Chapter 11: Sarah magugulatin

17 1 0
                                    

Isang hapon, nakaupo si Sarah sa isang bench sa scool nila habang nagbabasa.

"Huuuuuuuuuuy!" isang malaking boses ang gumulat kay Sarah!

"Ayyy! Anak ng baklang tipaklong! Syeeet! Ginulat mo ako Justine!" sigaw ni Sarah sa ka-team ni Dianne.

Halos sumakit ang tiyan ni Justine kakatawa sa gulat na gulat na si Sarah.

"Oh, anong ginagawa mo rito? Tapos na ang klase ah?" tanong na tumatawa pa ring si Justine.

Pokerface si Sarah. "Ginulat mo ako, nakakaloka ka! Malalaglag ang puso ko!!!" halatang nagpipigil ng inis si Sarah na ayaw na ayaw pa namang ginugulat s'ya.

"Eh di pag nalaglag ang puso mo, sasaluhin ko naman ah?" pabirong sagot ni Justine habang pinupulot ang aklat na naitapon ni Sarah sa sobrang gulat.

"Tseh! Wala akong time makipag-echusan sa yik!" tampu-tampuhan si Sarah.

"Eh ano ba kasi ang ginagawa mo rito sa school? Kami na lang na mga players ang natitira kasi may training pa kami. Hindi ka naman nagba-basketball o vollyball. 'Wag mong sabihing hinhintay mo ako?" tila pagyayabang ni Justine.

Aba, ang palakang gubat na 'to, ginagawa mo pa akong malandi? bulong ni Sarah sa sarili.

Tumayo si Sarah at humarap kay Justine habang nakapormang mananampal.

"Oooooops! 'Wag kang mananampal! Nagbibiro lang ako! Grabe ka naman," pag-aamo ni Justine.

Gumagapang na sa buong katawan ni Sarah ang inis.

Pakiramdam ni Sarah ay nag-iinit ang mga tenha n'ya. Pero pilit niyang kinokontrol ang galit at huminga na lamang s'ya ng malalim.

"Eh kasi po, hinihintay ko 'yung mga nanay-nanayan ko. Susunduin daw kasi nila ako kasi namili sila sa palengke na malapit fito sa school ng mga gamit para sa aming parlor," sagot ni Sarah na halatang kinakalma ang sarili.

"Muuuuuuuuuuuntiiiiiiiiiiiing Prinseaaaaaaaaa!" isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw mula sa gate ng school nina Sarah.

"Oh ayan na ang mga nanay-nanayan ko," sabi ni Sarah sa kausap habang mabilis na binibitbit ang bag para umalis.

Bago pa man makaalis si Sarah sa kinatatayuan nila ni Justine aymay marinig s'yang isa pang tumatawag sa kanya. "Saraaaaaah!"

Si Dianne.

"Oh Dianne, akla ko ba hindi ka magte-training? Bali pa rin 'yang braso mo ah?" bati ni Sarah sa kaibigan.

Napansin ni Dianne na magkasama sina Sarah at Justine.

"Uy Sarah, parang kilala ko 'tong ma-date mo ha!" biro ni Dianne.

"Baliw! Ginulat lang ako n'yan! Nananahimik akiz ditey eh! Ayoko pa namang ginugulat at nawawala ang poise and bearing ko!!! Oh uuwi ka na ba?" sagot ni Sarah sa kaibigan.

"Oo. Pauwi na ko. Sabay na tayo. Nanood lang ako ng training nila kaya ako nagpaiwan dito. Wala rin naman akong gagawin sa bahay kasi wala naman tayong homework.

"Dige 'tol, babalik na ko muna sa training. Hinahanap na ba ako ni coach?" tanong ni Justine kay Dianne.

"Hindi naman, Justine, pero bago ka hanapin nun, mabuti pang bumalik ka na muna. Ako na ang bahala dito sa ka-date mo." biro ni Dianne.

Hinampas ni Sarah si Dianne sa balikat ng librong hawak nito at tila nakalimutan na may bali ang binata.

"Hoy! Hindi ko nga s'ya ka-date! Bakit ba pinapainit n'yo ang ulo ko!?! Sabay pa kayong dalawang nang-iimbyerna sa akin ha!" sigaw ni Sarah.

"Joke lang naman,! Ito naman, hindi na mabiro, alam ko naman. Pero hoy, Sarah, mag-iingat ka kay Justine ha?! Naku kilala ko 'yan. Chickboy 'yan!" paalala ni Dianne na bahagyang nagulat dahil halos tumama ang hampas ni Sarah sa bali niya sa braso.

"Muuuuuunting prinsesa, are you there?! Nandito na ang mga fairy godmothers mo!!! sigaw ulit ng tinig na nanggagaling sa gate ng school.

"Opo... wait lang po! Palabas na 'ko!!! Nagmamadali naman 'tong mga 'to! Taeng-tae?!?!?!?!" pasigaw na sagot ni Sarah para marinig s'ya ng kanyang mga nanay.

"Ay, mahkasabay talaga kayo?" tanong ni Nanay Robert na tila may pagdududa kung bakit magkasama ang dalawa.

"Naku, hindi Nay ha! Nagkataon lang na nanood lang s'ya ng training ng ka-team nila kasi nga bali pa ang braso ng lolo mo.

"Ahhhh... mabuti naman kung ganun. Tara nang umuwi. Namalengke na rin kami ng pang-dinner natin," pagyayaya ni Nanay Junjun.

"Tulungan ko na po kayo!" nag-alok ng tulong si Dianne sa nagbuhuhat ng mga pinamili ng dalawang beki.

"Ay naku Dianne, mariah keri lang kami. Sa laki naming ito, keri na namin ito. Baka kung mapano pa ang bali mo," pagtanggi ni Nanay Robert.

Naunang bumaba sina Sarah sa tricycle dahil sa bungad lang ng subdivision ang bahay nila sa katabi rin ng parlor. Ang bahay naman nina Dianne ay nasa looban.

The Love StoryWhere stories live. Discover now