Chapter 22: The fall of Justine

1 0 0
                                    

Kinabukasan, maagang pumasok si Dianne para makuha ang phone n'ya kay Sarah. Nakaupo si Dianne sa isang bench sa school nang makita n'yang naglalakad papunta sa kanya si Sarah.

"Oh cellphone mo, dead batt na 'yan, hindi ko na chinarge kasi iba ang charger ng phone ko. Sa susunod, ingat-ingatan mo na 'yan. Buti ako palagi ang nakakapagsauli n'yan sa 'yo," sabi ni Sarah kay Dianne habang inaabot ang telepono nito.

"Nake, salamat talaga, Sarah ha!" sagot ni Dianne na agad namang naramdamang wala sa mood ang kaibigan. "Galit ka ba? Sorry sa nagawa ko kahapon ka Michael ha? Alam kong best of friends kayo. Hindi ko naman sinasadya. Alam mo namang masama ang pakiramdam ko kahapon, naghalo-halo na... basta... Nakusap ko na rin si Michael kanina, nag-sorry na ako sa kanya. Sabihin ko raw sa 'yo, hinihintay ka n'ya sa tambayan n'yo bago kayo dumiretso sa classroom."

"Hindi ako galit. May iba akong problema. Alam ko namang kasalanan din ni Michael 'yung nangyari kahapon," sagot ni Sarah na walang sabi-sabi'y nagmamadaling naglakad at tila ayaw makasabay si Dianne.

Mula sa kalayuan ay nakatanaw sa kanilang dalawa si Justine. Mayamaya'y hinabol na nito si Sarah.

"Sarah! Sarah! Galit ka ba? Ano ba kasing nagawa ko? Text ako ng text sa 'yo hindi ka naman nagre-reply," tanong ni Justine.

"Sira ang phone ko. Nagtatae!" matipid na sagot ni Sarah.

"Anong nagtatae? Akala ko ba sina Nanay Robert ang nagtatae? Pati telepono ngayon, nagtatae na rin?" tanong ni Justine.

Dire-diretso sa paglalakad si Sarah. Hindi s'ya lumilingon sa noon ay humahabol na si Justine.

Nag isip-isip si Justine kung ano kaya ang nagawa n'ya kay Sarah na siyang ikinagalit nito.

"Si DIANNE! G*gong 'yon ah!" sabi ni Justine.

Noon lang naalala ni Justine na nakita nga pala siya ni Dianne kahapon habang kasama niya si Chonna. Napag-isip-isip niyang malamang na siniraan na siya ni Dianne kay Sarah.

"Humanda sa akin ang Dianne na 'yan!" pagbabanta ni Justine sa hangin.

Mabilis na lumipas ang buong araw. Halos hindi pa rin nag-uusap ang seatmates na sina Dianne at Sarah hanggang mag-uwian.

Habang papauwi si Sarah. Kinausap siya nang beki niyang best friend na si Michael.

"Best, ano naman 'yang pinagdadaanan mo?" tanong ni Michael.

Hindi na naitago ni Sarah ang kanyang
nararamdaman sa kaibigan. Sandali silang naupo sa isang tabi para magkwentuhan.

"Kasi best, ganito 'yon. Si Justine, di ba nililigawan n'ya ako? Aba, malaman-laman ko na lang na may iba pang iniiskoran ang talakitok na 'yon bukod sa akin!!!" galit na galit na kwento ni Sarah sa kaibigan.

"Oh, akala ko ba ayaw mo naman kay Justine? So dedma ka na lang dapat," sagot ni Michael.

"Oo nga, pero s'yempre kung manliligaw s'ya sa akin, ayoko rin naman nung nanliligaw s'ya sa iba o may girlfriend na s'ya. Hindi ako gulong para gawin niya lang reserba, 'teh!" sagot ng mangiyak-ngiyak na si Sarah.

Habang patuloy pa rin sa pagkukwentuhan ang dalawa y bigla na lang nilang narinig na tila nagkakagulo sa gym. Agad namang tumakbo ang chismosang mag-best friend para makasagap ng scoop.

Saktong-sakto ang dating nina Michael at Sarah. Inaawat ng mga members ng basketball team sina Justine at Dianne na tila gustong magsabong. Pareho silang galit na galit at handang sumugod.

"Bake pare, inaano ba kita? Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo ah!" sigaw ni Dianne.

Umaapoy naman sa galit si Justine. "Bakla! Bakla ka 'tol! Kung hindi ko maiitikom 'yang bunganga mo, papuputukin ko sa sapak 'yan! Bakla ka! Akala mo hindi ko alam na bakla ka! Pag nagbibihis ako sa gym, palagi mo akong tinitingnan! Kunyari ka pa! Bading! Bakla ka! Salot kayong mga bakla! At sinisiraan mo pa ko kay Sarah!"

