First Day

301 7 5
                                    

Now Playing:

Catch & Go!!- Yokoo Wataru, Senga Kento, Nikaido Takashi, Miyata Toshiya (Kis-my-Ft2)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

First Day

Madge’s POV

Kinakabahan ako ngayon. First day ko sa school na ito. I’m somewhat relieved nung nalaman kong magkaklase kami ni Luce, kaibigan ko since elementary, ka-village at ka-service. Ibig sabihin, madalas kaming magkakasama. Nag-uusap lang kami habang nakatayo ng may lumapit sa aming babae. Naka-ponytail siya pero kulot yung buhok niya. Mas matangkad siya sa sa akin pero mas maliit siya kay Luce.

“Section A ka diba?”

Tumango si Luce. Kakilala niya siguro. Buti pa siya. Last year pa kasi siya nag-transfer dito. Napansin ko na nakatingin sakin yung magiging kaklase namin.

“First year ka?”

Bingo! Napagkamalan niya akong first year. Hindi naman kasi talaga ako biniyayaan sa aspeto ng katangkaran.

“Ah, hindi. Section A din ako.”

“Ay sorry. Ang cute mo kasi. Mukha kang bata. Chaki nga pala. Ano name mo?”

“Madge.”

Kakameet ko palang sa kanya, close na kami kagad. Lucky. Pumasok na kami sa gym. Sabi nila, kapag daw first day, may misa. Ang dami palang estudyante dito. Nasanay kasi ako dun sa dati naming school ni Luce na isa lang yung section. Dito, 6 sections. Magkakakilala kaya sila? Dum kami pumwest sa may bleachers (yung parang pahagdan na mga upuan) na nakalaan para sa Section A. Pinakamalayo kami sa stage. May babaeng teacher na nakabantay sa amin. Siguro adviser namin siya.

Charle’s POV

Nakapila na kaming dalawa ni Roel kasama pa ang iba pang mga sacristan dun sa may lobby ng gym. Hinihintay nalang namin yung pari para makapag-start na. May misa kasi. Bihira ko maranasan ang umupo sa bleachers kasama ang section ko. Lagi kasi akong nagse-serve. Ano kayang section yung crush ko? Napaka-loyal ko. Simula pa Grade 6, si Jamjam na yung crush ko.

Madge’s POV

Nandito na kami sa classroom. Hay! Ang tagal pala matapos nung opening sa gym... pagkatapos kasi nung misa... may mga kung anu-ano pang sinabi. Ang init. Wala pa akong kilala. Si Luce at Chaki palang pero bat ganun? Feeling ko hindi ako transferee. Parang ang warm ng feeling. I have a good feeling about this!

Luce’s POV

OMG! OMG! Hawak-hawak ko yung panyo kong checkered, pagharap ko, may babae akong kaklase na kapareho ko ng panyo.. tatak at design.... Pierre Cardin. Nagkatinginan nga kami eh, pero parang ang sungit niya. Kakaiba yung aura niya. Nakakatakot. Makaka-close ko kaya siya?

Madge’s POV

Binago ni Ma’am Caris, yung adviser namin, yung seating arrangement namin. Ang katabi ko ay si... Melvin daw pangalan at... Ivan daw. Buti pa si Luce at Chaki, isang lalaki lang ang pagitan nila. Magkakasunod nga pala kami ng class number nina Chaki at Luce. Sayang, nahiwalay pa ako ng pwesto. Di bale... mukhang mabait naman yung mga katabi ko. Si Melvin nga... mukhang... Guava?

To be continued~

Chaki’s Corner

Hay! Kamusta po? Ito po ay dulot ng kahibangan. Isang truck po kasi ang inorder ng author sa kaibigan niyang “drug lord” na... nalulugi na. Pabaya kasi. Susugurin nga daw niya. Anyway, pasensya na kung medyo nakakalito... base to sa.... experience ng author.... pero syempre may iniba niya... at .... pinagana niya ang kanyang imahinasyon. Wee.... Kung mababasa niyo man ito... papromote po....

Messy Love by LadyCerise (isa po siyang “drug lord” kaya basahin niyo ang kanyang gawa. Maganda! Promise! Walang biro. Basahin niyo!) Hihihihihi

Perks of Love and Hate by amedrops

Always Have, Always Will by amedrops

Lovelost Elegy by amedrops

Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon