Chapter 7: Building up

9 2 0
                                    

Linggo.

Makulimlim ang panahon. Maagang gumusing si Sarah. Paglabas n'ya sa kwarto ay nagulat s'ya sa dalawang nanay-nanayan n'ya. Bilis na bihis ang mga ito at maayos na nakapostura.

"Antaray... May PTA meeting on a fabulous Sunday?!?!?" bungad na bati ni Sarah.

"Junjun, pigilan mo akiz, kokrompalin ko 'to ng plantsa! Nag-effort kami kasi sabi mo mag-ayos kami tapos walang good mo- good morning man lang, may opening ceremony ka agad ng pang ookray!?!?!" pabirong sabi ni Nanay Robert.

"True! Echuserang tadpole ka. Umeffort pa naman kami, tapos ganyan ka,' dagdag ni Nanay Junjun na halatang nagdadrama lang. Kunwaring nagpapahid ng luha.

"Ayyyy! Taray! Chubby na pala si Lorna Tolentino!!!" pang-ookray ni Nanay Robert sa isang beki.

"Hoooy, nahiya naman ako sa'yo, natuyot na Sharon Cuneta!!!" sagot ni Nanay Junjun.

"Baka sa pikunan na naman mapunta 'yan. Nagkape na po ba kayo? Lafang na tayiz!" pagyayaya ni Sarah.

"Lumabas na kami at nagkape. Maligo ka na at sisimba muna tayo. Magpasalamat tayo sa bagong parlor, sa gift of beauty at bagong blessings sa buhay natin," chica ni Nanay Junjun.

"Wushu! Aaura lang 'yan!" panunukso ni Nanay Robert sa isa.

"Ikaw bakekang ha! Kung anu-anong natututunan nung bata sa'yo" paninita ni Nanay Junjun.

Pagdating ng tatlo sa simbahan ay saktong magsisimula na ang misa.

Nang sumapit na ang misa sa parte kung saan ang lahat ay magbabatian ng "Peace be with you!" nagulat ang dalawang nanay ni Sarah sa apat na nag-gugwapuhang lalaki na bumati sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ng mga beki. Nagsisikuhan ang dalawa. Nagulat sila dahil ang pinakabatang lalaki ay ngimiti pa kay Sarah na may kasamang kaway habang ang isang braso nito ay nakabenda at nakasemento.

"Ayyyy, nora aunor nila ang isa't isa. Kaloka 'tong si Sarah, nauna pa maka-aura sa atin. 'Yung isang bagets, 'yung may BALI, Indonesia ang braso," bulong ni Nanay Junjun kay Nanay Robert.

Pagkatapos ng misa ay namili ng sampaguita ang mga nanay-nanayan ni Sarah nang lumapit si Cedric sa dalaga.

"Hi Sarah. Magsisimba ka rin pala.Hindi mo naman kaagad sinabi kahapon. Mga kuya ko nga pala, Kuya John Lloyd, si Nick, si Kuya Carlo at 'yung kahapon si Kuya Paul," dire-diretsong bati ni Dianne.

"Hello po. Kami po ang mga nanay ni Sarah. I'm Junjun and this is Robert," sabat ni Nanay Junjun bago pa man makapagsalita si Sarah.

Bahagyang nagulantang ang mga kapatid ni Dianne at tila natakot sa dalawang beki.

"Hi po. Sarah po... Classmate po ni Dianne," pagpapakilala ni Sarah sa sarili.

"Sunod na lang ako sa inyo mamaya ha? Magbibihis lang ako." Hindi man lang nakausap ni Dianne ang mga nanay-nanayan ni Sarah dahil hinila na ito ng mga kapatid at biglang nglabasan narin ang mga tao sa simbahan.

"Ampopogiiiii! Juice colored!!!" tili ng dalawang bekihabang nag-aapiran. "Yunba 'yung gogorasa parlor mamaya? 'Yung totoo Sarah, gagawa ng project o manliligaw?" tanong ni Nanay Robert.

"Ang project nga po namin ay kilalanin ang mga pamilya ng kapartner. Alangan namang sa ibang parlor ko s'ya dalhin. At pwede ba, kasisimba n'yo lang! 'Wag kayong madumi ang isip!" paglilinaw ni Sarahna may kasamang irap.

"Ay award!!! Sorry naman... Oh tara na at sayang ang mga costumers!!! Nagpa-schedule ng rebond si Mrs. Dela Cruz ngayon!" pagyayaya ni Nanay Junjun.

Mag-aalas dos na ng hapon at hindi mapakali si Sarah. Maya't maya s'yang sumisilip sa salaming kita ang dumadaan sa labas para tingnan kung parating na ang kaklase.

Mayamaya pa'y nakita na n'ya si Dianne na paparating kasama ang ate Lina nito.

