Hello sa inyo ^_^Unang-una sa lahat , maraming salamat sa pagbasa ng libro ko .
Ako nga pala si Maria Desiree L. Fajardo .
Oo tama ka , ako si Maria at totoong nangyari ang mga nabasa mo .
Siguro marami kang tanong . Oo alam ko na hindi ko masyadong pinakilala yung ibang mga tauhan , actually marami talaga sila over one hundred pero 'di ko na sinama yung iba kasi maguguluhan ka lang .
Hindi ko masyadong dinetalye at yung mga pangyayari , pinabilis ko .
Kasalukuyan akong member ng Carrot Fam at Leader ng Dream High - Pristin Cover Group. Yes ! Dancer ako . Salamat sa mga friends kong multo na nagmotivate sakin na ipagpatuloy ko lang ang pag abot sa isa sa mga pangarap ko . Di ako pinayagan ni Papa dati at dahil dun gusto ko nang magback-out sa grupo pero sabi sakin ni Kuya Marc ( Multo na Dancer nung buhay pa siya )
" Geh , pagpatuloy mo lang yan , abutin mo yang pangarap mo . Ang power mo pa namang Dancer , sayang "
Sabayan pa ng motivation ng ilan ko pang kaibigan na multo
" Walang pwedeng pumigil sayo Maria . Wag ka magba-back out . Lakasan mo loob mo"
Salamat sa mga kaibigan ko
Kay Appa ( Korean na multo na isang writer ng children books sa korea . Marunong akong magkorean guys tas binasa ko yung libro niyang nakakorean dun sa library kaya ko siya nakilala)
Siya talaga nagmotivate sakin na sumulat ng libro . Nung una sabi ko
" Appa ayoko na . Wala namang nakakabasa e "
sabi niya
" Ano ka ba ? lahat ng writer , sikat o hindi dumaan na diyan . Hayaan mo madidiscover din yan ng iba basta sipagan mo lang ang pagsusulat "
Naging busy ako sa school kasi grade conscious ako . Di sa pagmamayabang pero competitive akong tao sa lahat ng bagay at laging best foot forward ako .
Di ko na natuloy yung pagsusulat hanggang sa madalang nalang ako makapag-update , hanggang sa napabayaan ko na pero ngayon ito na tapos ko na.
May aral akong natutunan . Dati kasi gusto ko maging sikat na writer dito sa Watty kahanay ng mga fav niyong writer pero narealize ko na di ko pala kailangan ng fame . Simula ngayon magsusulat ako kasi yun yung gusto ko hindi para sa fame or ano man .
Ngayong tapos ko na ang librong ito alam ko na masaya si Appa at may kasunod pa akong mga libro na isusulat pero hindi ko mamadaliin . kasi sabi ni Appa wag daw ako magmadali para maganda yung kalabasan
To William Shakespeare ( Oo nakita ko siya , request ko tas ayun bigla siyang sumulpot sa harapan ko . ) Isa din toh writer tas actor pa . Siya yung naging inspirasyon ko para maging actress din someday at makapagperform sa stage .
Dahil sa fav ko din si William , nainspire talaga ako at guess what nanalo ako ng best actress para sa ESPelikula at main actress ako sa musical play namin.
Di naman ako nagmamayabang pero dahil sa Diyos na sumasagot sa mga panalangin ko at mga kaibigan na full support sakin , marami akong na-achieve
- Top 3 , consistent 90 above average since third grading
- Unang pwesto para sa Essay writing
- Science Spelling Bee Champion
- Best Actress for ESPelikula
- Nakatapos ng first book ever
- Nag iimprove ang leadership ko at mas tumataas pa ang confidence level koKung may tanong ka , kung may third eye ka rin gaya ko at kung gusto mo akong maging kaclose add mo ako sa fb
- Maria Desiree Fajardo Kazuhiko
Salamat sa pagsuporta \(^_^)/
See yah sa next book ko ^0^
BINABASA MO ANG
Sa Mga Mata Ni Maria
AdventureSi Maria ay isang matalino , talented , mabait at higit sa lahat isang simpleng babae . Bata palamang siya ay pakiramdam na niya ay naiiba siya sa mga kaedaran niya . Maraming tanong na naglalaro sa kaniyag isipan na hindi pa nahahanapan n...