Chapter 5: Class Project

17 4 0
                                    

"In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit.... Amen...."

Papasok pa lang ng classroom si Mrs. M ay nagsisimula na itong magdasal. Tanda na gigil na gigil na namang magklase ang matandang byudang teacher.

"Biyernes ngayon... As usual, bilang class adviser ninyo, ako rin ang naka-assign sa ating homeroom development. Kailangang may gawin tayo..." bungad nito na tila nagpapahiwatig na may weekly exam.

Natahimik ang lahat. Kahit sina Sarah at Dianne ay hindi makakibo. Nag-aabang nang  humingi ng papel si Sarah kay Dianne nang magpatuloy ang guro sa sasabihin.

"Maganda ang araw ko ngayon. Nanalo ang clan namin sa Clash of Clans. Dahil dito, hindi ako magbibigay ng weekly exam," nakatinging sabi ni Mrs. M. At kasunod ng announcement na ito ang tila pagbubunyi ng mga mag-aaral sa buong silid.

"Instead, bibigyan ko kayo ng class project. You will be working in pairs ang i want you to find your partner," biglang humupa ang kasiyahan at halatang ayaw ng mga bata ng karagdagang gawain kapag weekend. Napakamot sa ulo ang karamihan.

Samantala, nagkatinginan ang seatmates na sina Sarah at Dianne at sabay na nagsabi na tila wala talaga silang ibang option kundi mag ang magkapareha. "Ok, Partners tayo," sabay na swbi ng dalawa sa isa't-isa.

Nagpatuloy si Mrs. M sa instructions. "Madali lang ang gagawin ninyo. Bawat isa sa inyo ay ide-describe ang pamilya ng kapartner n'yo. Iisa-isahin n'yo ang mga katangian ng pamilya nila at ang iba't-iba pang pwede ninyong malaman. This will help you discover ang understand your partners and classmates. Kung saansila nanggagaling, bakit ganito ang ugali nila at iba pa.... Nakuha n'yo ba ang point ko?"

Bumulong-bulong na naman sa sarili sai Sarah. "Karujuskuuuuuu!!! Masa-sight ko na yung mg kuya bells ng lolo mo. Balita ko mga pogi...." At sinundan n'ya ito ng isang tanong sa guro. "Ahhhhh Mrs, kailangan po bang puntahan namin ang bahay ng partner namin?"

"Hmmmmm... Depende sa diskarte ninyo,"    sagot sa guro.

Lumipas ang buong araw. Oras na ng uwian. Nagmamadali na naman si Dianne. Nakabihis na ito ng pambasketball nang harangin ito ni Sarah sa pintuan ng locker room ng mga lalaki.

"Hoooy! Uunahin mo pang maglaro eh hindi pa natin napag-uusapan kung paano natin gagawin ang project natin? Kaloka ka!" taray-tarayang talak ng nakapameywang na si Sarah.

"Ito naman, madali lang 'yun! Nagkwentuhan na tayo ng buhay natin ah! Ok na 'yun!" sagot ng nagmamadaling si Dianne.

"Ayyyy, teka lang naman koyah!!!! Ang lagay eh hula-hula na lang 'yung ibang detalye?!? Magma-Madamme Auring ako ng peg? Ganern!?!?" sagot ni Sarah na halatang eager kilalanin ang binata.

"Ganito na lang. Bukas ng 9:00 a.m. sharp, magkita na lang tayo sa clubhouse ng subdivision natin. Bukas na natin pag-usapan. Male-late na ako sa game namin eh..." sagot ni Dianne.

Mayamaya pa ay tinawag na nga si Dianne ng mga kalaro nito sa basketball kaya walang nagawa si Sarah kundi ang pakawalan ang binata.

Nang hapon ding iyon ay napasarap sa laro ng basketball si Dianne. Hindi sinasadyang naaksidente ito at nagkaroon ng injury sa kaliwang braso. Isinugod si Dianne sa ospital at nilagyanng cast ang kaliwang braso dahil bahagyang discolated na buto.

Kinabukasan, nasa clubhouse na ang excited na si Sarah. 8:30 a.m pa lang ay nandoon na s'ya at nakaupo sa playground. Ayaw ma-late ng dalaga sa itinakdang usapan nila ng bagong kaibigan.

Inabot na halos ng tanghalian sa kahihintay si Sarah pero walang Dianne na dumating.

