Chapter 16: Si Justine

4 1 0
                                    

Tapos na ang klase. Uwian na.

Hinihintay ni Sarah si Michael sa isang bench na malapit sa gate ng school nila nang biglang tumabi sa kanya si Justine.

"Hi Sarah. Uhhhm... Sorry na oh. Patawarin mo na ako. Hindi ko nama alam ganun ang magiging reaksyon mo. Promise ko sa'yo magiging mabait na ako. Ok naman si Michael eh. Hindi naman s'ya nagalit sa akin," panunuyo ni Justine kay Sarah.

Tumaas ang kilay ni Sarah at nanlamig ang mga kamay nito sa inis.

"At saka bakit ka ba galit na galit eh ako naman ang binibiro n'ya noon?" biglang pasok ni Michael sa eksen na noon ay may hawak na teddy bear na bigay ni Justine bilang suhol.

Nanatiling tahimik si Sarah at hindi kumukibo. Si Michael naman ay feeling girl. First time s'yang nabigyan ng teddy bear ng isang lalaki.

"Hoy beks, ano naman 'yang dala mo?" tanong ni Sarah kay Michael.

"Shunga teh? Teddy bear! Ano fah vah? Mukha bang palanggana 'to at maglalaba ako?" pambabara ni Michael sa kaibigan.

"Suhol 'yan sa'yo ng palakang 'to? Hoy, teh, kilala kita! Alangan namang bumili ka ng teddy bear para paglaruan mo eh takot ka nga sa tatay mo! Tigilan mo 'ko!" tila nahalata ni Sarah kung ano ang nangyari kaya matagal dumating si Michael. Sigurado si Sarah na kinausap ni Justine ang beki niyang best friend para tulungan itong humingi ng sorry.

"Sorry na, Sarah, please," pangungulit ni Justine.

Halos lumuhod sa harap ni Sarah ang binata.

"Pag hindi mo ako pinatawad, luluhod ako rito!" tila hindi binigyan ng option ni Justine si Sarah.

"Sige na! Sige na! Basta 'wag mo nang uulitin 'yun," napipilitang sagot ni Sarah sa binatang agad namang natuwa sa sagot nito. Si Michael naman na nasa gilid nila ay pumapalakpak na lang.

"Oh let's go na! Juwian na at may weekly exam pa kami bukas nina Sarah," pagyayaya ni Michael sa dalawa.

"Ihahatid ko na kayo. Susunduin ako ng driver namin eh. Along the way naman ang subdivision n'yo eh." Nag-alok ng ride si Justine kaya nataranta si Michael.

"Go! Tara! Tara! Libre rin ng pamasahe!"

"Wala ba kayong training ngayon?" tanong ni Sarah kay Justine.

"Wala eh... nag-cancel ng training si coach kanina eh," sagot ni Justine.

"Ahhh, kaya pala umuwi agad kanina si Dianne at magwo-workout pa raw s'ya," kwento ni Sarah.

"Grabe 'yang si Dianne 'noh? Fitness buff much!" sabat ni Michael sa dalawa.

"Naku! Ganun na 'yun. Nagtataka nga kami nagiging first honor pa rin s'ya kahit busy kami sa team palagi," si Justine habang pumapara s isang puting van na paparating.

"Sakay na kayo," pakiusap ni Justine sa mag-best friend.

Sumakay naman sina Sarah at Michael.

"Manong Daboy! Idaan muna natin itong mga kaibigan ko sa kanila bago tayo umuwi ha?" sabi ni Justine sa driver nila.

Habang tumatakbo ang van ay nagkwentuhan sina Justine at Michael. Matipid magsalita ngayon si Sarah, biglang nagpa-girl.
"Ahhh, Justine, malapit na ang JS prom ah. Sinong date mo?" tanong ni Michael.

"Ay naku, wala nga akong maka-date sa section namin. Wala naman akong natitipuhan doon," sagot ni Justine habang sinusulyapan si Sarah na noon ay nakatingin lang sa labas pero nakikinig sa usapan ng dalawa.

Nagpatuloy si Justine. "Kaya nga gusto ko sana magkabati na agad kami ni Sarah para mayaya ko s'ya na maging date ko sa prom," tila pagpaparinig nito sa dalaga.

Walang kibo si Sarah pero pakiramdam n'ya ay pumapalakpak ang dalawang tenga n'ya. Bahagyang namula ang pisngi nito pero kunwari'y walang naririnig.

"Ay naku Justine, wala pa ring date 'yan! Papayag naman 'yan. Ako ang bahala," sagot ni Michael.

