Happiness

106 5 7
                                    

Now playing:

Happiness- Arashi

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Happiness

Charles' POV

Yes! Yes! Yes! Pumayag siya!!! Hindi ko akalain. Ako na yata ang pinakamasayang tao nung gabing yun. Napakaswerte ko. Pumasok ako sa school nang good mood na good mood. Sino ba naman ang hindi sasaya kapag pinayagan kang manligaw ng taong gusto mo? Lagi kaming magkasama kapag break dun sa pwesto namin. Natutuwa ako kasi hindi siya naiilang. Siguro maganda nga na naging kaibigan mo muna yung tao bago ang lahat.

Syempre pumupunta pa rin kami dun sa tambayan ng Olympians, sa may tabi ng aircon. Kung anu-anong laro ang nilalaro namin. Killer,killer... concentration... 3-6-9... spin the bottle at naging wagas ang panunukso samin lalo na si Melvin... kung sapakin ko kaya yung guava nay un?

Melvin’s POV

Ang saya-saya manukso. Hayaan niyo na ako. Sa ganito ako nabubuhay eh... pero syempre nililimitahan ko rin yung sarili ko sa panunukso, baka magkailangan. Masisi pa ako.

Madge’s POV

Oo. Pinayagan ko siya. Interesado talaga akong makilala si Charles... at may nararamdaman din naman ako para sa kanya. Iba siya sa ibang mga lalaki.... kasi alam kong matino siya. Hindi nga ako naiilang sa kanya eh. Mabuting senyales yun... mas okay sakin yung ganun... yung naging kaibigan mo muna... pero natatakot ako na baka... maging iba na ang turingan namin kapag nagtuloy-tuloy ito. Ayaw kong mangayari yung masira ang pagkakaibigan namin. Madalas kaming nagkakatext.... Pero ang lalong iniisip ko ngayon.. ay pano kung malaman ng mommy ko? Mahigpit sila. Ano kaya ang dapat kong gawin?

Chris’ POV

Nakapagsabi na pala si Charles kay Madge. Ang tapang niya pala. Akala ko kapareho ko rin. Ako kaya? Kailan ako makakapagsabi kay Luce na last year ko pa siya gusto? Bat naman kasi napakatorpe ko? Sana magkaroon din ako ng tapang na katulad nung kay Charles.... at kailangan hindi ako babagal-bagal.

To be continued~

Emily’s Corner

Dumadami ang pairings sa classroom. Nakakatuwa. Love is in the air. Kanina... nakakainis... may nagdikit ng rubber band ng braces sa ngipin dun sa locker ko. Naka-scotch tape pa. Nakakinis. Kadiri! Edi nalagyan ng laway niya yung locker ko. Eew!! Malaman ko lang kung sino yun... HUMANDA SIYA!

Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon