Chapter 13: Tricycle stories

11 1 0
                                    

Nagmamaktol pa si Sarah sa sobrang inis habang nag-aabang ng tricycle si Michael. Ilang saglit lang ay may tricycle na huminto sa tapat nila.

Nakita ni Michael na may sakay na gwapo sa loob ng tricycle kaya bago pa man makahakbang si Sarah papasok ay inunahan na n'ya ang kaibigan at agad na pumasok sa loob ng sidecar para tabihan 'yung lalaki.

"Aba, hoy! Beks, ako talaga sa likod? Aura over friendship?!" talak ni Sarah na mukhang nahalata na ang pag-aura ng best friend kaya wala s'yang choice kundi ang sumakay sa likod ng tricycle.

Mainit pa rin ang ulo ni Sarah kaya dali-dali s'yang sumalampak sa likod ng driver.

May biglang nagsalita.

"Aba, suplada siya. Hindi namamansin," sabi ng isang pamilyar na boses na agad ding na-recognice ni Sarah.

Si Dianne.

"Eh kung napansin kita agad d'yan, di binati na sana kita. Eh kaso nga, hindi!" pabalang na sagot ni Sarah kay Dianne.

"Ayyy... mainit ang ulo. Sorry. Akala ko nakita mo ako." Bahagyang napahiya si Dianne.

"Mare, wala akong baryabols!!! Ikaw na muna ang magbayad ha!" sigaw ni Sarah sa kaibigang nasa loob ng sidecar ng tricycle na kasalukuyan namang uma-aura sa katabi nitong gwapo.

"Ako na, Sarah." sabat ni Dianne.

Napatingin si Sarah kay Dianne. Mainit pa rin ang ulo nito.

"Ako at ang best friend ko, ililibre mo?" tanong ni Sarah.

"Oo. Dalawa kayo di ba? Ako na nga ang bahala," sagot ni Dianne.

"Sige, salamat. Itong si Michael, nakakita lang ng lalaki, bigla bigla na lang nabingi!" sagot ni Sarah. "Sigurado kang pati si Michael, ililibre mo?"

"Oo naman! Babae lang ba ang inililibre?" magalang na sagot ni Dianne.

Nagpatuloy sa kwentuhan ang dalawa.

"Bakit nga pala mainit ang ulo mo?" tanong ni Dianne sa noo'y  kumakalma nang si Sarah.

"Kasi 'yung ka-varsity mong si Justine, binastos si Michael!" sagot ni Sarah na parang na highblood ulit nang naalala ang nangyari kanina.

"Hahahaha! Grabe talaga 'yang si Justine! Anong ginawa n'ya?" parang nahiya si Dianne para sa kaibigang si Justine.

"Wag na lang. Long story. Iinit lang ulit ang ulo ko. Oh, saan ka pala nanggaling? At hindi ata kayo nag-training ngayon? Hindi kasi nakapam-basketball si Justine eh." tanong ni Sarah kay Dianne na napansin n'yang hindi rin naka-basketball uniform.

"Ahhh, birthday kasi nung coach namin. Inimbitahan lang kaming kumain kanina pagkatapos ng klase kaya hindi kami nag-training today. Di ba nagmamadali akong umalis kanina after ng last subject? Baka maubusan ako ng handa eh," paliwanag ni Dianne.

Hindi sumagot si Sarah.

"Ahhh Sarah, pasensya ka na kay Justine, mapagbiro talaga 'yun. Sa team namin, s'ya palagi ang nasasabihang mahangin eh," sinubukan ni Dianne na basagin ang katahimikan ng kaibigan sa kabila ng humaharurot na tambutso ng tricycle.

"Ok lang 'yun. Kalimutan mo na 'yun. Wala tayong homework di ba?" pag-iwas ni Sarah sa usapan tungkol kay Justine.

Naunang bumaba ang lalaki sa loob ng sidecar. Mayamaya pa ay bumaba na rin si Michael.

"Sa Golden Subdivision ba kayong dalawa? Malayo-layo pa, lipat na lang kayo sa loob nang makaupo kayo ng maayos," sabi nung tricycle driver.

Lumipat sina Sarah at Dianne sa loob para maging komportable naman ang upo nilang dalawa.

Nagpatuloy pa sa kwentuhan ang magkaibigan.

"Ahhh, kumusta nga pala si Ate Lina at mga kuya mo?" naalalang kumustahin ni Sarah ang mga kasama ni Dianne sa bahay nila.

"Ayun, ok naman. Na-highblood lang kagabi kasi naparami ang kain ng crispy pata. Ang mga kuya ko naman, ayun ganun pa rin, busy sa mga trabaho nila at sa pagbabatak sa gym," kwento ni Dianne.

"Ahhh, naku, sabihin mo kay Ate Lina, mag-ingat ingat s'ya. At ikumusta mo 'ko sa mga kuya mo," tumatawang sagot ni Sarah habang nai-imagine na naman n'ya ang nagu-guwapuhang mga kapatid ni Dianne.

"Sa parlor n'yo naman, kumusta? Okay ba ang pwesto aa harap ng subdivision? Siguradong malakas ang kita nina Nanay Robert at Nanay Junjun doon kasi kayo lang naman ang may parlor na malapit sa subdivision at mura pa. Magaling din daw mag-pedicure si Nanay Junjun sabi ni Ate Lina," pangungumustang sagot ni Dianne.

"Ayun, keribels lang naman. Bonnga naman, lalo na pag may service sila sa labas ng pag-aayos ng mga debut at kasal. Happy naman 'yung dalawa," sagot ni Sarah.

Mga isang minuto silang nagpapakiramdaman kung sino ang susunod na magtatanong.

Sabay silang nagpakawala ng malalim na buntong hininga at nagtanong.

"SINONG KA-DATE MO SA PROM?"

Nagtawanan ang magkaibigan.

Naulinigan ng tricycle driver ang tawanan ng dalawang pasahero at napabulong ang driver sa sarili. "Ang mga kabataan nga talaga ngayon, sa tricycle lang nagkakilala, nagkakamabutihan agad."

"Wala pa nga eh. Kelangan ba 'yun?" sagot ni Sarah kay Dianne.

"Hindi naman ata, pero mas ok kung may ka-date di ba? Ako nga nag-iisip na rin kung sinong yayayain kong maka-date eh," sabi ni Dianne kay Sarah.

"Uhhhm, ako, ok lang namang waley akong ka-date. Kung waley talaga eh si Michael na lang idi-date ko, mukha naman s'yang lalaki," sagot ni Sarah habang ini-imagine ang mangyayari kung si Michael ang ka-date n'ya.

Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Dianne.

"Manong, farah po," sabi ni Sarah.

"Manong, ako na lang po ang magbabayad para sa kanila nung kasabay n'yang sumakay kanina," sabi ni Dianne sa tricycle driver.

Napangiti ang tricycle driver at napasabing, "Aba akalain mo, pati yata 'yung bakla kanina, iiskoran ng batang 'to at ililibre rin. Akala ko 'yung chicks lang.

Nagpaalaman sina Dianne at Sarah. Kumaway pa si Sarah kay Dianne bago tuluyang makalayo ang tricycle.




~ mannie_gtrrz2426

The Love StoryWhere stories live. Discover now