Chapter 18: Facebook conversation

3 1 0
                                    

"Akala ko kasi, kaya kong itago ang lahat. Akala ko kasi ay kakyanin kong hindi ilabas ang dapat ilabas. Pero wala akong magawa, mahal na mahal ko s'ya at sasabihin ko na sa kanya na bakla ako at nagugustuhan ko s'ya."

Boses 'yun ng isang caller sa programang panggabi sa radyo na hindi sinasadyang marinig ni Dianne nang naisipan niyang magpatugtog habang muling nagpapaantok.

Nakahiga si Dianne sa kama. Bagama't pagod na ang kanyang katawan ay tumatakbo pa rin ang isip n'ya.

Kinuha n'ya ang kanyang cellphone para mag-update ng status sa Facebook.

"Just got home from a very tiring JS Prom pero sulit ang makitang successful ang prom at masaya ang lahat. --Feeling tired."

POST update! STATUS updated!

Sandaling ibinaba ni Dianne ang phone n'ya nang tumunog ito.

Facebook alert.

"Sarah Jane Gallardo commented on your status."

Click!

SARAH JANE GALLARDO: "Uy! Dianne, nasaan ka kanina at hindi kita masyadong nakita sa prom? Si Michael lang ang pakalat-kalat? Sa entrance lang kita nakita, nagbo-blow ng balloons."

DIANNE SORIANO: "Nasa backstage ko at sounds. Nagkaaberya pa sa lightning kaya inasikaso ko rin."

SARAH JANE GALLARDO: "Ahhh kaya pala. Congrats, ha! Successful! Alam ko na isa ka sa mga organizers, nabanggit ni MICHAEL JOSON.

MICHAEL JOSON: "Ayyyyy! Dianne! Congrats! Ang galing natin!"

Ayan na si Micahel, nakisabat na naman sa usapan.

SARAH JANE GALLARDO: "Ayyy ayan na nga ang epal. Dapat hindi ko na minention. LOL"

MICHAEL JOSON: "Grabe ka best friend! Okray pa rin hanggang sa FB?!?!"

DIANNE SORIANO: "Salamat! :)"

SARAH JANE GALLARDO: "Hahahaha tipid ng reply ng lolo mo! Pagod talaga.

NATAPOS ang commentan ng tatlo. Pero mayamaya ay tumunog uli ang cellphone ni Dianne. Indikasyon na merong nagpadala sa kanya ng private messege sa FB.

SARAH JANE GALLARDO: Good night, Dianne."

DIANNE SORIANO: ":)"

SARAH JANE GALLARDO: "Smiley lang talaga? Grabe to!"

DIANNE SORIANO: "Good night din."

SARAH JANE GALLARDO: "Ayyy sige na nga. Mukhang pagod ka na..."

Matapos ang private convo nilang dalawa ay si Sarah naman ang nag-update ng kanyang status sa Facebook.

SARAH JANE GALLARDO: "Matutulog na. Ansaya ng prom! Vongga! Hihih! ---Feeling HAPPY."

POST update! STATUS updated!

Ilang saglit pa ay ang cellphone naman si Sarah ang tumunog.

DIANNE SORIANO LIKED your status.

Napabulong si Sarah sa kanyang sarili, "Hindi man lang nagcomment ah."

Tumunog ulit ang phone ni Sarah.

MICHAEL JOSON commented on your status.

Click!

MICHAEL JOSON: "Quotang quota ka kay Justine kanina, ' teh!"

Hindi na nagreply si Sarah. Ayaw n'yang mabasa ni Justine ang reaksyon n'ya. Ilang saglit pa ay tumunog na naman ang cellphone ni Sarah.

DIANNE SORIANO LIKED MICHAEL JOSON's comment on your status!

Napabulong ulit si Sarah. "BEST IN LIKES itong si Dianne!"

Isinaksak na ni Sarah ang phone n'ya sa charger at ipinatong sa tabi ng lamp shade para makatulog na s'ya.

Habang nagpapaantok, naalala n'ya ang mga moments nila ni Justine sa prom. Hindi n'ya napapansin na kinikilig na pala s'ya. Natulog nang nakangiti si Sarah.

Si Dianne naman, hinawakan niya ulit ang phone n'ya at nag-type ng panibagong status.

"Pag may gusto ka sa isang tao at hindi mo masabi, at makita mong may kasama s'yang iba, ibang klaseng sakit ang mararamdaman mo. Parang dinudunog ang puso ko habang nakikita ko silang nagtatawanan at masaya. --FEELING HURT..."

Nagbago ang isip ni Dianne. Erase! Erase! Erase! Delete! Delete! Delete!

Napabuntong hininga na lamang ang binata bago ipinikit ang kanyang mga mata. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod kaya nakatulog ito kaagad at nanaginip.

Naglalakad daw s'ya sa isang hardin ng puno ng bulaklak at doon ay nakakita s'ya ng isang babae at isang lalaki na naghahabulan. Pinapanood n'ya lamang ang dalawa at sa hindi n'ya maipaliwanag na dahilan ay bigla niya ring hinahol ang mga ito ngunit kahit anong bilis ng pagtakbo ang kanyang gawin ay hindi n'ya sila magawang abutan. Hanggang sa napagod s'ya at napaiyak na lang. Iyak s'ya ng iyak dahil hindi n'ya maabutan ang dalawa. Hanggang sa may isang kamay na nagpahid ng kanyang luha...

Biglang nagising si Dianne mula sa kanyang panaginip. Umalingasngas kasi ang radyo tanda na tapos na ang mga programa sa araw na iyon.

Pinatay niya ang radyo at muling sumampa sa kanyang kama para bumalik sa pagtulog.

The Love StoryWhere stories live. Discover now