Chapter 1

403 11 2
                                    

Chapter 1 : Third Eye Awakening

Isang normal na araw na naman at gaya parin ng nakasanayan ang ginagawa ko.

Kumakain , tumutulong sa gawaing bahay , Sumasayaw , Kumakanta , Nagdra-drawing , nagsusulat ng story o nagcocompose ng poem , essay , nagbabasa , nakikipag- away sa kapatid at marami pang iba.

Eto ako ngayon may hawak na libro at dinadama bawat eksena at feeling detective habang binabasa ang ' The Woman Who Walked Into The Sea' ni Philip R. Craig

' Sino ang pumatay kay Marjorie Summerharp ? '

' Hindi ito suicide gaya ng sinasabi ng mg pulis... Ano kaya ang motibo at sino kaya ang pumatay sa kanya ? '

Yan ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko habang binabasa ang libro

Ewan ko ba ! Feel na feel ko magbasa ng mga mystery stories . Pero ayoko talaga magbasa ng romance... Nadi-dissapoint ako pag nakakakita ako ng libro na mystery pero may halong romance . 'Di naman ako bitter pero ewan.. Siguro di ko lang talaga trip magbasa ng ganoong genre ng books.

Ngayong araw pagbabasa ang pinaka napagtuunan ko ng pansin .



Nandito ako ngayon nakahiga at guess what...

Nagkakabisa ako ng kanta at sayaw... Akala niyo nagbabasa parin ako noh !?

Well may aldiko at wattpad account naman ako at marami din naman akong books sa reading lists ko at meron din akong pdf or soft copies ng mga books pero mas love ko yung totoong libro


~ Han baljjak dwie seotdeon urineun~

~eonjecheum senchi haejil kayo~


Time check : 11 : 34 . Mamaya - maya na ako matutulog tutal malapit ko na namang makabisado yung me gustas tu . 'Di naman talaga ako nagpupuyat kailangan ko lang talagang kabisaduhin 'to kasi may practice kami ng mga friends ko bukas . Ita-try namin gumawa ng dance cover

11:56 something strange happen

Sobra akong kinakabahan . Parang may mga tambol sa puso ko . Kinikilabutan din ako at biglang naging sensitive yung pakiramdam at yung pandinig ko . Ewan ko ba basta naririnig ko yung pagpatak ng tubig mula sa gripong hindi naisara ng maayos . Yung mga yapak ng mga insekto naririnig ko din . Sobra akong pinagpapawisan . Never ko pang naranasan to

11 : 59 na at ganun parin ang kalagayan ko ... Sobra akong natatakot ... Pumikit ako at humugot ng lakas ng loob para bumangon sa higaan ko at mabilis na tumakbo sa kwarto nila Mama

'' Oh ' teh bakit ? '' - tanong ng naalimpungatan kong Mama

'' Bigla kasi akong kinabahan sa kwarto ko eh ! " - kinakabahan kong sagot

" Sige dito ka na matulog "- Sabi ni Mama habang inaayos ang space kung saan ako mahihiga

Nagpasama ako kay Mama para kunin yung unan at kumot ko mula sa kwarto ko

Pumunta na ako sa kwarto nila Mama kung saan natutulog na ang dalawa kong kapatid na lalaki at ang papa ko habang nagpaiwan naman si Mama .

Narinig ko si Mama na bumaba sa hagdan at may kinuha . Umakyat siya at may sinaboy sa kwarto ko .

Pagbalik niya sa kwarto tinanong ko siya

" Ma , ano yun "

" Asin para umalis kung ano man yung nasa kwarto mo "- seryosong sagot ni Mama

Hindi na ako nag usisa pa at tuluyan ko nang ipinikit ang inaantok ko nang mga mata

* Kinabukasan *

"Hoy ate ! Bakit ka natulog sa kwarto namin kagabi ? May sarili ka na ngang kwarto eh ! " - Si Rainier ang kapatid kong lagi kong nakaka away

"Anong pake mo ? Char ! Eh ba naman kasi eh ! bigla nalang akong kinabahan at kinilabutan kagabi " - paliwanag ko sa kanya

" Nahilo ka ba kagabi ?"- usisa ng kapatid ko

"Nahilo ? bakit naman ako mahihilo ?"- naguguluhan kong tanong

" Kasi nahilo ako nung nangyari din sakin yan "- simpleng sagot ng kapatid ko

" Nangyari din sayo yung nangyari sakin kagabi !?"- Paglilinaw ko sa sinabi niya

"Oo ate nung bumukas yung third eye ko "

"You mean magkaka-third eye rin ako ?"- natatakot kong tanong

"Ganun na nga ate . Nagsisimula palang ang third eye mo kaya nakakaramdam ka palang . Nangyari ang third eye awakening sayo kasi siguro masyado kang focus kagabi sa pagkakabisa tapos anung oras na din nun. Mga twelve na ba ng gabi nun ? yung nangyari sayo yun ?"

" Ha !? Mag a-alas dose palang"

"Ah ! "

Bumaba na ang kapatid ko para mag almusal

Gosh !! Ako mag kakathird eye ? No way ! Di ko kaya 



( Isang munting paalala ng sumulat :

Kamusta ! Salamat nga pala sa pagbasa mo ng isa na namang kabanata ng libro ko . Bago ka magpatuloy 'wag kakalimutang sumunod , magbahagi , bumoto at magkumento . )

Sa Mga Mata Ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon