Now playing:
Face Down- Arashi
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Foundation Week
Charles’ POV
Napakawalang-kwenta naman ng January ko... Di ko namalayan na foundation week na namin. Parang di ko nararamdaman ang mga nangyayari sa paligid ko. Ano ba yan.... Tapos... napaka-bagal ko pa. Ano ba?! Syempre hindi ko naman siya pwedeng makasama ngayong Foundation Week dahil.... hay. Nagkakailangan nga kami. Ano ba to?!
Ang ganda sana kung makakasama mo siya sa octopus o ferris wheel. Kahit nga sa caterpillar, pagtatyagaan ko na... makasama lang siya... yun nga lang malabong mangyari yun. Badtrip. Kailangan ko na talagang magtyaga na kasama buong linggo itong mga mokong kong mga kaibigan. Hays.
Madge’s POV
Magde-date ba kami ni Emily ng buong linggo?? Haha. Ano naman kaya ang gagawin namin?? Si Luce.... kasama yung iba niyang kaibigan at pati na rin si Chaki... kaya kami lang naiwan.. buti nalang biglang sumama samin sina Kathleen at Mary Rose. Ang boring naman namin... naglatag lang kami ng banig sa ilalim ng puno... at hanggang ngayon... nagkakailangan pa rin kami ni Charles.... hay.
May magagawa kaya ako?? Parang wala naman... sumasakay-sakay kami sa octopus at dun sa ferris wheel... pero ngayong ubos na ang ticket ko.... wala na.
Emily’s POV
Hay. Ang boring.... ang gara.... parang mas gusto ko pa ata ang may klase... pero pag naman may klase gusto ko yung ganitong walang ginagawa.... hay... magulo lang talaga ang utak ko. Siguro nga mas gusto ko yung nasa gitna lang... konting saya... konting hirap. Wala kaming ibang ginawa kundi ang umupo, humiga, kumain... kwentuhan ng konti sa ilalim ng puno... siguro tatangkad ako... kakatulog ko. Kung totoo man yung sinabi nila na nakakatangkad ang pagtulog sa tanghali. Ang pagtulog ba ng buong araw ay nakakatangkad??
Luce’s POV
Wala na bang silang ibang gagawin kundi ang matulog sa ibang puno? Kanina ko pa sila pinagmamasdan... nakaupo lang naman kasi dito sa may bench ng covered walk eh... kitang-kita ko sila. Tumigil muna kami sa pag-iikot dahil ang init. Tirik yung araw. Ano bang ginagawa ni Charles? Yan lang si Madge at nanatili sa isang pwesto... siya naman... di man lang nagpaparamdam ng kahit ano... hays. Matatapos nalang ba ang foundation week ng ganun-ganun lang?
To be continued~
Chaki’s Corner
Wee. Wee.!!!! Ang sarap sumakay sa octopus... si Shelby kasi... nahawa ako. Kanina pa kami nagpapalitan ng katabi sa ride na ito... pero dahil adik kaming dalawa... kanina pa kami bili ng bili ng ticket nag into ang presyo. Namumulubi na ako... pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko... Hahahaha. Pabayaan niyo na nga. Minsan lang naman eh.
Till next time.
BINABASA MO ANG
Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)
Novela Juvenil75% na nakabase sa tunay na buhay. Story of high school love issues.