Now playing:
Rescue- KAT-TUN
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Rescue
Madge’s POV
Nandito kaming lahat ngayon sa bahay ni Chaki... para... mag-shoot ng pelikula.... project kasi namin sa English.. sa totoo lang wala naman talaga akong masyadong gagawin dito... camerawoman lang naman ako pero gusto kong pumunta kasi... sigurado ako na hindi naman kami masyadong makakagawa ng project.
Puro shooting lang ang nangyayari na nauuwi sa tawanan kaya in the end... wala kaming natapos... kumain nalang kami ng marami. Maraming ulam kasi bago mag-fiesta yung araw ng pagpunta namin. Yum. Nakakabusog.... at pagkatapos nun... kung anu-ano na yung ginawa namin. Picture.... tumalon sa hagdan.. makipaglaro sa aso... kalampagin yung piano.. manggulo ng gamit ni Chaki.
Pero sa gitna ng aming kasayahan... nagtext bigla yung nanay ko. Pinapauwi na ako.. wala pang balak umuwi si Luce kaya sinabi ko na ako nalang ang uuwi mag-isa.... kahit hindi ko alam kung paano umuwi. Pano to?
Tinuro ni Luce sa akin kung paano umuwi... hindi ko masyadong gets dahil hindi ako pamilyar sa mga lugar lugar... bahala na.
Hinatid nila ako sa may gate... at sumakay na ako ng jeep. Ibinaba ako sa kung saan kasi hanggang dun nalang daw... bawal na daw bumaba sa ibang lugar... wah. Nasan ako? Nasa tapat ako ngayon ng botika ng gamot.... paano ako uuwi nito... hindi ko maintindihan kung maiiyak ba ako o matatawa.... basta nakikinig ako. Biglang tumawag si Melvin....
Charles’ POV
Hindi ako mapalagay... ang alam ko hindi alam ni Madge ang pauwi galing dito.... kaya tinawagan ni Melvin si Madge.... at bingo... nawawala siya... nakatayo daw siya ngayon sa harap ng botika? Sa botika? Sa may palengke yun ah... bat naman siya nandun?? Si Chaki na yung may hawak nung phone at kumakausap.... agad agad akong pumunta sa kwarto niya at kinuha yung gamit ko...
“Baka hindi na ako makabalik....” At tumakbo na ako palabas..... bahala na...
Chaki’s POV
Wee. Mag-aala superhero tong si Charles... pero baka makahalata si Madge... Kayak o to..
“Madge.... intayin mo ako ah.... umiiyak ka ba?”
“Hi-hindi... thank you Chaki ah.”
“Sige intayin mo ako jan.”
Wee. Ang exciting naman nito. Parang drama lang ah. Hahahahahaha
To be continued~
Chaki’s Corner
May masasabi ba ako sa ngayon? Wala naman diba. Wala. Sountrip nalang.
Rescue- KAT-TUN
Trip ko yung pagbe-beatbox ni Nakamaru jan.. hahahaha siya nga pala yung letter N... okie? Wala lang. Share lang.
BINABASA MO ANG
Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)
Teen Fiction75% na nakabase sa tunay na buhay. Story of high school love issues.