Practices

80 6 0
                                    

Practices

 Charles’ POV

Napakabilis ng panahon... parang kailan lang... tapos practice na ng graduation. Ano ba naman yan? Wala man lang akong nagawang matinong hakbang...

Kung tutuusin nga...ang dami ko nang sinayang na oras... madalas kasing magkasama ang mga Olympians. Pakana ni Melvin... tapos yung mga babae ang nagdadala ng mga pagkain. Baka nga gusto lang non na makikain ng libre. Kilala ko ang taong iyon.

Tss.

Nako. Ako rin naman eh... eto na nga oh... katabi ko na siya sa table... set-up nanaman nila... pero... ako naman ay kumakain lang. Pwedeng-pwede ko naman siyang kausapin dahil hindi naman kami guguluhin nung mga kasama namin. Gusto nga nila na mag-usap kami eh. Magdidiwang yung mga iyon kapag nag-usap kami kahit ilang Segundo lang kaso wala talaga eh.

Sabi nga nila... napakawalang-kwenta ko naman. Wala naman akong kalaban... baka matalo na ako ng isang aso... Tss talaga.

Kasi naman yung aso na iyon... ang pangalan ay Hikaru... yung favourite daw ni Madge. Hindi ko naman kilala iyon. Sino ba kasi iyon? Anime ba iyon? Kung anime iyon... tss.

Pero natatalo ata ako... pambihira naman. Bakit naman kasi napaka-torpe ko?

Ilang araw na lang... graduation na... napakalayo sa isa’t isa ng papasukan naming college. Sa malayong probinsiya pa siya tapos kasama niya yung aso. Tss. Daig pa ako nung aso... hindi.. baka naman hindi aso naiisip niya don... baka ang naiisip niya ay yung tao na iyon. Papatayin ko iyon eh... sino ba kasi iyon? Kung anime siya... buburahin ko siya. Kung manga... pupunitin.

Totoong tao ba iyon? Nako. Masaklap. Search ko nga.

Madge’s POV

Nakakalungkot naman. Malapit na akong umalis sa school na ito. Parang kailan lang... naglalaro lang kami dito tapos ngayon... ilang araw nalang. Graduation na. Puro practice na nga lang kami eh. Naka-heels pa... eh hindi naman ako nagsusuot nun. Tapos yung mga kasama ko... may binabasa sa cellphone nila... sabi nila... galing daw sa wattpad. Ano ba iyon? Lovestory? Hindi ako mahilig don.

( Ikemen Desu Ne... nandun sa gilid... short lang siya. Japanese Version ng He’s Beautiful. Alam ko mas marami sa inyo na mas gusto yung Korean Ver. Pero mas nagustuhan ni Madge at Chaki iyon dahil... paborito nila ang Hey! Say! JUMP at Kis-My-Ft2. LOL. Nakakatuwa naman si Hikaru doon eh at magaling talaga siya mag-drums... at isa sa paborito ni Chaki si Tama-chan... yung gumanap na Tae Kyung... yung black hair. Siya nga pala si Vene ng AHAW. Haha. Gusto ko iyan... best friend yan ni Inoo Kei( Chace ng AHAW) Bwahahaah. Yun lang. Nag-adik. Tingnan niyo nalang sa gilid.)

Ang sinubaybayan ko lang na lovestory ay yung ikemen desu ne. Syempre... nandon yung idol ko. Naiyak nga ako sa story ni Hikaru doon eh kasi alam ko naman na mahal na mahal niya si Mio. Huhuhuhu. Nahawa na talaga ako kay Chaki... mas naadik na ata ako... nauuna na kasi akong mag-download sa kanya. Pinagkatiwala niya yung password ng livejournal na para naman daw hindi na siya mahirapan sa pagbibigay ng link sa akin... Thank you sa kanya!!! Updated ako palagi. Haha

Nako. Last days na. Ano naman kaya mangyayari? Layo kasi ng pag-aaralan ko eh.

To be continued~

Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon