Bidding

89 5 1
                                    

Bidding

Madge’s POV

Hays. Kanina pa kami nakatayo dito sa may gitna ng bulwagan ng aming building. (Naks... bulwagan) Nagsasagawa kasi ang student government ng bidding para sa mga first year at transferee. Nag-ganito nga ako last year at sina Luce ang bumili sa akin. Ginawa nila akong anghel. Bagay ba? Parang hindi eh...

Ang gara ng rule dito sa school. Kailangan talaga ng pera... nakakainis... dapat yung pera na hawak ko ngayon, ipambibili ko nalang ng libro pero dahil may ganito pala... required ang lahat ng fourth year na mag-bid ng first year. Huhuhu. Sayang pera, eh sa school lang naman lahat mapupunta. Mayaman na nga sila.. nagpapayaman pa lalo. Hay.

“Madge, makihati nalang tayo ah...”

“Kanino naman?”

“Kila Sedi....”

“Sino naman bibilhin natin?”

“Okay na daw...”

“Sige. Sige. Mas makakamura tayo...”

“Oo. Nasabi ko na sa kanila...”

Umuwi na kami pagkatapos nun. Hay. Si Emily naman kasi... dapat sinabi niya ng mas maaga para naman hindi kami tumayo don para sa wala. Emily....

Charles’ POV

May nabili na kaya sila? Kanina pa sila nakatayo doon ah...

“Pre, okay na... pwede na tayong umuwi.”

Tumango nalang ako dito sa kasama ko at sumunod na rin pagkatapos ng ilang sulyap. Hanggang sa malayo nalang ba talaga ako pwedeng tumingin? Nakainis naman.

To be continued~

Chaki’s Corner

May isa akong pinagtataka, bakit ang school namin... mayaman na nga... nagpapayaman pa... hindi ba pwedeng magpahirap muna sila kahit... isang oras lang?

Yung pagkain sa canteen, ginto...

Lahat... may bayad.

Wah.

Ubos ang pera ko... ang ending... pulubi. Huhuhuhuhuhu

Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon