Committee

174 5 2
                                    

Now Playing:

School Kakumei- Hey! Say! JUMP 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Committee

Madge’s POV

Homeroom na namin. Pilian na ng committee. Actually, maaga akong nagpalista kay Chaki... baka maubusan pa ako ng slot sa committe na yun... pati si Emily. Si Luce naman.. sa socio siya sumali. Gusto niya daw kasi tumulong sa paggawa ng bulletin board. Dito sa school na to... dapat maganda bulletin board mo para makakuha ng magandang pwesto. Sabi ni Ma’am Caris, pumili na daw kami.... tinabihan kagad namin ni Emily si Chaki na busy sa pagbabasa ng libro. Bookworm siya eh... mabilis nga siyang magbasa. Magugulat ka nalang... tapos na siya sa isang book. May mga nagpalista na rin sa kanya.. isang member nalang ang kulang... biglang lumapit samin si Charles... nakakausap ko siya minsan. Ang alam ko... mabait din siya. Lahat naman ata ng nasa Section A, mabait. Promise. Wi-nelcome nila ako.

“Ano ba ginagawa jan?”

“Madali lang. Sali ka na, dali.”

“Sige na nga.”

Ayun. Nakakumpleto na kami. Yay! Solve na.

Charle’s POV

Wala akong masalihan. Di ko alam kung saan ako sasali, ayoko naman dun mapunta sa discipline na hawak ni Roel, di ako sanay na magala-megaphone sa pananaway. Napansin ko na nandun si Madge na katabi ni Chaki. Academic kaya siya pumunta? Sa di ko malamang dahilan... dun ako dinala ng paa ko at sumali ako. Buti nalang may isa pang slot na natitira. Pero ano naman kaya ang ginagawa dun? Shet. Baka mahirap. Nakita ko kaya ginagawa ni Chaki... nagtatawag ng teacher... na diba dapat alam nila yung schedule? Patay. Ano ba itong pinasok ko?

Chaki’s POV

Phew. Kumpleto na rin. Hay! Academic councilor nanaman ako? Ang hirap kaya nun. Nakakapayat. 2nd floor pa naman kami... buti nalang katapat lang ng hagdan namin yung faculty... pero.. ngek... may dalawa kaming teacher na mataas ang pwesto. May sarili silang office.. at sa kabila pa yun... malapit sa entrance ng high school building. Pambihira naman. Yan ang problema jan eh. Hay! Mapapa-exercise ako nito ng wala sa oras.

Madge’s POV

Science time na namin. Dumating na yung teacher namin, si Sir Baez. Kilala na niya ako as transferee... bago kami magsimula ng klase.. kinausap muna niya ako.

“How’s your stay in this school so far?”

“Sr., okay naman po.”

“You have friends already?”

“Yes po.”

“That’s good.”

At nagsimula na siya mag-lesson. Teka... lesson ba talaga yun? Di naman related sa Science and pagbabasa ng who-knows-what na libro habang nag-didiscuss ang professor mo sa college ah. What da?! Ganito ba talaga to. Nakakaantok!! Pero di naman pwedeng matulog.. mapapansin ako nun... ako si Ms. Transferee eh. Hay! Sana matapos na ito!

To be continued~

Emily’s Corner

Lately, may nakikita akong binabasa ni Chaki. Percy Jackson? Parang ang ganda... about mythology.. modern nga lang daw. Gusto kong basahin!! Hihiramin ko nga pagkatapos niya. Basta... tandaan niyo... nood kayo ng horror ah?! Yay! Paalam na. (gagayahin ko muna si Chaki, kay?)

Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon