Christmas Party

89 6 7
                                    

Now playing:

Ano Hi No Merry Christmas- Arashi

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Christmas Party

Madge’s POV

Nandito kaming lahat ngayon sa gym... may misa kasi bago mag-start yung Christmas Party. Ang init talaga... kahit naka-civilian clothes ako. Hay. Ang init-init. Nag-vibrate yung phone ko.

Help! Help! Ang dami kong dala. Please?

Si Luce pala...

Ah, cge... intayin mo kami jan. XD

“Intayin daw natin si Luce sa may gate...”

“Ngayon na?”

“Oo.”

“Tara.”

Pumunta kaming tatlo dun sa may gate at nakita namin si Luce na.... napapalibutan ng maraming supot... Landmark lahat... sa Trinoma siguro namili to.

“Para ka namang Santa Claus....”

“Syempre... para yan sa mga baliw na tao...”

“Bakit ang bigat naman... at ang lalaki...”

“Para nga kasi sa mga baliw yan....”

“Guys, thank you ah...”

Umupo kami dun sa pwesto ng Section A sa bleachers... grabe naman tong dala ni Luce... ang laki ng nasakop.... hahahaha. Santa Claus....

Nung natapo na yung misa.... aalis na kami lahat ng biglang may in-announce yung admin... maiwan daw lahat ng naka-dress.... tumingin kami kay Luce... patay... naka-dress siya... Maiiwan siya?

“Ay, sige mauna na kayo...”

“Luce, kami na magdadala nito ah.”

“Thank you ah. Sorry....”

Buti nalang may mga kasama siyang kaklase namin na naka-dress din.

Dumeretso na kami dun sa mga classroom namin... at nagdasal na kami.... kainan na kasi.

“Ma’am... hindi po kami kakain hangga’t hindi pa dumadating yung iba.”

“Gusto niyo bang intayin natin sila?”

“Opo, ma’am.”

“Sige. Sige.”

Hindi muna kami kumain..... gusto kasi namin na lahat ng nasa Section A ay lahat kakain.

“Ano kaya ginagawa nila dun?”

“Baka pinagsasabihan.”

After siguro mga 1 hour, dumating na sila kaya nakakain na kami... at eto na ang time para sa... exchange gift....

May nag-abot sa akin ng gift kaya turn ko na para ibigay yung akin..... may magagawa ba ako? Bahala na... inabot ko yung gift kay Charles.... at ito namang mga kaklase ko....

“Ayiie!!!!!!!”

Nakakailang... nangunguna pa si Melvin.... sapakin ko kaya tong guava na to?

Charles’ POV

Nagulat ako nung sa akin binigay ni Madge yung regalo niya.... seryoso?? Ako nabunot niya? Pumapalakpak na ata yung tenga ko... kahit na exchange gift lang yun... syempre... galing pa rink ay Madge yun... sayang... hindi siya yung nabunot ko... pero okay lang... handa naman ako....

Nung tapos na exchange gift session ng klase... kanya-kanyang bigay na nang regalo sa kung sino man ang gusto mong regaluhan.... wala sina Luce at Chaki... siguro naglilibot.... ang naiwan lang ay si Madge at Emily. Nilapitan ko si Madge... at inabot ko yung malaking red na paper bag na tinatago ko kanina pa.

Parang nagulat ata siya nung bigla kong inabot sa kanya yung dala ko. Tinanggap naman niya ito.

“Tha-thank you......”

To be continued~

Chaki’s Corner

I’m so happy... ang dami kong dala ngayon.... pero teka... gagala kami... pano yan!!

Buti nalang anjan ang service ko.... wee...

Ang daya nung iba.... di sumama....

Lalo na si SHELBY!! Dalawang taon nang hindi sumasama.... hay!! Di bale...Sa pagkakaalam ko... tatakas na siya sa susunod. Wahahahaahaha

Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon