano ba naman kasi eh halos hubaran na nila ako palagi sa tingin. Nakakatakot eh," pag-aamo ni Dianne sa kaibigan na halata n'yang mainit na ang ulo sa mva nasa kabilang table. Pero sa loob-loob ni Dianne, " PASALAMAT kayo at bali ang braso ko."

"Korek ka naman d'yan. Naku, alam na alam  ko ang ugali ng mga baklitang 'yan. Pag may lalaking pogi, tapos hindi nila maaurahan, kung anu-anong talak ng mga 'yan. Mga palaka!" sabi ni Sarah na umiikot-ikot ang mga mata sa pagkaimbyerna.

"So pogi ako?" tanong ni Dianne.

"Ha? May sinabi na akiz na pogi ka?" tanong ng nabiglang si Sarah.

"Aba'y oo naman! Kasasabi mo lang po!" sabi ni Dianne.

"Malay mo nagjo-joke lang ako." depensa ni Sarah.

"Wala nang bawian. Ah basta, pogi ako sabi mo!" pabirong panunukso ni Dianne para iiwas sa Sarah sa mga chikading.

"Hindi naman ikaw lang ang tinutokoy ko eh... ahhhh... uhhhh basta!" mautal-utal na pagpapalusot ni Sarah na binubuksan na ang kanyang lunch.

"Wow! Adobo! Penge ng konti ha? Patikim lang." sabi ni Dianne na hindi na makapaghintay at tumusok na ng kaunti sa laman ng adobong baboy na baon ni Sarah.

Pagkatapos ng lunch nila ay bumalik na sila sa kanilang classroom  para mag-review sa susunod na subject nila.





The Love StoryWhere stories live. Discover now