"Impaktong 'yun!!! Nag-set ng appointment tapos waleeeeey? Drawing!!!! Isa s'yang malaking drawing!!! Ako naman si Shunga, hindi ko man lang kinuha ang number n'ya para matext ko man lang! Grrrrr!" halos umusok ang tenga ni Sarah.

Palabas na si Sarah sa gate ng clubhouse nang makasalubong n'ya ang ma ka-team ni Dianne. Namukhaan n'ya ang mga 'yon.

"Huy, kuya! Di ba ka-team kayo ni Dianne sa basketball? Alam n'yo ba kung anyareh na sa lolo n'yo? Aba nag-set ng appointment eh namuti na ang eyeballs ko walang pag-appear man lang!?!?!" galit na galit na tanong ni Sarah.

Sumagot ang isa "Ahhhh girlfriend ka ba ni Dianne?"

"Hala siya!!!!!! Virgin pa 'ko noh!!!" sagot naman ni Sarah. Nagtawanan ang mga lalaki sa isinagot niya.

"Miss, ang tanong ko eh kung girlfriend ka ni Dianne," paglilinaw ng sumagot ng lalaki.

"Yun na rin 'yun. Nabingi na ako sa gutom! Syempre pag jowa, dun na rin papunta 'yun!" pagtatanggol ni Sarah sa sarili.

Bumulong ang isa sa mga ka-team ni Dianne. "Nakakatuwa s'ya pare. Sa ganda n'yang 'yan, ibang klase ang bunganga, hahahahaha. Parang 'yung baklang may crush sa'yo sa kanto!"

"Hoy! Narinig ko 'yun! Anong akala n'yo sa akin, shungaers? Ano 'to? Teleserye? Anlalakas magbulungan ng mga chismoso't chismosa sa teleserye, di ba?" Lalong uminit ang ulo ni Sarah.

"Nakakatuwa ka nga miss eh. Hindi ka naman namin binabastos. Ngayon lang kasi kami naka-encounter ng tulad mo. Wala kasi masyadong katulad mo rito sa amin. Bago ka lang siguro rito 'noh?" depensa ng isa.

"Oo. Bago lang ako. Kaya nasaan na si Dianne? Pinaghintay ako ng froglette na 'yun nang halos apat na oras sa wala! WA-LA AAAAA-AKONG JOOOOO-WA!" pagbibigay diin ni Sarah.

Humarap si Justine, isang gwapong ka team ni Dianne. Sinubukan n'yang kalmahin ang halis nagwawala nang si Sarah. "Miss, kalma-kalma pag may time. We're friends. Hehehehe. Naaksidente kasi sa game kahapon si Dianne. Kaya nga kami nandito kasi dumalaw kami sa kanya."

Parang binuhusan ng malamig na malamig na tubig si Sarah sa sinabi ni Justine. "Ohhhhhhhh Emmmmmm! Kayo naman, hindi n'yo agad sinabi, hehehe... Naku pasensya na kayo ha, mainit na kasi ang julo ko natotommy na talaga akiz at akala ki inindian mango na 'ko ni Dianne."

"Ok lang 'yan. Justine nga pala," pagpapakilala ni Justine. Nagpakilala na rin ang iba kay Sarah. Halatanh tipo ni Justine si Sarah. Malagkit kasi ang titig nito sa dalaga. "Ahhhhh, ano pala 'yung natotommy? Sorry, hindi naman namin alam 'yung mga ganung salita eh," tanong ni Justine.

"Nagugutom na ako. Ang aga-aga muclach ko ditey tapos wala pala si Dianne kasi naaksidente. Saan ba ang bahay nila?" tanong ni Sarah na noon ay nakalma na ang kalooban.

"Ayan oh, sa dulo. 'Yung malaking bahay. Mag-doorbell ka lang. Puntahan mo na lang," turo ni Justine na nakatitig pa rin kay Sarah habang ang dalaga ay dalaga ay dali-daling naglakad papunta sa bahay nina Dianne. Naglagay pa siya ng lip gloss bago nag-doorbell.

_________________________________________________________________________________________________________________________________

Ano nga ba ang magiging rule ni Justine sa buhay nina Sarah at Dianne???

Abangan n'yo po ako ang mga susunod na Chapter, para malaman ang sagot😇

The Love StoryWhere stories live. Discover now