Last Days of Being a Junior

91 6 6
                                    

Now playing:

Oretachi no Seishun- Takaki Yuya

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Last Days of Being a Junior

Charles’ POV

Walangdiyo... tapos na ang 3rd year... wala man lang akong nagawa... mahirap na siya kontakin sa bakasyon... hindi siya nagpapaload... sumaryosep. Nawalan na ba talaga ako ng pag-asa sa kanya? Last day na namin ito.... hays.

Nandun lang sila sa may corridor... nanonood ng dvd... Gokusen daw yung title... kung makatawa naman sila. Nakakatawa ba talaga? Hindi ko pa kasi napapanood yun...

Si Madge lang ang tinitingnan ko... paano na kaya? Bakasyon na... nakakaasar...

Madge’s POV

Kanina pa kami nanonood dito... kaninang umaga, season 1 palang ang pinapanood namin at si Shin Sawada palang ang bida... ngayon naman... si Ogata Yamato na. Mabilis lang kami manood.... ang technique jan... i-skip yung mga boring na parte. Di ba? Matino kaming mga bata.

Siguro mga hapon na rin nun... pinapasok kaming lahat ni ma’am sa classroom. Lahat kami ay umupo sa sahig dahil naka-stack na lahat ng mga upuan at malinis na yung classroom. Last day na kasi....

Nag-speech si ma’am sa harapan namin. Ang tahimik ng buong classroom. May anghel ata na nagsasalita sa harapan... at umiiyak siya. Lahat ng mga nangyari... dinedetalye niya... unti-unti...lahat kami ay naiyak na rin. Ang ganda kasi ng samahan ng section namin. Nalulungkot ako dahil next year iba na yung adviser at mga kaklase ko.

Nagyakapan na kami at nagkaroon ng last picture taking ng klase... last na nga ba? Huwag naman... nakakaiyak.... sobra ko silang mamimiss... parang napakabilis ng araw.... parang kailan lang eh napagkamalan pa akong first year... tapos ngayon naman... hays.

“Section A, magkakaroon tayo ng reunion ah.... bawal mawala.” Sabi nung mayor namin.

Game. Pupunta ako dun.... kahit hindi ako marunong lumangoy.

To be continued~

Emily’s Corner

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung ano ang pinapanood namin ngayon.... Gokusen?? I have no idea... pero natatawa ako... kasi di ko alam... kung anu-ano mga nangyayari. Wala bang English dub?

Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon