New Classroom

91 6 1
                                    

New Classroom

Madge’s POV

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Ibang-iba sa nangyari sa akin last year. Parang ang lamig lamig... malakas ba ang aircon?? Di... I mean... parang ang lamig ng mga tao dito... hindi katulad dati, warm kaagad. Pakiramdam ko... transferee ulit ako kahit hindi naman. Hays.

Mabubuhay ba ako dito?

Nagsimula na kaming magpakilala sa isa’t isa nung mga bago kong kaklase. Hindi kami naghihiwalay ni Emily... naging kambal na kami? Wala naman kaming magagawa eh. Nakakatakot. Di kami pamilyar sa mga nakapaligid sa amin. Marami sa kanila ang namumukhaan ko... siguro mga nakikita ko sa corridor noon... pero di ko sila kilala. Dapat pala... nagtanong ako kina Chaki... para hindi ganito na nangangapa ako.

Charles’ POV

Masaya dito sa bago kong section... parang last year lang kasi ang dami kong kaklase noon na napunta rin dito. Sabi nga nila... parang Section A lang last year... nadagdag lang yung iba... na mga okay rin naman kasama. Pero hindi ko pa rin maalis sa isipan ko yung section ko last year, the best para sa akin iyon eh... dahil alam niyo na... doon ko nakilala ang... crush ko? O mahal ko? Bleh. Corny ko. Ako na talaga.

First day palang... puro tawanan na kami... pero ang naiisip ko sa bawat tawa ko... okay lang kaya siya sa Section B? Konti palang kasi ang kakilala niya... baka pakiramdam niya transferee ulit siya. Sana naman maging okay lang siya... para naman lahat tayo dito ay masaya.

Chaki’s POV

Okay. Nandito ako sa bago kong classroom... di ko trip mga classmates ko.... honestly... pero nandito naman ang isa kong kabarkadang... Baliw ba siyang maituturing? Hindi ko alam eh... basta kaugali siya ni Jamjam. Haha. Mataas IQ. Tamad nga lang. Sayang.

May manggugulo nanaman sa akin. Three years ko na siyang kaklase!!! Iniwanan lang niya ako nung third year pero binalikan niya ako ngayon. Pinakilala ko siya kay Luce... at okay.. naging close sila kaagad... pero... ang gara ng classroom ko!!! Mabubuhay ba ako dito??

Di ata kaya ng powers ni Chaki ito ah!!! Yikes lang!!!

To be continued~

Emily’s Corner

Phew. Phew. Phew. Sigh. Sigh.

Hi... malungkot ako ngayon.... di ko alam kung bakit... kasama ko nga si Madge... pero... mga kaklase namin... mukhang di ko naman sila makakausap ng matino. Mabubuhay kaya ako? Sigurado ako... ito ang problema ng lahat ngayong first day... tama ba?

Good luck sa atin. Huhuhuhuhuuhhu

Wai.Wai.Wai. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon