Second First Day
Madge’s POV
Ang panget ng pakiramdam ko ngayon... kasi parang eto lang yung feeling nung first day namin last year... wala kang kilala... pakiramdam mo outcast ka. Buti nalang kasama ko si Emily.
Naglakad na kami ni Emily... hinintay ko kasi siya sa may gate... para naman may karamay ako. Pumunta kami ng gym at pumunta dun sa may section namin ang Section B ng fourth year. Si Chaki at Luce ay Section A. Sabi nga ni Chaki, sinusundan siya ng CR ng babae.
Umupo kami sa may bleachers, katabi namin ang Section A at okay... ang lamig lamig. Woo. Wala akong kilala maliban dun sa mga naging kaklase ko last year... at binabati nila kami... pero ang gara!!
Charles’ POV
Section D ako... hindi ko na kaklase si Madge dahil Section B siya. Hiwa-hiwalay na nga talaga kami... Hindi pa rin siya napapalitan... siya pa rin ang gusto ko. Hindi na nga ata magbabago iyon... at ngayong magkahiwalay na kami ng section... na-miss ko ba siya? Bleh. Ang corny ko. Baka mabatukan pa ako sa mga iniisip ko.
Nakapila ulit kami ni Roel... may misa nanaman... ang pinagkaiba ay... ako na ang president ng mga sacristan. Masaya hindi ba? Banal na ba ako?
Mula sa kinatatayuan ko... nakikita ko siya... sigurado ako na hindi naman niya ako pansin dahil malabo ang mata niya. Swerte ako. Nakakatitig ako sa kanya ng hindi niya nalalaman. Wei. Swerte ba talaga yun? O hanggang masid nalang ba talaga ako. Hay. Ano ba yan?! Nagda-drama nanaman ako.
“Baka malusaw....”
Tiningnan ko nalang ng masama si Roel. Kainis naman eh... panira nang momento itong taong ito.
Section F nga pala siya... ang seksyon na nagsasabong. Iba utak nito eh... kailangan ko na bang magpahanda ng maraming-maraming gamot para sa kanya? O maghahanda nalang ako ng sasakyan para madala ko siya kaagad sa mental ng mabilisan. Pakiramdam ko kasi nanganganib ang katinuan niya. Kawawang Roel....
To be continued~
Chaki’s Corner
Hello. May corner ulit ako. Hindi naman iyon mawawala... kaya mag-tiis nalang. Wahahahahahaha.
Section A nga pala kami ni Luce... sinusundan ako ng CR. Sabihin niyo nga, mukha ba akong CR?? Ha? Ha?
Natatandaan ko pa ang minessage niya sa akin sa FB.
Good News!
Magkaklase tayo! Yay!
Bad News : (
Ang daming maarte sa section natin.
Kaya ang nangyari sa akin ay... di ako excited. BooHoo.
BINABASA MO ANG
Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)
Teen Fiction75% na nakabase sa tunay na buhay. Story of high school love issues.