Chapter 12: Si bestfriend Michael

17 1 0
                                    

Maraming mga school days pa ang lumipas.

Palagi pa ring Top 1 si Dianne sa klase at palagi rin namang consistent si Sarah sa ranking of students. Talagang hindi maungusan ng dalaga ang kaklaseng sa tingin n'ya ay papunta sna sa pagiging henyo dahil sa sobrang katalinuhang taglay nito.

Alam ni Sarah na bahagya na n'yang nagugustuhan si Dianne pero dahil na rin sa hindi naman s'ya napapansin ng binata ay parang balewala na lang ito sa kanya. Ang feelings ni Sarah ay para lang alikabok sa kumot na kapag ipinagpag mo ay mawawala rin naman agad.

Di naglaon ay nagkaroon rin ng maraming kaibigan si Sarah bukod kay Dianne. Nakatagpo si Sarah ng bestfriend sa katauhan ng kanilang kaklaseng PAMINTA na si Michael. Oo, paminta si Michael. Isang beki na ayaw magpahalatang beki. Astig kumilos, astig manamit, pogi rin pero may kulot ang pagsasalita. Out ang pagiging bading n'ya sa school. Alam ng lahat na beki s'ya. Hindi lang makapaglalad nang bonggang-bongga si Michael dahil takot ito sa pamilya n'ya, lalo na sa tatay n'yang palagi s'yang sinasaktan pag nakikita s'yang palambit-lambot. Masaya na s'yang bakla sa labas ng bahay.

Samantala, si Dianne naman ay abala pa rin sa pag-aaral at sa paglalaro ng basketball. Nagkikita na lang sila ni Sarah klase  a parang normal lang na classmates. Paminsan-minsang nagkakasabay niya ang dalaga sa tricycle at nagkakasama sa school programs at activities. Hanggang doon lang...

Sinusubukan ni Sarah na 'wag na lang humanga kay Dianne dahil sa tingin n'ya ay hindi naman priority ng binata ang magkaroon ng girlfriend.

Naging busy  na rin naman  si Sarah sa activities ng kanilang theater organization sa school at natutunan na rin n'yang ibalanse ang extra curricular activities at ang academic performance.

Paparating na ang Junior-Senior prom. Lahat ay abala sa paghahanda at may magilan-ngilan nang naghahanap ng kanilang magiging prom date...

Isang hapon, pagkatapos ng klase, nagkayayaan ang magkaibigang sina Sarah at Michael na mag-fishball muna sa tapat ng school nila bago sila umuwi.

"Oy, teh, ang laki ng problema ko," malungkot na sabi ni Michael na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Ayyy, ano na naman 'yan? Na-discovery channel na ba ng pudra mo na isa kang halamang dagat? Na isa kang gelatin? Na isa kang dalaginding? Beauty queen wanna be? Ha??? Ano?" pang-aasar ni Sarah sa bestfriend n'yang mahaba pa ang nguso sa haba ng pila ng MRT.

"Gaa! Hindi! Namomroblema pa rin kasi ako kung sino ang date ko sa prom... Alangan namang sabihin ko sa ultimate crush kong si Luke na siya na lang ang date ko eh may girlfriend nga 'yun sa kabilang section," pag-amin ni Michael kay Sarah.

"Juice colored! Akala ko naman kung ano nang problema mo! Bet mo pa rin si Luke, 'teh? Eh halos maubos na ang allowance mo kakasend ng load sa kanya eh hindi ka naman itinitext! Pwede ba tigilan mo na 'yun? At mas gwapo ka pa sa kanya 'noh?" pang-aasar ni Sarah sa kaibigan.

"Hindi ah! Nagtetext naman s'ya after ko sendan ng load ah?" pagtatanggol ni Michael sa crush.

"At anong text ng lolo mo?" pang-uurirat ni Sarah.

"Thank you," sagot ni Michael.

"Tapos?" Pagkatapos nun, nagchichikahan ba naman kayo? tanong ulit ni Sarah.

"Uhhhhhhmmmmm... basta... ikaw sinong ka-date mo? 'wag mo 'kong yayayain kasi baka makrompal kita!" pag-iwas ni Michael sa usapan nila ni Sarah. Alam kasi nito na sesermunan na naman s'ya ng kaibigan dahil sa totoo ay load lang naman talaga ang habol ni Luke sa kanya. Si Michael naman, nagpapauto.

"Hoy, Miss Michael, 'wag mong iniiba ang usapan! Ikaw na bakla ka, pagpapauto ka sa lalaking 'yun, Tandaan mo, kung ganyan lang din ang habol n'ya sayo, aba mag-isip isip ka nga. Bakla ka lang, hindi ka tanga. Jutang na loob, neng, isuko mo na ang pag-ibig na 'yan!" Ayun! Nasermunan pa rin ang kawawang beki. Walang kawala si Michael sa bunganga ni Sarah.

The Love StoryWhere stories live. Discover now