Chapter 4: Big chika

19 4 4
                                    

Lunch break sa buong campus.

Napakaingay ng canteen dahil sa chikahan ng mga estudyante, mga yaya at mga magulang na naroroon.

Nakaupo si Sarah sa isang sulok habang kumakain ng paborito niyang adobongniluto ng mga nanay n'ya.

Sa di kalayuan ay nakita n'yang naglalakad si Dianne pero bago pa n'ya ito matawag ay nakaupo na ito sa ibang table.

Narinig n'ya ang mga beki sa katabing table na nagbubulungan.

"Sight mo ang lolo mo? Gwash di vah??? Ang kyorap kyorap di vah??? Lalo na ang mga kuyabells n'yan puro borta at talagang makalaglag hello kitty panty!!!" sabi ng isang beki.

"Lasoooon! Lason 'yang si Dianne!!! Paminta 'yan! Hindi n'yo ba naaamoy? Mas mahihinhin pa sa atin," pagsusulsol ng isa pa.

"Ayyy, sa true ba ang chika na yanchi mga ateng?!?!? Naloloka akong malala! Bet na bet ko pa naman 'yan!" panghihinayan ng pangatlong beki.

"Oohhhhhh. Myyyyyy gooosh abelgas!!! Eh naglalaro 'yan ng basketball diba? May beki bang nagba-basketball?!?!?" pagdududa ng pang-apat na chikading.

"Oo naman! May mga boksingero ngang halamang dagat, basketbolista pa kaya?" sagot ng panglima.

Hindi kinya ni Sarah ang narinig n'ya. Kinuha n'ya ang phone n'ya at kuneari'y may kausap.

"Naku, trulili mamang! Nahearsung ko ditey sa iskulembang. Bekichina pala iteklaboongsi Dianne. Ayyy, hindi kinakaya ng matris ko dai!!!! Oo! ispluk ng mga chikading. Mga chikadorang bading!!!" pagpaparinig ni Sarah.

Sabay-sabay napalingon kay Sarah ang limang bekina naloka at mas bakla pa sa kanilang magsalita ang magandang babaeng bagong lipat sa school nila.

Malakas ang loob ni Sarah na makipaglaban ng taasan ng kilay at tila may olympics na pag-iirapan...

Pagkatapos ng lunch ay bumalik na sila sa classroom at dali-daling tumabi si Sarah kay Dianne.

"Naku Dianne!!! May narinig akong chika tungkol sa'yo kanina sa canteen!" bungad ni Sarah sa gulat na gulat na si Dianne.

"Ha?!?!? Ano naman yun!!?!?!?" tanong ng binatang nakakunot ang noo sa pagkakabigla.

Nagdalawang isip si Sarah... "Aaaahhhh ehhhh hmmmm... Magaling ka raw mag-basketball!!!!! Totoo ba?!?!" yun lang ang nasabi ni Sarah.

"Akala ko naman kung ano na. Oo, nagba-basketball ako pero hindi naman ako masyadong magaling," mukhang nabubunutan ng tinik si Dianne.

"Yun lang naman ang masagap ng radar ko, hehehehe. Ayan na si Mrs. M," pag-iwas ni Sarah sa mas hahaba pa sanang usapan.

Kinahapunan, nakita na naman ni Sarah na nagmamadali si Dianne na magbihis ng pambasketball sa locker room nila. Sinundan niya ito palabas hanggang makarating sa school gym kung saan naroon ang basketball court.

Lumuwa ang mga mata ni Sarah! Andaming pogi sa mga kalaro ni Dianne. Nakipag-fist bump pa siya sa mga ito bago pa magsimulang maglaro.

Nakita ni Sarah ang husay ni Dianne sa pagba-basketball kaya kinalma n'ya ang kanyang sarili.

"Haaaay, ang mga chismosa nga naman. Paanong magiging paminta itong si Dianne eh halimaw maglaro si koyah!!! Juice colored!!!" Sabay alis ni Sarah para umuwi na.

Pag-uwi n'ya, dumiretso s'ya sa parlor at parang may gagawing pananalisik. Gusto n'yang malaman kung pwedeng maging beki ang isang lalaking gwapo at magaling magbasketball.

"Nanay Robert, may mga paminta bang magaling magbasketball?" tanong ni Sarah habang nag-aayos ng mga gunting sa lalagyan.

Sumagot si Nanay Robert. "Aba, oo naman!!!! Mahirap amuyin ang mga 'yan! Kadalasan malalaki ang katawan, pa-yummy effect, banidoso, pero naku!!! Baklita pala!"

Sumabat si Nanay Junjun. "Kurikong na may talong! Mga mapanlinlang sila! Dati nga, may inaaurahan ako sa may boarding house noong nasa Mandaluyong pa tayo, kaya pala wit bet sa akin eh parehas kaming hotdog ang bet. Dyos ko day!!!"

Halos matulala si Sarah sa narinig sa mga nanay-nanayan. "Anyway, hindi ko naman s'ya bet 'noh?!?! Kaya dedma lang kung  paminta s'ya!" bulong ni Sarah sa sarili.

"Teka, lang,  bakit super inquire ka tungkol sa paminta? Hoy bata ka, 'wag mong atupagin ang pagchichika school ha! Mag-aral ka oy!" paalala ni Nany Junjun.

"Hindi naman po. Nanood kasi ako ng basketball kanina sa school eh.... Iniisip ko baka may mga paminta rin na players. Grabe kayong mag-judge, hindi naman kayo bubble gum!!!! Makagawa na nga lang ng homework!"

_________________________________________________________________________________________________________________________________

Pa-follow nalang po ako kung nagustuhan n'yo "mannie_gtrrz2426. At wag kakalimutang i-vote ang bawat Chapter

😇Thank you po sa inyong lahat😇

The Love StoryWhere stories live. Discover now