Chapter 9: Monday blue

6 1 0
                                    

Maagang nagising si Sarah sa malakas na tugtog na nagmumula sa garden na nasa harap ng bahay nila. Papungas-pungas pa lang ng mga mata si Sarah. Habangnaglalakad papunta sa terrace ng bahay nila ay itinali ang kanyang magulong buhok

Nagliwanag ang mata ni Sarah sa nakita n'ya. Nagsu-zumba kasi ang dalawang nanay-nanayan n'ya at talaga namang feel na feel ng dalawa ang pag-indak sa saliw ng mga old school na tugtuging pang disco.

"Good morning!" bati ni Sarah sa dalawang beki.

"Ha??? Ano 'yun?" sigaw ni Nanay Robert.

"Sabi ko po, good morning!" sagot ni Sarah.

"Anong booking!?!?!? Kay aga-aga booking agad?" sagot ulit ni Nanay Robert.

Lumapit si Sarah sa dalawa at pinatay ang lumang cassette na tumutogtog.

"Ang sabi ko po, good morning!" sabi ni Sarah kasabay na tila pagpayapa ng buong paligid dahil biglang nawala ang maingay at malakas na tugtog.

Naimbyerna naman si Nanay Junjun na talagang gigil na gigil sa pagsayaw. "Hoy! Batang 'to, kitang-kita mo namang nagpapa-sexy kami rito tapos papatayin mo ang tugtog?! Aba, matindi kang bata ka! Okray ka ng taon."

"Hindi n'yo po kasi ako marinig, madamme! Sorry naman po!" sagot ni Sarah.

"Ooooh, s'ya s'ya, zsazsa padilla nanay ni Karylle. I-play mo na uli 'yan at ipagtimpla mo kami ng kape bago maligo at pumasok ka na sa iskulembang! Puss!!!!" utos ni Nanay Robert.

"Naku naman 'tong dalawang 'to, may nalalaman pang pahkakape eh male-late na nga akizzz!" bulong ni Sarah sa sarili habang kinukuha ang asukal at kape para ipagtimpla ang dalawang agad-agad namang bumalik sa pag-eehersisyo pagkatapos pindutin ni Sarah ang play button ng cassette.

Samantala, si Dianne naman, dahil may bali nga sa braso, ay hindi na nakpag-workout sa kanilang gym kaya't  naghahanda na itong maligo.

Pagdating ni Dianne sa pintuan ng kanilang banyo, narinig n'yang lumalgaslas na ang tubig sa kanya. Ibig sabihin, may nauna na sa kanyang maligo.

Malakas na kinatok ni Dianne ang pinto ng banyo. "Sinong nand'yan? Pakibilisan naman oh." Pero bago pa matapos ang pakiusap ni Dianne ay bumukas na ang pinto.

"Uy! Good morning, Kuya Carlo! Ang aga mo ngayon ah?!" bati ni Dianne sa kanyang Kuya Carlo na naka-shorts na paglabas, at nagpupunas-punas ng towel. At yes! Tama ang iniisip mo, yummy rin s'ya katulad ng iba nilang kapatid ni Dianne.

"Uy, tol, hindi ko mahanap 'yung polo shirt ko na pula, nakita mo ba? Male-late na ako sa office eh. May client meeting pa naman kami ngayon," tanong ni Kuya Carlo kay Dianne.

"Itanong mo kay kuya Nick. Baka s'ya ang nagsuot noon nung gumimik s'ya last Friday," sagot ni Dianne habang isinasara ang pinto.

Nagsimula nang mag-shower si Dianne. Habang naliligo at ingat na ingat s'ya sa bali n'yang braso, iniisip na n'ya ang mga gagawin niya sa school para sa araw na iyon.

Naalala n'yang sa araw na iyon nila gagawin ang homeroom development activity nila. Nag-isip si Dianne kung paano niya ide-describe ang pamilya ni Sarah.

Samantala, sumipol-sipol pa si Sarah habang nagpaplantsa ng buhok. Naghahanda na rin s'ya pagpasok sa school.

Halos sabay na dumating sa gate ng school ang dalawa.

"Good morning, Sarah, kumusta ang gising mo?" tanong ni Dianne.

"Eto, antokyo japan pa ako. Aang aga ko kasing nagising eh, ang ingay kanina  nung dalawa sa bahay," sagot ni Sarah.

Napangiti si Dianne at binati ang buhok ng dalaga. "Inaantok ka pa ng lagay na 'yan eh may time ka ngang magplantsa ng buhok? Nakapag-mascara ka pa at blush on. Ganyanba ang bitin ang tulog?"

Naiwan si Sarah na bahagyang natulala. Aba, ang echuserong 'to, aware sa mga pagpapaganda efforts ko?!?!?! I smell something.

Hinabol nito si Dianne na ilang hakbang  lang ang layo sa kanya. "At talagang alam mo ang mga nakalagay sa mukha ko ha? Plantsa, mascara at blush on lang ang napansin mo pero hindi ang lip gloss ko!"

Sumagot si Dianne na may kasamang konting pambobola. "Ayaw mo nun? Malay mo, nagagandahan ako sa 'yo kaya ko napansin."

"ECHUSERONG PALAKA!!!" sagot ni Sarah na may kasamang malakas na halakhak.

"Uy, Sarah, ngayon na pala 'yung homeroom activity natin," paalala ni Dianne.

"Alam ko. Ano akala mo sa akin, thunder volt na at makakalimutin na rin?" sagot ni Sarah.

Halos kasunod lng nilang pumasok ng classroom si Mrs. M.

"In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit..." pambungad na naman ng teacher na nasa pintuan pa lamang ay nagdadasal na. NAPAKA-BANAl.

Pagkatapos ng kanilang class prayerat kaunting chikahan para sa kanilang activity ay nagsimula na silang tawagin ng guro para magsalita sa harap ng klase. Naunang tawagin ang mga kaklase nina Sarah at Dianne na nasa first row. Excited na sina Sarah at Dianne para magsalita.

The Love StoryWhere stories live. Discover now