Exchange Gift

108 9 8
                                    

Now playing:

Hatenai Sora- Arashi

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Exchange Gift

Charles’ POV

Malapit na magpasko.... magkikrismas party na kami next week... eto na ang time na magbubunutan kami ng reregaluhan namin para sa exchange gift ng klase. Masaya na dapat ang mga araw ko yun nga lang... hindi kami nagpapansinan ni Madge. Nakasama ata ang panliligaw ko sa kanya....

Shina-shuffle na ni Ms. Caris yung mga pangalan namin sa isang cup ng cup noodles... oo... dun kami bubunot... sino naman kaya mabubunot ko?

Tinawag na niya ang pangalan ko... at.... sa di malamang dahilan.... nalungkot ako. Ibang pangalan ang nabunot ko. Hindi pangalan ni Madge, na ngayon ko lang narealize na siya ang gusto kong mabunot dahil siya pa rin ang gusto ko. Sa kanya na ako loyal.

Madge’s POV

Lalaki ang nabunot ko.... ayos... medyo madaling regaluhan to. Basta pamporma... masaya na siguro to. Buti wala namang aberya sa bunutan... kung nagkaron... nako naman... medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko nabunot si Charles... kasi.. kung siya ang nabunot ko.... patay na... hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Charles’ POV

Kahit na hindi si Madge ang nabunot ko, gusto ko pa rin siyang regaluhan, kasi nga siya pa rin talaga ang gusto ko..... ano naman kaya? Hindi siya yung tipo ng babae na mahilig sa pink... anime nalang kaya? Nako.. hindi pwede... ang gara naman nung regalo ng lalaki sa babae.... stuff toy? Hmmmmm...... not yet sure.. ano? Ano? Ano? Di ako pwedeng magtanong... kasi kapag nalaman ng isa sa kanila na reregaluhan ko si Madge, sigurado akong kakalat na yun... susmaryosep.. mabilis pa naman kumalat ang balita sa Lucid Academy.

Madge’s POV

Kung sa klase may bunutan, syempre... kaming nila Chaki, Emily at Luce... meron din... nako... feeling ko... marami akong bibitbiting regalo sa Christmas Party. Kasi naman... ang dami kong kaibigan dito... kahit bago palang ako... nakakatuwa nga eh... pero ako rin naman... ang daming reregaluhan... siguro mabubutas yung bulsa ko pag namili ako... Hay.

Ano kaya mga mangyayari sa Christmas Party?

To be continued~

Chaki’s Corner

Wee. Merry Christmas! Babati na ako kasi next na kabanata... hindi ako ang may-ari ng corner.. iba... ang walang iba kundi si Emily. Hehehehehehe. Ano ba gusto kong matanggap?? Reregaluhan niyo ba ako? Hehehe.

Mga gustong matanggap ni Chaki sa pasko:

Poster ni Inoo Kei

Poster ng Hey! Say! JUMP

CD ng Hey! Say! JUMP

Libro!!!

Votes at Comments (optional pero yung iba... required yan ah) Hahaha

Ticket sa Asian Tour ng Hey! Say! JUMP (dali.... yun ngang sa Hong Kong 5 minutes eh ubos na!!! BILIS!!! May mabibili pa kaya? Huhhuhuhu... magbabangka talaga ako)

Merchandise ng mga JE groups kung gusto niyo hahahaha

HAHAHAAHHHHAAHHHAHHAHA. Iintayin ko yan ah!!!!! Heheheheheheeehe

Ay... may nakalimutan ako.... isang “truck” nga pala. Okay? Salamat.

Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon