Chapter 20: Aray aray naku

4 0 0
                                    

Dumating ang Lunes.

Maagang pumasok si Dianne sa school. Nang dumating sina Sarah at ang best friend nitong beki na si Michael ay nakaupo na ito sa kanyang upuan.

"Good morning, Papa Dianne!" bati ni Michael. Ngumiti lang si Dianne bilang tugon.

"Ok na ba ang pakiramdam mo?" tanong naman ni Sarah.

"Medyo," matipid ni sagot ni Dianne habang si Sarah naman ay umupo na rin sa kanyang upuan. Buong umaga na hindi kinibo ni Dianne si Sarah.

"Anlamig lamig lamig ngayon. Hindi naman airconditioned ang classroom natin," parinig ni Sarah kay Dianne. Pero nanatiling tahimik ito.

"Hindi ka ba kakain ng lunch, Dianne?" tanong ni Sarah nang lunch break na.

"Wala akong gana eh," sagot ni Dianne habang hawak ang isang libro at kunwari'y nagbabasa. Nakatitig siya sa libro pero hindi naman gumagalaw ang mga mata.

"Echusero ka ng taon! Baliktad 'yung libro! Hindi ka naman nagbabasa!" pagpuna ni Sarah.

Agad namang binaliktad ni Dianne para hindi siya mapahiya sa kaibigan.

"Tara nang maglunch, Michael!" pagyayaya ni Sarah kay Michael.

"Papa Dianne, what are you waiting for? Come ang join the fun! Tara, let's have lunch together!" pabirong pagyayaya ni Michael kay Dianne.

Hindi ito sumagot kaya nagbiro ulit ang hyper na si Michael. "BAKLANG 'to! DED MAdela??? Dedma mo lang ang ganda ko?"

Biglang tumayo si Dianne at parang kidlat na hinawakan sa collar si Michael. "Wag mo akong matawag-tawag na BAKLA! Hindi ako katulad mo!"

Sa sobrang gulat ni Michael ay hindi ito nakapalag.

Nagulantang si Sarah sa nangyari at agad kinaladkad palabas ng classroom si Michael.

"Hoy bakla ka! Anong ginawa mo sa lolo mo at bet ka atang tigbashin?!" tanong ni Sarah sa kanyang best friend.

"Tinawag ko lang namang bakla. Eh joke lang naman 'yun. Lahat naman tinatawag nating bakla di ba? Baklang books? Baklang sapatos? Baklang guard? Baklang bato? Baklang bubong? Baklang poste? Baklang aparador? Wala wala naman 'yun. Hindi na s'ya nasanay," sagot ni Michael na namumutla pa rin sa takot.

"Eh alam mo na ngang masama ang pakiramdam nung isa eh. Nung Sabado pa 'yun ganun. Mainit ang ulo at masama raw ang pakiramdam," tila pagtatanggol ni Sarah sa isa pang kaibigan.

"Aba, malay ko ba? Hindi naman kami nagkita noong Sabado!" sagot ni Michael.

"At saka bakit ba s'ya galit na galit kung tawagin ko siyang bakla? Bakit? Masama na ba ngayong maging bakla? Hello anong petsa n?!?!? Andami nang bonggang bakla sa mundo! Hindi na nakakahiyang maging bakla!" dugtong ni Michael.

"Oo nga, pero hindi naman talaga kasi s'ya bakla, 'teh. Sa laki ng katawan n'yang 'yung, tatawagin mong bakla?" pagtutol ni Sarah sa kaibigan.

"Eh ako nga di ba? Anlaki ko ring bakla di ba?" Katwiran naman ni Michael.

"Iba ka naman. Iba naman s'ya," sagot ni Sarah.

"Antaray naman ni Dianne at may nakuhang attorney sa katauhan mo, 'teh!" pang-aasar ni Michael.

"Gaga! Kilala ko si Dianne. Malamya lang 'yung tao. Palagi s'yang pinagkakamalang bading, napuno na siguro. Dapat hindi mo na biniro. Umorder ka na ng lunch mo at may baon ako. Hihintayin kita sa table na nasa dulo," sabi ni Sarah sa kanyang best friend.

Pagkatapos ng klase ay agad na umuwi sina Michael at Sarah. Samantalang si Dianne naman ay dumaan muna sa locker room para magbihis. Nadatnan niya roon si Justine na may kausap sa telepono.

The Love StoryWhere stories live. Discover now