Parang spokesperßon ni Justine si Michael. "Beat friend, kung hindi ka naman siguro nabingi at natanga, narinig mo naman siguro 'yung sabi nung boylet. Bet ka raw n'ya yayain na date sa prom?"

"Pag-iisipan ko pa," matipid at pabulong na sagot ni Sarah kay Michael.

Bumaling naman si Michael sa kanan niya na si Justine na tila naglalaro ng pass the message.

"Juatine, OO RAW!" imbentong sagot ni Michael na agad naman nasundan ng isang malakas na sabunot galing kay Sarah.

"AYYYY, PEKPEK MONG SQUARE!!!" sigaw ni Michael na nagulat sa sabunot ng best friend.

Nagkatawanan ang tatlo dahil sa nangyari. Gumaan na rin ang loob ni Sarah.

"Sige na nga. Ikaw kasi Michael, puronka kalandian sa katawan!" paninisi ni Sarah kay Michael.

"Kung iisipin, hindi naman malayong magustuhan ng isang dalaga si Justine, mukha nga lang itong arogante pero mabait pala pag kasama mo na. Makinis ang mukha, maganda ang mata, matangkad, magaling magbasketball... what more can you ask more?" speech ni Michael na bini-build up si Justine sa kanyang best friend.

"Shunga! What more can you ask for?!" pagtatama ni Sarah sa kaibigan.

Hindi na nagsalita si Justine. Tawa lang ito ng tawa sa dalawang kasabay.

Mayamayapa ay pumara na si Michael. "Ayyy, manong, manong! Dito na po ako." tinapik ni Michael ang driver nina Justine nang makita n'yang bahagya na siyang nakalagpas sa dapat n'yang babaan.

"Bruno, ingat ka ha. Salamat!" pamamaalam ni Justine kay Michael na may kasamang kindat.

"Bye, Papa Justine!" sagot nito habang nagbeheso at nagpapaalam kay Sarah.

Naiwan sa loob ng van sina Sarah at Justine.

"Ehem... ehem... galit ka pa rin ba?" tanong ni Justine.

"Hindi na nga," sagot ni Sarah.

"Ayan, okay na tayo. Basta ikaw na ang date ko sa prom ha? Para naman makabawi ako sa'yo at kahit papaano ay magkakilala tayo nang maayos. Next week na 'yon.

"Oo nga! Sa isang kondisyon, dalawa kami ni Michael na ka-date mo!" sagot ni Sarah.

Napalunok ng laway si Justine.

"Ahhh, ehhh, sige. Sige ba! Walang problema," sagot nito.

"Joke lang. Magiging busy 'yun. Kasali s'ya sa program commitee. D'yan na lang ako sa may gate ng subsivision. Malapit na 'yung parlor namin sa gate," sabi ni Sarah habang itinuturo ang gate ng subdivision nila.

"Ihahatid na kita hanggang s parlor n'yo," alok ni Justine. Hindi na nakatanggi si Sarah.

Nagtatawanan sina Nanay Robert at Nanay Junjun na noo'y walang costumer at nakatambay lang sa harap ng parlor habang kumakain ng bananaque. Natigilan ang dalawa nang may biglang may tumigil na puting van sa tapat ng parlor. Pagbukas ng pinto ng van ay lumabas si Sarah.

Nanlaki ang mga mata ng mga nanay-nanayan ni Sarah sa kanilang nakita. Kasunod kasing bumaba ni Sarah si Justine mula sa van.

"Wag mong sabihing may nanliligaw na sa anak natin?!" siniko ni Nanay Ribert si Nanay Junjun.

"May nanliligaw na sa junaknak natin!" tila pagko-confirm ni Nanay Junjun.

"Mga mudraaaaa!" besi-beso si Sarah sa mga nanay-nanayan niya. "Si Justine po pala, kaibigan ko, ka-team po s'ya ni Dianne. Nasa ibang section nga lang. Fourth year din po s'ya," pagpapakilala ni Sarah sa kaibigan.

"Justine, sina Nanay Robert at Nanay Junjun," pagpapakilala ni Saeah sa mg nanay n'ya.

"Ayyyyy! S'ya yuuuuun!" sabay na sabi ng dalawang nanay-nanayan ni Sarah.

"S'ya ang ano?" tanong ni Sarah.

"Sa lakas ng bunganga mo kahapon habang nagtatatawag ka sa telepono, sa tingin mo, hindi namin narinig 'yun?" sagot ni Nanay Robert.

"Ayy, ganun ba? Hahaha" tumatawang sagot ni Sarah.

Saglit na nakipagkwentuhan  si Justine sa mga nanay-nanayan ni Sarah bago ito tuluyang nagpaalam.

The Love StoryWhere stories live. Discover now