Chapter 21: Before Dinner

0 0 0
                                    

Samantala, tapos nang maghanda si Sarah ng mga lulutuin para sa kanilang dinner. Excited si Sarah na simulan ang pagluluto kasama ang mga nanay niya. Mas excited s'ya dahil dadalaw di Justine para sumabay na maghapunan sa kanila.

Pakiramdam ni Sarah, wala namang masamang magpaligaw at makilala nang lubusan ang isang lalaking posibleng maging parte ng buhay niya bilang kanyang future boyfriend.

"Okay na lahat ng kemerut! Pwede na namin ito lutuin," bulong ni Sarah habang pumapalakpak sa sobrang excitement.

Pumunta si Sarah sa parlor para sunduin ang kanyang mga nanay-nanayan at nang masimulan na nilang tatlo ang pagluluto. Habang naglalakad ay kinuha niya ang kanyang cellphone at itinext si Justine.

"Hi Justine! What time ka pupunta rito? Magluluto na kami ng dinner unya-unya lang. Susunduin ko lang ang mga mudra ko sa parlor."

Pero hanggang sa makarating si Sarah sa parlor ay hindi nagreply ang binata. Busy kasi si Justine kay Chonna. Si Chonna ang appetizer at ang dinner na inihanda nina Sarah ang main course. 'Yan ang eksenang hindi alam ng kawawang si Sarah.

"Hello there, mga mudra! Ready na ang lahat! Magluto na tayo!" bati nito sa mga nanay-nanayan n'yang naabutan n'yang busy sa pagchichikahan sa counter dahil wala nang customer na dumating pagkatapos magpagupit ni Dianne.

"Oh ayan na ang bagets! Okay, tulungan mo kaming magclosing remarks ng parlorette nang makapagluto na tayiz!" bati ni Nanay Robert kay Sarah.

Napansin ni Sarah ang magulong parlor. Nagkalat ang mga magazine, marami pang buhok sa sahig at magulo ang mga upuan.

Nagbiro ito at nagkunwaring boss at ang mga nanay-nanayan ang kanyang mga empleyado. "Ay! Ano ba 'yan? Kayong dalawa, inuuna n'yong pagchichismisan bago kayo naglinis! Hindi ko kayo pinasusweldo para magtiktakan lang maghapon!"

Matapos magbiro ay sinimulan na rin ni Sarah ang pag-aayos ng mga magazine. Sa cover ng isang magazine ay nakita nito ang mga artistang lalaki na sikat.

"Naku, maging boyfriend ko lang itong mga ito, talagang maiinggit 'yung dalawa d'yan." Tila pabirong pinariringgan ni Sarah ang dalawang nanay-nanayan niya na busy pa rin sa pagchichikahan at tila seryoso ang pinag-uusapan.

Patuloy si Sarah sa pag-aayos at pagpaparinig sa dalawang beki. Natigil lang ang chikahan ng dalawang nanay-nanayan niya nang sumilip si Sarah sa salamin ng parlor kung saan kita ang mga dumaraan.

Sumigaw si Sarah at kunwari'y may nakita. "Hala! Andaming lalaki sa labas! Ayyy, juice colored! Ampopogi at ang gaganda ng katawan! Winner!"

Para namang nakarinig ng sunog ang dalawang beki. Nag-uunahan ang mga ito na tumakbo sa kinaroroonan ni Sarah para makisilip sa lamalin.

"Nasaan? Nasaan ang mga boylets?!?!?!?" sabay nasigaw ng dalawana halos magkandarapa sa pagtakbo.

"Waley naman!" dismayadong sabi ni Nanay Robert.

Kinurot naman ni Nanay Junjun ang tagiliran ni Sarah. "Echuserang penguin!!!" pabirong sermon nito kay Sarah.

"Eh kasi kayo, sobrang chikahan n'yo. Ano 'to? Ako lang ang maglilinis dito habang nagtitiktakan lang kayiz? The family that closes the parlor together, goes home together," tila pagleleksyon ni Sarah sa mga nanay-nanayan n'ya.

"May pinag-uusapan lang kaming mahalaga! Pasensya na, Madamme Sarah ha? Hindi na po mauulit," sagot ni Nanay Robert.

"Naku, excited ka lang kamo na magluto at taeng-tae kang makasabay sa dinner si boylet Justine mo!" pang-aasar ni Nanay Junjun sa dalaga. Napangiti naman si Sarah at bahagyang namula ang pisngi.

The Love StoryWhere stories live. Discover now