New Seatmate

135 5 0
                                        

Now Playing:

Sweet Chain- KAT-TUN

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

New Seatmate

Madge’s POV

Second quarter na. Bago na seatmate ko... si Charles. Mas naka-close ko na siya ngayon. Medyo pareho kami ng interest eh. Bands. Nag-share kami ng locker... syempre siya yung tiga-kuha. Nag-volunteer siya eh. Madaya si Luce at Chaki, nandun pa rin sa pwesto nila. Si Emily, dun sa may harap ko kaya.. okay na! Hehehehe.

Charles’ POV

Tinutukso na kami nila Melvin... ChaMad daw... ang gara.. parang tamad lang na binakla ang pagkakasabi. Pero... lately... oo nga... ang lakas ng tibok ng puso ko... di na nga ako umaalis ng pwesto ko eh. Nag-eenjoy kasi ako na kasama si Madge. Lagi kaming nakikinig dun sa MP3 player niya... pareho pala kami ng gustong banda. Nice. At lately, nawawala na sa isipan ko si Jamjam at ang laging nasa utak ko ay yung mukha ni Madge... in-love na kaya ako?

Emily’s POV

Ang saya manood ng lovebirds. Nandito kaming mga Olympians sa may tapat ng aircon. Tambayan namin yung platform. At nakatutok samin yung aircon. Ang sarap. Malamig. Nagtataka ba kayo kung bakit Olympians? Well.... lahat kami mahilig sa Percy Jackson na series... at lahat kami kunwari, mga anak ng god or ng godess. Corny ba? Edi kami na. May facebook group pa nga kami eh. Haha. Ang kasali ay ako, si Madge, si Luce, si Chaki, si Charles, si Melvin, si Roel, si Chris (na may gusto kay Luce, hehe) at si Joseph.

Pinapanood namin ni Chaki yung dalawa pero syempre, di kami obvious habang yung iba ay kung anu-ano ang ginagawa. Nagta-TapTap sila Luce at Joseph. At yung iba ay.. who-knows-what... na-aabno ba?

“Tingnan mo yung shape ng earphones nila.”

Nakikinig kasi yung dalawa sa MP3 player ni Madge. Tiningnan ni Chaki yung dalawa pero syempre, hindi halata. Kunwari sa bulletin board siya nakatingin. Dun siya magaling eh... sa mga patagong kilos. Matalas tenga niyan at malinaw mata.... minsan nga di ligtas na magbulungan na malapit sa kanya. May radar ata. Dinig niya. Napangiti si Chaki.

“Parang heart.”

Ang ganda ng imagination namin. Sobrang close naman kasi. Walang space. Ang sarap picturan at i-post sa tumblr yun nga lang, mahuhuli ako. Wah!

Melvin’s POV

Ang sarap tuksuhin nung dalawa. Ganun talaga ako. May magagawa kayo? At ito namang pare kong si Chris... ang torpe torpe.... ang sarap sapakin. Matagal na niyang gusto si Luce. 2nd yr. palang. Napakatino naman kasi. Sa totoo lang, ako ang nangunguna sa pantutukso kila Madge at Charles. Kaya nalaman ng buong klase.. may magagawa kayo? Ganyan talaga ang mga guava.

Charles’ POV

Ang gara ng pakiramdam ko ngayon. Parang ang daming nakatingin samin.... pag naman titingin ako... mga naabno lang naman sila dun sa isang tabi... iba talaga. Pero ang lakas ng tibok ng puso ko. Katabi ko kasi si Madge. Nahulog na ata ako sa kanya...

To be continued~

Emily’s Corner

Wee. Nakakatuwa manood ng mga love birds.... pero syempre.. patago. Baka magalit o kaya naman mailang. Hahaha. Gawain na namin yun ni Chaki. Waha. Nakakaadik naman tong binabasa ko, Percy Jackson. Wah! DOP ako at kapatid ko si Charles. Hulaan niyo meaning niyan. Haha.

Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon