Now Playing:
School Days- Hey! Say! BEST (Hey! Say! JUMP)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Election
Madge’s POV
Election na ng class officers. One week na akong nag-aaral at nag-aadjust dito sa Lucid Academy.. pero... feeling ko one month na. Sanay na kasi ako. First day palang... may bago nga pala akong friends... si Emily, yung nakaupo sa likod nung lalaki sa pagitan ni Luce at Chaki. Naging kaibigan ko rin si Kathleen at Mary Rose, yung mga nakapwesto sa likod ko dahil last na sila sa girls. During breaks, ang kasabay ko ay sina Luce, Emily, Rich at Vanessa. Si Rich at Vanessa nga pala ay sa Section F pero naging kaibigan ko sila nung pinakilala ako ni Luce... sila yung friends niya na nakilala niya last year. Ang babait nila. Si Chaki, hindi namin kasabay dahil may barkada siya.
Nandito kami sa classroom, mukhang seryoso lahat. Siguro.. pinagiisipan kung sino ang iboboto. Parang national elections lang.
Charle’s POV
May transferee kami... Madge yung pangalan... katabi ni Melvin kaya medyo nakakausap ko. Ang galing... parang hindi na siya naiilang kahit first week palang niya dito. Kakaiba siya... parang medyo naging interesado ako sa kanya. Si Jamjam pala, Section D... nalaman ko lang kay Chaki kasi kabarkada niya yun. Crush ko pa rin siya. Di nga nawawala kahit di ko naman talaga siya nakakasalamuha madalas. Pero interesado talaga ako dun kay Madge... may kakaiba sa kanya eh.
Madge’s POV
Nagsimula nang magbotohan... mula dun sa Mayor hanggang Treasurer, boto lang ako ng boto.... laging hati yung boto sa klase... ang ganda ng laban.... siguro mga matitinong tao yung mga yun. Pagdating dun sa pwesto ng Academic Councilor, ang nominated ay si Chaki at si Roel... si Chaki na ako! Haha. Bias. Pero okay naman din si Roel eh... nakakausap ko siya madalas.. iba utak niya. Actually, maraming mautak dito sa Section A... kala ko nga top of the batch ang mga nandito.. proud pa nga ako... pero hindi pala.. lagi palang mixed ang sectioning at yung top 5 ay nasa section E, nagsasabong sila dun. Mas nacha-challenge utak ko dito. Di dapat ako magpahuli. Haha. Pero nakakatamad. Hihihihi. Nagbotohan na kami... si Chaki ang panalo pero 3 votes lang ang pagitan. Nagbotohan na hanggang dun sa dulong posisyon at nakakumpleto na kami ng officers. Magpepledge sila... next week daw. At mamimili daw kami ng committee na sasalihan namin... sa academic nalang ako... kaibigan ko naman si Chaki eh.
“Bat ako binoto niyo?”
“Okay lang yan.”
“Hirap kaya yun. Madalas nga akong makapuntos sa mga teacher nung first year ako kasi di ko sila natatawag.”
Yun ang trabaho ng academic councilor. Magtawag ng late na teacher, mangolekta ng papel, kumuha ng seatwork. Mahirap pala. Kaya niya yun.
“Okay lang yan. Suportahan ka namin.”
“Hay. Bahala na. Paalam na.”
Nag-wave kami sa kanya. Ganyan siya magba-bye... tagalog... di ko alam kung san niya nakuha yun pero nung isang araw... kasama niya ata yung barkada niya... nadinig ko... ganyan sila magba-bye. Bat naman kaya? Interesting. Gusto ko makilala sila. Para kasing ang saya-saya nila at... nalaman ko na since first year ba yung barkada na yun. Di nabubuwag.
Charle’s POV
Committee? San naman kaya ako sasali? Socio... ayoko.... magastos. Mass Media? Puno na ata eh. Barkada palang nila. COB... ayokong maglinis. Spiritual?.. di ako banal. Academic... mapag-isipan muna. Bahala na sa Monday.
To be continued~
Emily’s Corner
Hello po. Ako po si Emily. Well... ang masasabi ko lang... baliw din po ako at.... mahilig ako sa horror.. tanungin mo pa sila Madge. Tawag nga nila sakin.. “The Walking Advertiser of The Exorcist”. Corny ba? Sadyang corny talaga sila eh. Ako rin naman. Puno na nang mais sa paligid namin. Kasi naman! Panoorin niyo yung The Exorcist at dapat sara ilaw, gabi ah.. at mag-isa ka lang. Promise! Masaya.... try mo.

BINABASA MO ANG
Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)
Ficção Adolescente75% na nakabase sa tunay na buhay. Story of high school love issues.