Chapter 30

54 4 0
                                    

                    Chapter 30
                         Halaga

       Ilang buwan at araw na ang nakalipas nang magkaroon ako ng third eye at nang matuklasan ko kung paano yun gagamitin .

     Kung dati ay natatakot pa ako kapag may nakikitang bago , ngayon ay balewala nalang sakin at para bang normal lang ang lahat .

      Nasanay na rin ako na kasama namin sa bahay ang mga multo at kakaibang mga nilalang na para sa iba ay kathang isip lamang .

    Hindi ko narin binabanggit sa mga kakilala at kaibigan ko ang tungkol sa third eye ko . Ayoko nang malaman nila . At ano naman kung nalaman nila ? Hindi naman sila naniniwala .

     Samin samin nalang kumbaga . Wala na akong balak ipaalam sa iba ang kwento ng mga kaibigan kong hindi naman nakikita at pinaniniwalaan ng iba .

        Hindi ako nagsisisi at nagpapasalamat pa nga ako dahil nagkaroon ako ng third eye . Biyaya yun para sakin dahil sa pamamagitan ng mga mata ko , nakikita ko at nakakasalamuha ko yung mga kinatatakutan niyo .

        Wala namang rason para matakot kayo sa kanila . Minsan narin silang naging tao , minsan narin natin silang nakasama .

       Nawala lang ang pisikal nilang katawan pero buhay parin sila , 'di niyo nga makita kasi nga kaluluwa na sila .

       Nandiyan lang sila palagi , nasa paligid . Minsan binabantayan ka , pinapanood ka , dinadamayan ka sa lahat ng bagay ; kapag masaya ka , malungkot o may problema .

       Di mo man sila makita , mararamdaman mo naman na nandiyan lang sila palagi para sayo .

      Maraming rason kung bakit nandito pa sila . Huwag nating sabihin na dapat nililisan na nila ang mundong ibabaw dahil ang mundo na ginawa ng Diyos ay para sa lahat ng nilalang niya , nakikita man o hindi .

       " What is essential is invisible to the eye "
       
          Naalala ko na sinabi ng fox dun sa little Prince .

      Di natin nakikita yung mahahalagang bagay o yung halaga ng isang bagay satin kasi madalas na binabalewala lang natin sila . Sabi nga

" Tsaka mo lang makikita yung halaga ng isang bagay kapag nawala na yun sayo "

           Kaya 'wag natin babalewalain yung isang bagay , malaki man yun o maliit at matuto tayong mag-appreciate .

        Invisible man ang mga kaibigan ko sa paningin ng nakararami , may halaga sila sakin at hindi yun matutumbasan ng kahit anong bagay .

          Nagpapasalamat ako dahil nakikita ko sila sa mga mata ko .

Sa Mga Mata Ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon