Chapter 24: The truth

9 1 0
                                    

Kinabukasan, nagising si Sarah sa amoy ng paborito n'yang adobo.

Walang nagsasayaw ng Zumba.

Walang maingay na tugtog.

Walang nagtatawanan.

Sa isang iglap, ang umagang dati at makulay at maingay ay naging tahimik.

Luminga-linga si Sarah sa loob ng bahay. Mayamaya pa ay lumabas sa kusina ang dalawang nanay-nanayan ni Sarah bitbit ang mga paboritong pagkain ni Sarah na umuusok-usok pa.

Parang walang nangyaring away kagabi.

"Good morning, baby girl! Kain ka na! Naghanda kami ng mga paborito mong lafang!" pag-aalok ni Nanay Robert.

"Plangak! Havz ng adobong chenez, tinolang kembot, pritong chururut and more eklabooooo!" masayang chika ni Nanay Junjun.

Matipid na ngiti lang ang naisagot ni Sarah. Kahit mabigat ang puso at kalooban n'ya, umupo s'ya kasi hindi pa pala s'ya nakakapag-dinner kagabi kasi nga super crayola s'ya sa kwarto.

Habang kumakain si Sarah, naglakas loob itong magtanong.

"So nasaan na po ang nanay ko?" tanong ni Sarah.

Nagtinginan lang ang dalawang nanay-nanayan n'ya at sumenyas sa kanya na hindi nila alam.

Hindi na sumagot si Sarah. Ayaw na n'yang makipagtalo muna. Kinuha n'ya ang kanyang tuwalya, naligo at pumasok na sa school. Hindi n'ya kinakausap ang dalawa.

Pagdating ni Sarah sa school, binuksan n'ya ng kanyang bag. Nandoon na ang lunchbox n'ya. Binuksan niya ito para tingnan kung anong laman para sa kanyang tanghalian. May note na nakapaskil doon.

Dear Sarah, sorry sa lahat. Sana maintindihan mo kami. Sana mapatawad mo kami. Nagmamahal ng bongga, Nanay Robert at Nanay Junjun.

Naantig naman ng bahagya ang kalooban ni Sarah sa sweetness ng dalawa.

Ilang sandali pa ay nagsidatingan na ng mga kaklase ni Sarah. Kinakausap s'ya ni Michael pero hindi ito sumasagot. Hindi alam ni Michael kung anong nangyari sa kanyang kaibigan.

Mayamaya pa ay dumating na rin si Dianne.

Hindi napansin ni Dianne na iba ang mood ni Sarah kaya nagsalita ito. "Sarah, mamaya na tayo mag-usap lunch break."

"Usap? Anong pag-uusapan natin?" sagot ni Sarah.

Tila nakalimutan ni Sarah na may usapan sila ni Dianne dahil sa dinaramdam nitong problema sa bahay.

"Di ba usapan natin sa telepono kahapon, may aaminin ako sa 'yo?" pagpapaalala ni Dianne.

"Ahhh, naku, okay na 'yun. Alam ko na 'yun, Dianne! Matagal ko nang alam. Pansin ko rin naman. Okay lang 'yun. Sige, hindi maganda ang mood ko kaya 'wag mo na muna akong kausapin, please."

Hinayaan na lang muna ni Dianne si Sarah. Ramdam din niya ang bigat na  dinadala ng kaibigang dati namang masayahin.

Napansin ni Dianne na buong araw na lutang ang isip ni Sarah. Hindi niya ito makausap kaya si Michael na lang ang tinanong niya.

"Michael, nasaan si Sarah?" tanong ni Dianne.

"Bumalik na sa classroom, mabilis na kumain eh. Pumila lang ako sa bilihan ng pagkain, pagbalik ko tapos na s'yang kumain ng baon n'ya at nakaalis na. Hindi man lang nga nagpaalam. May something ata," sagot ni Michael.

Pagkatapos ng maghapong klase, naabutan ni Dianne si Sarah na naghihintay ng tricycle. Napansin niyang mag-isa lang ito. Dati-rati naman ay kasabay nito ang best friend na si Michael. "Uy, Sarah, bakit hindi mo kasabay si Michael?" tanong nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Love StoryWhere stories live. Discover now