Now playing:
Futarigake no Basho- Hey! Say! JUMP
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Promenade
Charles’ POV
Kakabit ng Valentines ang prom. Tama... February na at naging walang kwenta na... hay. Hindi ko talagang magawang lumapit sa kanya... na-nahihiya ako.
“Pre, ano ba?? Ayain mo na kasi.”
“Oo nga. Hindi naman masama ang mag-try.”
Naman tong mga taong to. Eh sa hindi ko nga kaya. Hay. Oo. Ako na ang duwag... nakadagdag pa yung mga kaklase kong iba na wagas manukso... nadagdagan ang hiya ko. Bukas na ang prom... wala akong partner. Wew.
Madge’s POV
Bakit kaya yung ibang mga babae... excited na excited sa prom... puro gown at partner ang pinag-uusapan... eh.. ako... ayoko ngang umattend... di ako sanay na mag-gown at wala naman akong gagawin dun. Di nga ako sanay mag-heels kasi sigurado ako na madadapa ako.
Nung prom night na... pumasok kami ng mga kaibigan ko ng sabay-sabay... at kasama namin sina Luce at Chaki... usapan kasi na kaming magka-kaibigan sa section ang magkakasama... may kakaiba akong ginawa.... tsinelas ang sinuot ko... seryoso ako. May masama ba? Natatago naman ng gown ko kaya hindi kapansin-pansin. Matino akong bata. Hehehehehe.
Kung anu-ano lang ang ginawa namin... LOL. Kumain, nagsaya... yun tapos nagtawag yung mayor namin na picture daw ang buong section kaya nagpunta kaming lahat sa isang classroom ng fourth year dahil nandun yung ginawang studio. Natutuwa ako kasi hirap na hirap mag-ayos yung photographer sa amin. Buong section kaya kami... pero nakuhanan din kami ng matino... hahaha. Nagkakaapakan na kami ng gown. Nakakatuwa lang... pero pagkatapos din ng picture taking... nagtext na yung mommy ko na kailangan ko na daw umuwi kaya nagpaalam na ako sa kanila.
“Seryoso? Uuwi ka na?”
“Oo.”
“Ang aga!!”
“Nanjan na kasi sila.
Charles’ POV
Hindi pwedeng matapos ang gabing ito nang hindi ko man lang siya naisasayaw. Pumunta ako sa table nila... pero bakit parang wala siya?
“Hinahanap mo ba si Madge?”
Tumango nalang ako.
“Umuwi na siya....”
To be continued~
Emily’s Corner
Prom. Prom. Prom. Sa mga taong katulad ko, mas nakakaenjoy ang pagkain kaysa sa pagsasayaw... hahahahahaa
BINABASA MO ANG
Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)
Roman pour Adolescents75% na nakabase sa tunay na buhay. Story of high school love issues.