Nang marinig ni Sarah ang pangalan n'ya ay tumakbo ito sa gitna ng dalawang lalaki para umawat. "Tumigil na nga kayo! Ano bang pinag-aawayan n'yo ha? At paano ako nasali sa away n'yo? Anong sinisiraan? Wala namang sinasabi sa akin si Dianne!"

Walang idea si Dianne kunf anong nangyayari. Habang tuloy-tuloy naman ang putak ng ayaw magpaawat na si Justine na noon ay hawak ng mga members ng basketball team para hindi nito masugod si Dianne.

"G*go kang Dianne ka! Bakla ka! Sinisiraan mo ako kay Sarah! Nakita mo ako kahapon na kasama si Chonna tapos kaninang umaga, magkausap pa kayo ni Sarah. Sinabi mong may iba akong nililigawan kaya galit sa akin i Sarah! Inilaglag mo ako, pare! Hindi gawain ng lalaki 'yan, 'tol! Bakla!" sigaw ni Justine na umaalingawngaw sa buong gym.

Napuno si Dianne, sumugod dito ito kay Justine. "Sinong bakla, ha? Wala akong ginagawa sa 'yo, Justine! Hindi ko pa nga nakakausap nang maayos si Sarah simula noong prom!" Napansin ni Justine na nasa gitna na nila si Sarah kay hinayaan niya itong magsalita.

"Pwede ba, Justine? Kumalma ka! Kalma lang! Walang sinasabi sa akin si Dianne. Magkausap kami kanina kasi isinoli ko ang cellphone n'ya na naiwan n'ya kahapon sa parlor namin," paliwanag ni Sarah.

Bahagya namang kumalma si Justine bago nito kinompronta si Sarah. "Eh bakit ka galit sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo?"

Pumutok na rin ang fuse ni Sarah. "Wala kang ginagawang masama sa akin? Wala? Ha? Hoy, Justine, hindi ako shunga! Sa bunganga mo na nanggaling ngayon-ngayon lang na may iba kang nililigawan bukod sa akin! Ikaw mismo ang naglaglag sa sarili mo! Tapos sasabihin mo sa akin na wala kang ginagawang masama?"

Natigilan si Justine sa sinabi ni Sarah.

"Ang isda ay nahuhuli sa sariling bunganga! 'Wag mong pagbintangan si Dianne ng kung ano-ano dahil labas s'ya rito!" dugtong pa ni Sarah.

Kumawala si Sarah sa mga nakahawak sa kanya at nagdesisyong lumayo na. Ipinahiya n'ya ang kanyang sarili. Aminado siyang kasalanan niya naman ang nangyari.

"Magsama-sama kayong mga bakla!" sigaw ni Justine sa kanilang lahat habang tinitingnan isa-isa sina Michael, Sarah at Dianne. "MGA BAKLA!!!"

"At next time, 'wag kang nakikipaglandian sa fishbolan para walang makakita sa mga hidden agenda mo! 'Wag kang shunga! Ikaw pa ang matapang ngayon."

Humupa ang tensyon nang makalayo na si Justine at saglit na namayani ang katahimikan sa buong gymnasium.

"Dianne, umuwi na kayo. Saka ko na kayo kakusapin ni Justine. Ipapatawag ko na lang kayo," sabi ng coach nina Dianne.

Nag-alisan na ang ibang estudyanteng nakasaksi ng nangyaring gulo kanina. Ang naiwan na lang ay sina Sarah at Michael, pati na si Dianne na noo'y tahimik lang na nakaupo, halatang nagkikimkim ng galit.

Tinawag s'yang bakla ni Justine sa harap ng buong team. Sinabi pa ni Justine na palaging pinapanood s'ya ni Dianne pag nagbibihis. Nakakahiya 'yon para kay Dianne dahil alam n'yang hindi naman ito totoo.

Nilapitan s'ya nina Sarah at Michael. "Pasensya ka na Dianne. Nadamay ka pa sa gulo namin ni Justine. Hindi ko sinasadya," mahinang sambit ni Sarah.

"Hinalungkat mo na naman ang photo gallery ng phone ko?" diretsong tanong ni Dianne.

Hindi n sumagot si Sarah. Nagkaintindihan na sila kung ano ang nangyari. Palibhasa ay parehas naman silang matalino, mas nagkakaintindihan sila sa katahimikan.

Umuwing mag-isa si Dianne. Sinadya n'yang huwag nang sumabay kina Michael at Sarah kahit iisa naman halos ang daan nila pauwi.

The Love StoryWhere stories live. Discover now