"Good afternoon, Sarah!" naunang bumati si Ate Lina. "Sinamahan ko na si Dianne. Sunday naman, eh nabanggit n'ya na may parlor kayo kaya naisip ko na rin magpa-pedicure at manicure," dagdag nito.

Palinga-linga si Dianne sa parlor at tila kinikilatis ang lugar.

"Naku, sige po Ate Lina, tuloy po kayo! Eto nga po pala ang mga nanay-nanayan ko. Si Nanay Robert po at si Nanay Junjun naman po 'yung kumakuha ng gamit panlinis ng kuko. Upo po kayo," pasinaya ni Sarah sa mga bisita.

"Dianne, anong merienda ang gusto n'yo? Pasensya na hindi na kami nakapaghanda ng pagkain. Pagkagaling namin kasi sa simbahan kanina eh dito na kami dumiretso," tanong ni Sarah na halatang aligaga dahil hindi naman ito sanay na may bumibisitang kaklase sa parlor nila.

"Busog pa kami. Kahit anong maiinom na lang. Naghanda si Ate Lina ng merienda kasi bago kami umalis sa bahay eh," sagot ni Dianne na nakatingin sa isang malaking picture ni Sarah sa dingding.

"Ang ganda ni Sarah ano? Ginagawa na rin namin siyang model namin pag may hair and makeup competition," pagsabat ni Nanay Junjun.

"Ang ganda mo pala pag nakaayos ka, Sarah. Mukha kang prinsesa!" sabi ni Dianne.

May kung anong kuryenteng kumislot-kislot sa dibdib ni Sarah dahil sa narinig. Nag-blush ito pero hindi niya iyon ipinahalata.

"So chaka pala ako pag walang makeup ha!!!?!?!?" tumatawang sagot ni Sarah.

"Hindi naman sa ganon. Mas maganda pa rin ang simple, pero iba ang ganda mo d'yan," dagdag na papuri ng binata.

"Echusero! Mamatey????!?!? Majunog man ang baley?!?!? Hampasin ko 'yang bali mo, para matauhan ka, hahaha," sagot ni Sarah na pigil na pigil ang kilig. Alam nitong nahahalata na siya ng mga nanay-nanayan n'ya.

"Oo naman!" tila siguradong sagot ni Dianne. "Kahit bali-baliin mo pa ang buto ko!"

"Naks! 'Yan ang gusto ko sa'yo! Honest ka hahahaha!" sagot ni Sarah.

"Halika na Ate, linisa na kita ng kuko martin," pagyayaya ni Nanay Junjun kay Ate Lina.

"Oh eh bakit pala kayo lumipat dito sa Laguna, eh taga-Mandaluyong kayo dati di ba?" nagsimula nang magtanong si Dianne.

Sumabat si Nanay Junjun na noon ay busy sa pagkukudkod ng kuko ni Ate Lina. "Ahhhh dito kasi, mura ang balur kaya dito kami nakabili ng bahay at nakapag-isip na maglipat ng parlorette! Di ba Robert?!?!"

Sumagot si Nanay Robert, "Oo! Teka, teka, eto na ang inumin nila. Nag-prepare ako ng ice cold milk tea!"

Pagkalapag ni Nanay Robert sa inumin ay agad itong tinikman ni Dianne. "Thank you po! Masarap ito ha! Tikman mo, Ate Lina!" alok ni Dianne sa kanilang kasambahay na noon ay busy na sa pakikipagchikahan kay Nanay Junjun.

"Specialty nila 'yan. Mahilig sin silang gumawa ng mga minatamis. Sweet daw kasi ang pagkatao nilang dalawa ayon sa kanila," kwento ni Sarah.

"Ilan taon na po si Sarah noong iwan siya sa inyo ng nanay n'ya?" tanong ni Dianne sa dalawang beki.

"Naku, bagetchay as in baby pa lang. Wala namang chika 'yung mudra n'yan na si Angela! Bigla na lang iniwan sa amin si Sarah. Disappearing act lang!" kwento ni Nanay Robert.

"Ayyy, grabe kayo mga mudra ha!!!! Hindi naman ako chaka ngayon ha!!!!" sagot ni Sarah at sabay-sabay silang nagtawanan.

"Pagkatapos nun, wala na silang balita sa Mama ko. Hanggang sa kanilang dalawa na ako lumaki at nagkaisip. Pero mabait naman ako. Hindi ko sila binigyan ng kahit anong sama ng loob. Napakabuti rin nila sa akin at supportive sila sa pag-aaral ko kahit scholar ako. 'Yung kinikita ng maliit nilang parlor noon, 'yun ang pambaon ko araw-araw!" halata sa pagkukwento ni Sarah na masaya siya sa dalawang beki na nag-aruga sa kanya.

Ramdam ni Dianne na pround na pround si Sarah sa dalawang nanay nito.

The Love StoryWhere stories live. Discover now