Ferris Wheel

88 5 1
                                    

Author’s Message:

Sa year na ito, hindi magkaklase si Madge at Charles kaya medyo... fast-forward kung okay lang. Ilalagay ko lang yung moments nila.

Ferris Wheel

Madge’s POV

Wee. Ang saya pala mamiesta dito kila Chaki. Daming food. Joke. At syempre masaya kasi may rides at saka nakakuha na rin ako ng videos ng Hey! Say! JUMP. Favorite ko kasi si Hikaru... galing niya kasi mag-drums at mag-bass guitar. At ang galing rin niyang umarte doon sa Ikemen Desu Ne.... hindi ko pinanood yung Korean Version noon eh... pero kasi syempre paborito ko siya... at humanga ako... parang siya rin yun eh.... ganoon siya sa totong buhay. Saya.

Ang saya sumakay dito sa Scramble... mas malala siya sa Octopus... kinawawa ko si Chaki. Haha. Eh sa masaya talaga eh tapos yung bump car!! Super saya doon!! Lalo na kapag nababangga ka. Hahah.

Charles’ POV

“Pre, may plano na kami...”

“Ano naman iyon?”

“Sumakay tayong lahat ng Ferris Wheel.”

“Tapos?”

“Tabi kayong dalawa ni Madge... hindi ba may sasabihin ka?”

“Eh paano yun... hindi tayo sakto...”

“Kami na bahala doon.”

“Ah, sige.”

Kabado ako. Paano na yan?! Paano ko sasabihin?? Baka unahan ako ng... kaba! Paano na ito? Hala. Eto na sila.

Madge’s POV

“Hindi! Ako yung solo!!”

“Madge, ako!!”

“Hindi ako nalang!!

“Ako nga sabi eh!”

Hindi ko alam kung bakit lahat kami nag-aagawan sa solo na ride sa Ferris Wheel. Masarap kasi kapag mag-isa... may thrill... kaya tuloy nagaagawan kami.

“Ganito nalang... ang maiba... siya yung solo.”

Ha? Patay! Hindi ako swerte sa mga ganyan! Bahala na nga. Sana swertehin ako.

Malas! Ang swerte ni Chaki!!! Kasi naman eh...

“Mauna na ako.”

Si Chaki yung pinakaunang sumakay... at nagulat ako nang biglang sumakay si Melvin at Luce. Akala ko ba... kami ni Luce ang magkatabi!! Pwede na bang mag-backout? Pero sayang yung bayad... naiwan ako kasama si... Charles.

Hay. May magagawa pa ba ako? Eto na iyon eh...

Awkward.

To be continued~

Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon