Prom Night
Charles’ POV
“Wala pa ba siya?”
“Na-trapik daw sila. Oo nga... ang traffic. Sobra.”
Kanina pa kami naghihintay dito. Sinasaway na nga kami nung mga teacher pero hindi kami natinag. Usapan kasi namin... magintayan kami... ang tagal nila Madge. Ang traffic daw sa labas.
Pagkatapos ng ilang mga nakakatarantang minute... dumating na rin siya. Kinuha ko yung bouquet ng bulaklak na binili ko para sa kanya.
“Thank you.”
Pumasok na kami pagkatapos noon at sa isang table kami umupo lahat. Partner ni Luce si Chris. Nakakailang lang kasi pinupunterya kami ng mga kamera ng mga Section A dati. Hindi naman kami artista para habulin ng camera.
Ang gara nga lang ng atmosphere sa table... kanya-kanyang usapan... hindi naman kami masyadong nag-uusap ni Madge... kaya tuloy parang OP ako na hindi. Makita ko nalang siya bigla, may hawak na cellphone. Kay Chaki ba iyon? Dilaw eh...
May pinapanood ata siya... at si Chaki naman parang kinukuha yung phone... ano ba iyon?
Chaki’s POV
Madge!!! Papatayin na kita. Prom to!! Hindi tunganga event!!! Bakit ka nanonood ng videos eh napanood mo na iyan????? Kausapin mo nalang yung kapartner mo imbes na humanga ka kay Hikaru!!!
Pilit kong inaagaw yung phone ko... pero hindi ako nagwawagi... masyado siyang nakatutok doon sa pinapanood niya. Alam kong si Hikaru iyon dahil dinig na dinig ko yung bass guitar at yung pagwawala ng drums... pambihira!!! Iyan yung pasiklaban nila.... Papatayin ko iyong Hikaru na iyon kung hindi ka pa titigil dyan. Ayan si Charles oh.... pambihira!! Sisirain ko iyang phone ko na iyan... pero huwag naman sana... ang dami ko nang videos na nailagay doon. Sayang naman.
(Yung video nung mismong pinapapanood ni Madge ay nasa gilid: ang pagwawala ng mga tao... mga nagaadik. Joke. Ayan. Yan po iyon mismo at nahirapan si Chaki sa pagagaw ng phone niya. Kinidnap kasi.)
Madge’s POV
Pagkatapos kong matapos yung video... tsaka ko lang ibinalik yung phone. Wala kasi akong magawa. Parang ang awkward ng pakiramdam ko. Hindi talaga ako mahilig sa mga events na ito.
Nagaya nang kumuha ng pagkain si Luce pagkatapos non... natuwa ako noong nakakita ako ng maki... favourite ko kasi iyon....
Nung tapos na akong kumuha... nagulat ako noong kinuha ni Charles bigla yung plato ko.
“Ako na magdadala.”
Wala na rin naman akong nagawa dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Pinaghila pa niya ako ng upuan.
“Thank you.”
Nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos naming kumain... sayawan na daw... lahat kami tumayo at kanya-kanyang partner. Nahihiya ako. Hindi ako marunong sumayaw... binulungan ako ni Luce na hayaan ko na daw. May magagawa pa ba ako? Hindi ba pumayag naman ako doon sa sulat. Hay.
Ang daming sumasayaw... at medyo naging chismosa ako. Habang nagsasayaw kami... tinitingnan ko kung sinu-sino yung mga magkakasayaw. Ang gara nung iba... parang nakaglue na sa isa’t isa. Ang gara....
Natapos ang prom ko nang maaga... maaga kasi akong sinundo.
Charles’ POV
Kahit tahimik lang kami ngayon... masaya pa rin ako dahil kahit papaano... nakasama ko siya kahit ilang oras lang... kahit papaano...
Masaya ako dahil sa huling prom ko, nakasama ko ang taong gusto ko kahit alam kong ilang siya sa akin. Magandang experience na rin ito.
To be continued~
Emily’s Corner
Edi ako na hindi naka-attend ng prom. Nakabihis na ako eh.... may make-up na at naka-gown na ako tapos biglang sabi ng tatay ko na huwag na daw akong umattend...
Gusto kong umiyak... huling prom na ito... hindi pa ako nakapunta.
Ang gara talaga niya... kahit kailan.....
BINABASA MO ANG
Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)
Ficção Adolescente75% na nakabase sa tunay na buhay. Story of high school love issues.