Paper Message

76 5 0
                                    

Paper Message

Madge’s POV

Nakaupo kami sa canteen dahil sabi nila... katamad daw sa mga service nila... mamaya pa ata yung labas nung iba... ang daming mga ginagawa... kaya tambay muna kami sa canteen.

Kain lang kami ng kain. Kwentuhan ng kwentuhan. Nanonood lang ako ng videos doon sa cellphone ni Chaki. Bestfriend ko na yung phone na iyon. Ang bait ni Chaki sa akin kapag JUMP na ang pinaguusapan. Pinagda-download niya ako ng mga videos ni Hikaru!!! Astig talaga niya... sabi nila... crush ko na daw iyon... hindi ah!!! IDOL ko lang siya talaga! Di uso sa akin ang crush crush no...

Pinagtripan ko rin si Chaki... kapag tumawag siya sa phone ko... si Inoo Kei ang lalabas. Favorite niya iyon eh... yun ang pinakaIDOL niya at sabi niya crush at trip na rin daw niya. Oo nga... kahanga-hanga ang taong iyon... future architect tapos ang galing pa tumugtog ng piano... kaya ayun... naging idol ni Chaki. LOL.

Nagcoconcentrate ako sa panonood ng panonood ng vid ni Hikaru at Yuto este JUMP band pala. Sorry naman. Kasi silang dalawa paborito ko eh... galing kasi mag-drums at mag-bass... edi sila na!! Ganda rin nung violin pero hindi yun JUMP member. Haha

(Nasa gilid yung video nung mismong pinapanood ni Madge. LOL. Ako rin eh... gusto ko matuto tumugtog ng bass guitar. Trip ko rin yung violin. ANG GANDA!!! Pero alam niyo na ang tinitingnan ko... yung nagki-keybord. LOL.)

“Madge!!”

Napatigil ako sa panonood... sayang... last part na iyon... natigil pa. Tinatawag ako nung isang tiga-section Section D. Bakit kaya?

Tumayo ako at pinuntahan siya... may pinakita siya sa aking papel... scented paper ata iyon. Pinabasa niya sa akin...

Sorry noong nasa ferris wheel tayo... hindi ko kasi alam ang gagawin. Sobrang nahihiya talaga ako kaya hindi ako nagsasalita.

Pero sana naman ngayon... mapagbigyan mo ako...

PROM???

-Charles.

Kinuha ko yung papel at bumalik na ako sa pwesto namin. Nakatingin silang lahat sa akin.

“Bakit?”

To be continued~

Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon