Chapter 17: The Prom

4 1 0
                                    

JS Prom.

Busy ang lahat.

Si Michael, palibhasa ay walang date kaya napilitan  na lamang na sumali sa production staff para mag-asikaso ng program kasama nina Dianne.

Samantala sa parlor, busy rin ang lahat.

"Junjun, para wala nang pumasok na costumer, baligtarin mo na 'yung paskil na karatula d'yan sa may pinto. Iharap mo sa labas 'yung sign na "CLOSED."

Agad namang sumunod si Nanay Junjun, pero pagkatapos nitong baligtarin ang karatula ay nagtanong ito "Ito rin bang PUSH at PULL na nakalagay sa pinto, babaligtarin ko rin?"

"Oo, pati 'yung sarili mo baligtarin mo rin, 'yung utak mo ilagay mo sa pwet mo tutal hindi rin naman nagagamit!" pabirong sagot ni Nanay Robert habang inaayusan si Sarah.

"Anak, dalaga ka na nga, magpa-prom ka na. Tingnan mo ang sarili mo, parang kelan lang ay naka-panty ka lang na palakad-lakad sa luma nating parlor. Naaalala mo ba noong nasa 3 years old ka, sumasayaw-sayaw ka nang nakabuho sa harap ng dating parlor natin sa Mandaluyong?" pagbabalik-tanaw ni Nanay Robert habang inaayos ang eye shadow ni Sarah.

"Ayusin mo 'yan, Robert, ha! Dapat ang anak natin ang pinakamaganda. Dapat s'ya ang maging prom queen!" pagbibilin ni Nanay Junjun na punong-puno ng excitement.

"Aba ay oo naman, day! Kaya ayusin mo na ang isusuot ni Sarah," utos ni Nanay Robert kay Nanay Junjun.

"Hoy, Sarah, 'wag na 'wag mong kakalimutang imention sa mga kaklase at mga friendship mo na kami ang gumawa ng prom dress mo ha? Dagdag kita rin kung may magpagawa sa ibang events na mga kakilala mo," paalala ni Nanay Junjun kay Sarah.

Ilang sandali pa ay nagsimula na nilang bihisan si Sarah. Excited na nag-aabang ang dalawang nanay-nanayan ni Sarah sa labas ng pinto.

"Bongga! Bonggavilla!!! Mukha kang prinsesa! PRINCESS SARAH! Pak na pak ang title, di ba BECKY?" tanong ni Nanay Robert kay Nanay Junjun.

"Korek ka d'yan, MISS MINCHIN!" sagot ni Nanay Junjun.

Umikot si Sarah. Nagposing-posing at nag-selfie pa.

"Habang nire-review ni Sarah ang mga selfie n'ya ay humirit pa ito. "Nay, kulang ata sa blush on!" tanong ni Sarah sa mga nanay niya.

"Sarah, si Princess Sarah ka, HINDI KA SI LOTTIE! Kaya hindi mo kailangan ng putok na putok na blush on. Less is more!" sagot ni Nanay Robert.

Si Nanay Junjun naman, nakatingin lang kina Sarah at Nanay Robert mula sa malayo. Tila pinagmamasdan ang dalawa... Habang tumutulo ang luha ni Nanay Junjun ay may bahagya itong litany.

"Parang kelan lang... Parang kelan lang, naka-panty ka lang na palakad-lakad sa luma nating parlor sa Mandaluyong..."

"Kasasabi ko lang n'yan, Junjun! Nag-isip ka sana ng ibang drama para hindi nasayang 'yung luha mo day!" sagot ni Nanay Robert.

Basag ang moment ni Nanay Junjun.

Nagyakapan ang tatlo.

Ilang sandali pa ay may tumigil na sasakyan sa harap ng parlor.

Naunang lumabas sina Nanay Robert at Nanat Junjun nakita nila si Justine na nakatayo sa harap ng isang van at makisig na makisig tingnan sa kanyang pormal na kasuotan. Parang artista sa kagwapuhan si Justine noong gabing iyon.

"Magandang gabi po Aling Robert at Aling Junjun," bati ni Justine sa dalawa.

Sabay ang dalawa, "TITA na lang."

"Okay po, mga Tita. Si Sarah po?" tanong ni Justine.

"Ayyy wait lang, palabas na 'yun, nagsapatos lang," sagot ni Nanay Robert.

The Love StoryWhere stories live. Discover now